Begging

3 1 0
                                    


Athena

Mariin kong pinikit muli ang mga mata ko at pilit binabawi ang sarili upang matulog pero lalo lang lumalakas ang kalabog sa pinto kaya inis kong inalis ang kumot sa akin. I heaved out a heavy sigh and realized that it might be him. Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko at ang pag-asa ko na muli niya akong pipiliin sa pagkakataon na ito. Madali akong kumilos at nagpunta sa pintuan.

"Wade..." ngunit ang pananabik ko ay biglang naglaho at mabilis na nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napaatras ng may mga lalaking nakasuot ng itim na round neck shirt at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng unit ko.

"Teka, sino ba kayo?!"

"A-ano... Huwag niyo ihagis 'yan!" pilit kong kinuha isa-isa ang mga gamit na basta na lang nila hinagis sa kung saan. Lahat sila ay tila may kung anong hinahanap sa loob ng unit ko at tila walang pinalampas na sulok nito.

I tried to stop and even yelled out of my lungs but none of them listened to me. They were deaf, and blind to hear and see me.

"Please stop," muli kong pakiusap at marahan akong lumuhod nang makita ko ang isang frame malapit sa paa ko. It was me and Wade. Napasinghap ako at agad pinunasan ang picture frame na may crack na ang salamin.

It felt like yesterday and those dreams that we both built together as we promised not to let go, but as time passed it felt more lonely. It felt like I was fighting alone on this battle.

'No matter what happens, Athena, you'll be with me.' His voice echoed through my head, at mariin ko rin pinikit ang mga mata ko at niyakap ang frame.

"Wade, please come back."

Ilang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong balita sa kanya. No calls, and messages from him, at ang tanging balita sa tv lang ang nagbibigay sa akin ng impormasyon tungkol kay Wade. Pero umaasa at naniniwala akong babalik siya sa akin. I just need to wait for him.

Hilam na ang aking mata habang tinititigan ko ang mga lalaki na hindi pa rin tumitigil sa kanilang ginagawa. Habang hawak ko ang picture frame namin ni Wade at inikot ang mata ko sa buong paligid at hindi ko na ito makilala.

"Harang sa daan!"

Halos mahalikan ko na ang carpet ng may tumulak sa akin mula sa likuran at mabilis ko tinignan kung sino ang may gawa noon.

Her Shirly heeled shoe was sparkling with class that suits her fitted black dress. Mas lalong na-emphasize ang hubog ng katawan niya. She scanned the whole unit habang naka krus ang mga braso at mabilis na lumapit ang isa sa tauhan niya.

"Ma'am nakita na po namin." at saka inabot ang isang maliit na itim na box.

My eyes widened after seeing it. Iyon ang birthday gift sa akin ni Wade last April, and I kept it hidden dahil hindi ko rin naman masuot ang kwintas na iyon dahil magiging takaw lang sa mata ng nakararami. It was an heirloom necklace with some diamonds on it.

Kinuha niya ang kwintas at sinuot iyon. "Perfect for a classy woman like me."

I grinned and looked at her on the mirror. "Ibalik mo sa akin 'yan at paalisin mo ang mga tauhan mo o tatawag ako ng pulis!"

Mali na itong ginagawa niya at hindi tamang basta na lang sila papasok sa unit ko at guguluhin ito. Hindi ako papayag na basta na lang niya kukunin ang kwintas dahil regalo iyon ni Wade sa akin.

"Then call! Tignan natin kung sino sa atin ang dadamputin ng pulis. Kabit!" she walked straight to me at dinuro ng mariin ang balikat ko. "Hindi ka talaga natututo Athena? Ilalaban mo pa rin kahit umpisa pa lang alam mong talo ka na."

Then she noticed the frame that I am holding kaya inagaw niya iyon at ngumisi ng nakakainsulto.

"You really think Wade is in love with you, don't you?" at bigla niya na lang binato ang picture frame kasabay nun ang pag tawa niya ng malakas. "Think about this, ang kabit na tulad mo ay parausan lang.

Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa niya at mabilis kong kinuha ang picture frame pero bago ko pa ako makatayo ay mabilis niyang nahila ang buhok ko.

"Ang lakas ng loob mong sirain ang pamilya ko, Athena!" at malakas niya akong sinampal sa magkabilang pisngi hanggang sa matumba ako sa sahig at ngayon ay nasa ibabaw ko na siya.


Salubong ang aking kilay at sinusubukan ko siyang alisin sa ibabaw kopero malakas siya at patuloy lang siya sa paghila ng buhok ko.

"You are so dumb!" muli niyang sigaw.

Habol hininga kong hinila ang aking sarili habang tinitignan siyang tumitili ng sunod sunod.

"What have you done, Athena?!"

Unti-unti bumaba ang mata ko at nakita ang agos ng dugo sa hita niya. "Veronica..." nanginginig ang kamay ko at nilapitan siya. My heart was thumping endlessly. Hindi ko alam ang gagawin.

"I'm sorry..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon