CHAPTER 06

2 0 0
                                    

C H A P T E R  0 6

THIRD PERSON POV

Ilang araw na rin ang nakalipas ng mangyari ang labanan sa pagitan ng prinsesa ng Avrogardo at ng bagong healer.

Mula ng natalo ang dalagang si Rozaina sa healer na si Risa ay naging mainit ang dugo nito sa manggagamot na kabaliktaran naman ng kapatid niyang si Ivan na talaga namang humanga sa dalaga.

Samantala ay magsisimula na ang mga Class PF ng Avrogardo Academíà na tumanggap ng misyon mula sa headmistress kaya naman nanabik ang mga ito.

Napatingin naman ang sampung class PF ng mga kumatok sa pintuan nila at doon nila nakita si Ms. Jenica, the assistant ng headmistress.

Nang makita ng sampung class PF ang babae ay agad silang nanabik at hinihintay kung sino ang tatawagin niya.

"Girls, Ms. Rozaina Avrogardo, Ms. Liliana Grestor and Ms. Rachel Plagen. Boys, Mr. Ivan Avrogardo, Mr. Tievan Kuros, Mr. Trien Kuros and lastly Mr. Raven Plagen." tumingin ang babae sa mga class PF na tumayo at ngumiti sa mga ito. "Please proceed to the Headmistress Office."

IVAN POV

Kumatok ng tatlong beses si Ms. Jenica bago buksan ang pinto at pumasok. Sumunod kami rito at pagpasok namin ay nakita namin ang babaeng nakaupo sa harap ni Headmistress Ailyn.

Napalingon naman agad ako kay Rozaina nang makilala ang babae. Nakita ko naman agad ang di pagkagusto ng kapatid ko ng makita si Ms. Risa ang nakaupo roon.

Lumapit naman ako rito at bumulong. "Calm down, Rozaina, we're here in front of the headmistress." huminga naman ito ng malalim at umupo sa tapat ni Ms. Risa.

Sumunod naman kaming anim at umupo rin, well kasya naman kaming walo sa dalawnag sofa, apat sa kanan at apat sa kaliwa.

Magkakatabi si Ms. Risa, Lilliana, Rachel at Raven. Kami naman sa kabila nila Rozaina, Trien at Tievan.

"What she's doing here, headmistress?" napabuntong hininga naman si headmistress Ailyn.

"I knew what happened between you and Risa, Rozaina." napaayos naman kami ng upo. "And because of that I thought that you seven will go to your first ever mission with Risa." nanlaki naman ang mata ko at hinanda na ang sarili ko para pigilan ang kapatid ko.

"WHAT? NO WAY!" napatayo naman ang kapatid ko. "NO FREAKING WAY THAT THIS BTCH WILL COME TO OUR GROUP!"

Nakita ko namang pumikit ng mariin si Ms. Ailyn na tila nagtitimpi na huwag patulan ang kapatid ko kaya naman maingat na hinila ko ito.

"Sis, we need Ms. Risa so if there is something that happened to us there's someone who can heal us." paliwanag ko at napatingin kay Ms. Risa na nakangiti sa akin.

"We don't need her, Ivan, did you forget? You're a healer." diing sabi nito habang masamang nakatitig pa rin sa babae.

"Yeah, sis, but we need someone who is more capable or knowledgeable about healing." lumingon naman ito sa akin at handa na akong sigawan ng..

"Wow! You're really a Avrogardo, my prince, not like others na dada lang ng dada." napalingon naman ako kay Ms. Risa ng sabihin niya ito.

Napatikhim naman ako at iba pa naming kasama dahil sa sinabi nito habang ang katabi ko ay ramdam kong hindi niya iyon nagustuhan pero bago pa man ito bumuga ng apoy ay nagsalita na si headmistress.

"The leader is Mr. Tievan Kuros so he is the one who has the right to decide if Ms. Risa will come or not." lumingon naman kaming lahat sa nanahimik na lalaki sa pinakadulo ng sofa.

Tumingin ito kay Ms. Risa, Rozaina tapos sa akin at ngumisi. "It's okay."

"Then it's clear now, Ms. Rozaina." sabi ni Ms. Ailyn na ikinatango na lang ng kapatid ko.

Ngumiti naman si Ms. Ailyn at tinignan kami isa-isa.

"So Team Tievan your mission is to help the people in Silìvâēn to solve the mystery that is happening there."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EYES OF A AVROGARDO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon