L.M.L. Special Chapter

3.9K 113 42
                                    

Note: Hi, Everyone! We're back! Sorry kung sobrang natagalan were having a hard time talaga to finish the first part of Special Chapters but again, Thank you sa matiyagang pag hihintay. See you again very soon for the Second Part of the Special Chapter. Enjoy and Stay Safe everyone!

:)


-




Timeline: Scenario on Agent Robles, life after Mikha's Death.

Prompt: Heartbreak and Confession



-



AGENT ROBLES




[Tangi, okay ka lang? Kanina pa ako salita ng salita dito.]Tawag ni Cy sakin




Halos makalimutan ko nang kausap ko nga pala sya via call. My mind were occupied by a lot of things at isa na roon ay si Stacey.




Jho, stop thinking about her. It's unfair for Cy na sya yung kausap mo pero si Stacey yung iniisip mo.




"Sorry, okay lang ako. Ano ulit yung sinasabi mo?"

[Mukhang distracted ka, marami ba kayong ginagawa dyan sa Agency nyo?] Tanong pa nya

"Sorry, marami lang iniisip. Namimiss ko rin kasi si Mikha."




Which is true, miss ko si Mikha and inaalala ko rin si Aiah, I know naman na she's doing better pero hindi ko maiwasan na mag alala lalo na ngayon na babalik na kami sa New York ulit, kahit three months lang yon ay matagal tagal din yon. After nang ceremonial for Mikha ay kinausap kami ng Superior namin and pinabalik nila kami sa New York , sabi nila ay kailangan namin yon dahil masyadong mabigat yung nangyari samin dito and masyadong mabigat yung pagka wala ni Mikha.




Pinag u'undergo nila kami ng counselling dahil sa nangyari, dahil alam nilang hindi madali para samin yung pinag daanan namin ngayon, nalagasan kami ng isa at ang mas masakit pa doon ay hindi lang basta kaibigan namin yung nawala, nalagasan kami ng kapatid. Kaya nung inoffer samin yon ay pinayagan agad kami ng mga parents namin, maybe we really needed that.




Makakabalik nga kami ng New York dahil successful yung naging mission namin pero hindi naman kami makakabalik ng buo dahil walang Agent Lim na kasama at alam naming wala nang Agent Lim na babalik pa.




Sumisikip na naman yung dibdib ko sa tuwing naalala ko yung nangyari, sobrang miss ko na si Mikha, miss ko na yung kaibigan na lagi kong natatakbuhan at napag sasabihan ng sama ng loob.

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now