Chapter 3: Emotional Maelstrom

9 0 0
                                    

Alyxia's POV

It's been a week since nag start and klase. Pero 'di pa din nagsysync in sa akin na college na ako. Before, ang exciting at the same time nakakatakot isipin ang sarili ko as a college student...pero ngayon parang wala lang. Ang empty ng pakiramdam ko. 

What could be the possible reason? 

Parang mas mahirap pa ang highschool journey ko. Sa dami naming vacant, 'di ko na alam kung saan igugugol extra time ko. 

Pero still...masyadong maaga pa para sabihin itong mga 'to. 

At dahil vacant ulit namin ngayon, another session of galaan nanaman. Pero 'di ako sumama sa mga friends ko. Hayss..sa dami ba naman na ng nabuo kong circle of friends. Ang hirap mag adjust ng sarili para umayon sa kada personality ng mga tao sa circle of friends ko ngayon. 

Unfortunately, may pagkakataon talagang sinusubok ka ng panahon. Literal na panahon.

Kung kailan balak kong umuwi ng maaga galing sa school. Ngayon pa nagkipag laro ang panahon. Sa sobrang init kanina, itinigil ko muna ang paglalakad ko at sumilong sa building ng department namin. Pero ngayon stranded pa din ako..'di dahil sa init kundi sa biglang pagbuhos ng ulan.

"I saw Mr. Kier with that pretty gworl aga-" hinampas ko ang pinagmumulan ng boses na palapit ng palapit sa tenga ko. 

"Ano ba Xie Xie Ly! Ginawa mo naman akong lamok" reklamo nito.

I stared at Kai with utter disgust. 'Di ko talaga gusto ang bagong nickname niya sa akin, it sounded more like some random Chinese words than a name.

"So, pumunta ka sa department namin para lang sabihin yan?"

"Yep, kating-kati na ishare ng dila ko kayaa..tadaaa..here I am" 

"Typical symptoms ng gossipers at pakielamera ng buhay ng iba" pang-aasar ko.

She gasped..na may pagka OA.

"How dare you?!" nangingitngit sa galit nitong sabi.

'Di affected si Kai sa kung ano mang sabihin sa kanya. Ang pawang nasa harapan ko lang ngayon ay ang isang best actress na Kai. Kaya sa mga 'di talaga gaanong kilala itong babae na ito...talagang madali niyang maloloko.

I responded apathetically by wrapping my arms around her head and pulling her toward my chest, while patting her head aggressively, drowning her with my incomparable love and affection. 

"Di..mmff..mmpf..Xie.mrr" her voice was muffled dahil sa higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.

"Pasali naman" biglang sulpot naman ng boses na nanggaling sa likod ko. Kahit 'di ako lumingon sa likod ko ay kilala ko na agad kung kaninong boses iyon. 

Nang medyo may kalapitan na ito base sa tunog ng mga steps nito ay hinagis ko na si Kai patalikod.

"Oh?? Bat hapong-hapo ka Kai?" pagtataka ni Andrei.

Aggressively namang lumingon si Kai sa akin na may masasamang tingin at tinuro ako habang hinahabol ang kaniyang paghinga. 

"Hinga Kai, Hinga! Breath i-"

Nabaling ang tingin ni Kai kay Andrei, na may kasabay na intense gaze.

I chuckled at Andrei's stern face. He actually looks concerned at 'di nagbibiro. Lalo na ang position nilang dalawa na mukhang picture ng mag asawa sa maternity shoot. 

HInayaan ko na lang sila magkagulo na parang mga samahan ng mga lamok na umaaligid sa iyo tuwing tag-ulan.

Mahigit kalahating oras na ako dito. Wala pa rin pagbabago sa lakas ng ulan...Nadagdagan pa ito ng kulog at kidlat.

Chasing my ShadowWhere stories live. Discover now