00

9 0 0
                                    

They got me overthinkin'

'Di nila masagot ang isang kamusta. . .

Pero... baka marami lang iniinda.

Pero teka, natanong na ba nila?

Ayokong matulad sa kalagayan ni mama,

Na sinabihan ng ''baog'' siya matapos siyang makunan noong pinagbubuntis niya ang aming bunso, sana.

O di kaya nama'y magaya sa tita ko na sinabihan ng kaniyang butihing asawa, ''Being with you feels like a chore."

Sa pinsan kong sinabihan ng "Ayokong marinig ang mga problema mo, kase ayokong pati ako ay mamomroblema." ng asawa niyang kupal na dinumihan lang siya bago sumama sa ibang bukana ng babaeng nilalako ang sarili sa timog.

At sa kapatid kong sinabihan ng girlfriend niya noong nahuli niyang may kalingkisan itong iba-- "I never asked you to do the things that you did to me, ikaw ang umasa na kaya mo akong mahalin ka hanggang sa tumanda ka!''

Isang sapak sa mukha na madaling maghilom ang mas tatanggapin ko, kaysa sa mga binitawan nilang salita na hinding hindi kayang paghilumin ng puso kong nagsusumamo.

At narito ako ngayon, na ulit ang nangyari kay mama.

"Iyang matres mo ang problema, Maeve! Noong una palang alam mo na na gusto ko ng apat na anak!" Maging ako, gusto ko rin ng apat na anak. "Pero, hindi mo maibigay! Dahil baog ka! Ikaw ang problema at hindi ako!" duro ng taong minahal ko.

Hindi ko na siya kilala.

Hindi niya ako kinilala.

"Makasarili ka! Kung sinunod ko lang si mommy na si Avery na lang ang pakasalan at hindi na ikaw na lecheng hindi kaya mag luwal ng bata! Edi sana months ago meron na akong inaantabayanan na panganganak kagaya ng mga kumpare ko sa mga misis nila!" madidiin ang asik ng pananalita ni Hearst.

"Makinig ka naman sa akin, love--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko, walang pasabing hinatak niya na lang ako palabas sa bahay namin-- nila.

Nila ng bago niya.

Buntis ang babaeng katabi niya, hindi rin nito alam na ginago na siya ng tinuturing niyang 'asawa'.

Dinuro ako ni Hearst, ''Don't you dare call me love! Simula ng hindi mo ako nabigyan ng anak, wala ka ng karapatang tawagin ako ng love--"

PAK

PAK

Kabilaang bwelta ng sampal ko dito, lalo pang namula at umuusok ang mukha niya sa galit dahil sa ginawa ko, pero hindi ko kakayaning maging martyr kagaya ng mga bidang babae sa palabas, dahil sa istorya ko, ako ang bida at masusunod dito.

"You have no right to physically and verbally abuse me, Hearst! Sino bang babae lalo na galing sa pamilya namin ang tingin mong ayaw mag-kaanak?!" letting the senses out of him. Alam niyang gustong gusto kong maging hands on mom.

"Kung sa tingin mong hindi ko mabuo ang pagkalalaki mo dahil sa hindi kita kayang mabigyan ng anak! Then mas natutuwa ako! Dahil d'yan sa apog mo at sa asal mong bulok, mas sasaya ako dahil hindi ako nag kaanak na ikaw ang ama!" pinantayan ko ang paraan niya ng pananalita.

Hindi ko kayang maging si Marites ng Batang Quiapo. Baka si Roda pa pwede.

Napatingin siya ng patanga sa akin.

"Sa tingin mo, 'yang babaeng naanakan mo ay hindi makukunan dahil sa ganiyang ugali mo?! Then fuck you! Anong tingin mo sa aming mga babae mo?! Paanakan? Palahian? School bus? Na pupunuin mo ng bata 'yung sinapupuna?!" pilit kong pinipigilan ang luha ko, pero trinaydor na ako nito.

Pahingi Ako ng KissWhere stories live. Discover now