There are 121 reasons why this story isn't for you, but maybe I'm wrong about it. Subukan mo munang basahin ito, and let's see how the few minutes of your time can change your mind.
Allow me to ask you first. Have you ever been humiliated in front of say, a hundred people, or a thousand, or a million, or more? With just a click of a button?
Cyberbullying, public shaming, internet scandal---terms we use nowadays. Look what technology have done in our lives?
And I was a victim of that!
That's right, a VICTIM!
Sinong mga salarin?
Ang mga walang kunsensiyang nag-upload at nagkalat ng isang "video" sa web, against my knowledge and will.
Sinong mga accomplished?
Ang mga nag-download at nanood ng mga mahihilig sa ganitong mga video. Mga taong mahilig sa KALASWAAN!
If you want to read my personal background, check it here.
My mother is a nurse in a public hospital here in Metro Manila. She said that nursing is a good profession and at the same time a vocation for helping people. Ang tutuo niyan ginagalang siya sa aming lugar dahil sa mga nagawa niyang tulong dito sa'min. Kaya ang hiling niya sa akin, maging isang mabuting nars din ako. Napakabait ng nanay ko kaya pinagbigyan ko siya, nag-enroll ako ng BSN sa maliit na private school dito sa Quezon City.
Ang tatay ko naman ay may sakit na rheumatic heart, kaya si Mama lang ang bumubuhay sa aming pamilya. Hindi na nga si Mama nakapag-abroad para lang maalagaan si Papa. Mayroon din kaming maliit na sari-sari store na nakakatulong naman sa pang araw-araw naming pangangailangan. Katulong ni Papa sa tindahan si Leo, ang nag-iisa kong kapatid na bunso, na nasa high school, at ubod ng kulit.
Magaling mag-alaga ng kalusugan namin si Mama. Alaga din niya kami sa pangaral at pinalaki niya kaming may takot sa Diyos. Nurses believe that man is a physical, mental, emotional, and spiritual being. Kailangan daw balanse ang mga attributes na ito para maging healthy tayo. Kaya nga ang nanay ko fit and healthy at the age of 47. For me, she's the best mother in the world.
Hindi namam sa pagmamayabang, kinukuha akong representative ng department namin para sa mga beauty pageant dito sa aming school dahil sa tangkad at ganda ng aking tindig.. Sa klase naman, consistent top student ako since first year.
Sa kabila ng kanilang pangungumbinse sa akin ay hindi nila ako napa-oo. Una, dahil isa akong konserbatibong tao. Pangalawa, hindi ko kailangang ibalandra ang katawan ko para lang masabing ako ay maganda. Ang tunay na kagandahan ay iyong makatatayo ka na may malinis na dangal sa harap ng karamihan at ikaw ay kanilang nirirespeto sa kabila ng iyong panlabas na anyo.
We grew up with this principle in our heads, until this was challenge when I met this man on the last semester of my college life. He was this handsome pediatric resident doctor in a well known private hospital here in Quezon City, in which I was assigned. The sweetest and kindest doctor I've ever met that time.
One night, he ordered me to get the vital signs of his fifteen year-old patient with Dengue Fever at the Pediatric Ward. Ewan ko ba, sa dinami-dami naming student nurses na nandoon, sa akin pa siya nakiusap. Ako naman ay isang parang alipin lalo na nang ako'y kaniyang nginitian. Siyempre ay nginitian ko rin si Dr. del Prado.
Nang makuha ko na ang vital signs, "Doc 110/70 po 'yong BP, 100 yung PR, 16 ang RR, at 36.8 yung temp."
Tumango siya. "His platelet level is also getting back to normal. Please watch him for any signs of bleeding. If none, then probably tomorrow, he could be discharged. Anyway, I've already wrote it here." Pagkatapos niyang magsulat sa chart ay inabot na niya 'yon sa akin. "Thanks Miss ano?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Sibol
Short StoryAnong gagawin mo kung sakaling ang iyong pinakaiingatang dangal ay yinurakan lang dahil sa isang panlilinlang? Saksihan si Florence Sta. Ana, isang Nursing student, sa kaniyang masamang sinapit sa isang mapanlinlang na katauhan, at mapanghusgang...