Chapter 17 : Birthday

235 17 0
                                        

Gavin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin

Today is the day that I've been waiting for so long.

Ang birthday ko.

Ngayon lang ulit ako nagbalak na magcelebrate ng birthday ko after nang mawala si Papa. Tagal na rin pala 'no?

Nakakapanibago nga dahil ngayon ko lang naman ulit 'to gagawin tapos hindi ko pa kasama si Mama. Nabati niya na ako kagabi pa dahil hindi raw niya sigurado kung makakapag-online siya ngayon kaya inagahan niya na agad ang pagbati sa'kin.

Nakakamiss si Mama pero at least kasama ko naman si Javi. Speaking of him, ilang days ko nang napapansin na wala siya sa mood at walang gana makipag-usap kahit kanino, kahit sa'kin.

Palagi naman siyang nagso-sorry sa'kin dahil sa mga ikinikilos niya lately at sinasabi ko namang okay lang naman sa'kin dahil alam kong pagod lang siya. Alam kong nauubos lang din ang social battery niya. Well, nakakapagod naman talaga ngayong college. Sabayan pa ng on the job training niya na two times a week. Nakaka-drain talaga.

I always give him a time and space kapag kailangan niya ng time para sa sarili niya. I always care for him. Palagi ko siyang naiintindihan.

Pero s'yempre, may times na nalulungkot din ako sa tuwing ganon ang behavior niya pero alam ko namang babawi siya sa'kin at para sa future niya naman yung ginagawa niya kaya siguro gina-gas light ko nalang ang sarili ko. Eme!

Masaya akong naglalakad sa hallway, malapit na rin akong mahuli sa unang klase kaya ine-enjoy ko nalang talaga ang mga huling minuto ko rito sa labas. Bakit pa ako magmamadali kung late naman na talaga ako? 'Di ba?!

Bukas na rin magsi-simula ang mid-term exams namin and thankfully, nakapag-review naman na ako. At least somehow may mga natatandaan naman ako sa mga inaral ko.

Pagpasok ko sa room ay agad naman akong binungad ng mga bati mula sa mga kaibigan at classmates ko. I can't deny na na-awkward ako sa ganitong situation dahil ngayon lang naman ulit ako nabati ng ganito. Hindi ako sanay.

Nakakatuwa pero 'di ko maiwasang isipin na sila pa ang mas naunang bumati sa'kin kaysa kay Javi. Akala ko kasi siya yung unang babati sa'kin sa espesyal na araw ko. Pero naiintindihan ko naman na busy siya.

Nang makaupo ako sa upuan ko, agad kong tinignan ang phone ko kung may chat ba siya o binati niya ako, kaso wala.

Ilang minuto ang nakakalipas, hindi ko maiwasang madistract dahil patingin-tingin pa rin ako sa phone ko.

Wala pa rin akong natatanggap na message mula sa kanya.

Ilang oras na ang nakakalipas, hindi na talaga ako nakatuon sa sinasabi ng prof namin sa harapaan at nakatingin nalang ako sa screen ng phone ko.

About You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon