Love

18 5 13
                                    

Athena

A couple of days had passed and I am still on my bed here at my place. Wade forced me to file a leave for an entire week to rest because the doctor told him that my body was exhausted. I needed more time to heal because every time my fear and phobia triggered me I could not concentrate and it weakens my immune system.

I frowned and and worried crossed my chest. "What about Charles?"

Suddenly, my phone alarmed to remind me to take my meds on time, doctors were strict on me because Wade asked them to do everything to make me feel better as soon as possible. I guess it worked, and somehow I felt emotionally stable. After I finished the glass of water, I heard the doorbell and sighed.

"Coming!"

I fixed my smile before opening the door, it wasn't surprising at all because I knew it was him.

"Anong meron?" I curiously asked while staring at him having a couple of bags on both hands.

He smiled. "Well, it's our anniversary, babe." Then he cupped my face and planted a kiss on my forehead. "I want you to wear these."

My face frowned. Anniversary? Hindi ko na namalayan iyon. Mabilis kong tinignan ang phone ko at saka ko lang napagtanto ang petsa ngayon araw. Tinitigan ko siya habang busy siya sa mga paper bags at may mga sinasabi siyang bagay na hindi ko na inintindi pa.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano. I wanted us to start again, gusto kong ibalik ang dating Wade na nakilala ko pero paano?

I walked behind him and hugged tightly na tila may gustong sabihin. Kasalanan ko ba talaga kung bakit siya naging ganito? Siguro nga. I shrugged my shoulders as I felt the warm of his body.

"Happy Anniversary, babe. Babawi ako." I whispered.

He turned and cupped my face once again. Hindi siya nagsalita pero kita ko sa mapupungay niyang mga mata na marami siyang gustong sabihin. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago itapat ang dress sa harap ko.

"This really looks good on you." He whispered and smile to me.

"Para saan ba 'to?"

Isang ngiti lang ang binalik niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa kinikilos niya ngayon. Pinanuod ko lang siya sa ginagawa niya pero bigla na lang niya ako hinatak papunta sa dressing room.

"Change your clothes, we'll go somewhere."

Umiling akong at kinuha ang damit na binigay niya. It was a simple spring dress with a brown boots. I smiled while staring at myself on the mirror. Lahat kasi ng binibigay ni Wade ay bagay sa akin. I touch up myself at light make-up lang ang nilagay ko sa face kaya mabilis rin ako natapos.

"Saan ba tayo pupunta?"

Nangunot ang ang noo ko dahil kita ko si Wade na nakatanaw lang sa labas. "Sorry?"

It wasn't like before na halos hindi kami makalabas ng unit dahil once makita na niyang suot ko ang damit na bigay niya ay parang ayaw na niya kaming umalis dalawa.

"May problema ba?"

He shook his head. "Let's go."

Hawak kamay kaming lumabas ng unit at nang makarating sa elevator ay agad ko iyon pinindot at saktong pagbukas noon ang babae na matalim na nakatitig kay Wade. Mahigpit ang paghawak ni Wade sa kamay ko nang lumapit ang babae na nakasuot ng isang jeans at white inner top with pastel brown blazer.

"So, is this your woman?" she glanced at me but quickly looked back at Wade.

"What are you doing here?" mariin tanong ni Wade sa babae sa harapan namin.

Nakapamewang siya at tinaasan niya kami ng kilay. "Seriously? Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo Wade John Capistrano."

"Huwag kang mag-eskandalo rito Veronica." May pagbabanta sa boses ni Wade.

Agad akong napasinghap ng bigla niya akong bigyan ng isang malutong na samapal. Umaapaw ang galit sa mga mata niya at ang tanging nagawa ko lang ay ang umatras.

"Look how cheap you are! Pinipilit mo ang sarili mo sa isang taong kasal na?"

I rolled my fist at ambang lalapit ako sa babaeng nasa harap ko pero mabilis rin agad akong napigilan ni Wade. He looked at my cheeks at agad siyang nagtiim bagang nang makita ang pamumula roon

"Veronica! Tumigil ka na,"

Lumapit sa kanya ang babae at tila may paghahamon sa mga mata nito. "Why? Are you frightened to be the headlines of the news?" ikimupas pa niya ang kamay niya sa harap ng mukha ni Wade at nagpagpatuloy sa pagsasalita. "Wade John Capistrano walking down with his mistress."

Sarkastiko niya akong tinignan at tinaasan ng kilay. "At ikaw? Sana masaya kang may sinisirang pamilya. By the way hold this one."

Pilit niyang nilagay sa kamay ko ang maliit na ziplock plastic at doon nanlaki ang mata ko habang tinititigan ko ang pregnancy test.

"I am on my first trimester, in case Wade was curious enough to know the baby inside my womb, at ng matauhan ka rin, Athena. Naaatim ba ng konsensiya mo ang agawan ng isang ama ang anak ko? Tell me nauubos na ba ang lalaki?"

Muling lumapit si Veronica at malakas na hinatak ang dulo ng buhok ko saka tinulak malapit sa trash bin. Kita ko ang iilang tao na dumaraan at kita ko ang mga mapanghusga nilang mga mata. Hindi ako nagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya. I knew my place from the very start at ang akala kong magiging maayos ay mas naging magulo pa.

But Wade promised me that he would fix everything, at iyon lang ang pinanghahawakan ko mula noon at hanggang ngayon.

"Ladies and gentlemen this woman is the mistress of my husband, Wade John Capistrano!"

Tumawa siya nang nakakainsulto at ibinato sa akin ang starbucks cup na hawak niya. Ang ilang mga naroon ay kinukuhaan ako ng video at ang buong insidente. Rinig ko rin ang mga bulong bulungan nila, masakit man pero kailangan ko iyon tanggapin.

"Bagay ka diyan, Athena! Dahil kabit ka! Isa kang basura. This will serve as my last warning to you!" nanatili ang kamy niya na nakaduro sa akin at mariin na tumatama sa noo ko. 

"Layuan mo si Wade or idadamay ko ang mama mo." bulong niya at tinitigan niya ako ng may ngisi sa kanyang labi.

Mabilis siyang hinawakan ni Wade sa braso. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid I was just staring at the pregnancy test that fell on the ground in front of me. Totoo ba 'to? I looked at Wade at pilit pa rin inaawat si Veronica para hindi na muling makalapit pa sa akin.

"Athena, get back to your unit at huwag na huwag mong bubuksan ang pinto not unless you hear my voice."

Mabilis kong pinahid ang luha ko at naramdaman ko na lang ang paghalik ni Wade sa noo ko.

"I'm sorry." Malungkot ang mga mata niya at tipid na ngumiti. "I can explain just... just wait for me to come back. Hmm?"

Hinaplos ko ang pisngi niya at marahan na tumango. Walang salita ang kayang lumabas sa bibig ko dahil kahit ano pa ang sabihin ko ay alam kong huhusgahan ako ng mga tao sa paligid ko. They're taking a video on us at kahit gusto kong lumaban ay hindi ko magawa. Ayaw kong ipahiya si Wade.

Tinignan kong muli si Veronica at isang nakakalokong ngisi lang ang iginawad niya sa akin.

Walang buhay akong tumingin kay Wade at pilit hinakbang ang mga paa ko pabalik ng unit. My hands were shaking at dali dali akong nagtungo sa silid ko at hinayaan ang sarili na umiyak at isigaw lahat ng sakit.

I threw all the things around me at wala na akong pakelam sa mga nababasag sa sahig lalo na ang mga bubog na tumatama sa balat ko. Gusto ko lang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Wade was going to be a father soon at hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kaya ang mawala siya, lalo na ang wala siya sa tabi ko.

I love him so much.

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon