Haven's POV
Christmas party namin ngayon and everyone inside the class is happy, well except for me. I'm looking at my so-called friend group, they labeled it for us. I couldn't handle the sarcasm they've been throwing at me for weeks now.
Nagsimula ang lahat ng gulong 'yon nang hindi ko sila nilibre sa resort na pinuntahan namin. They said na dapat treat ko 'yon kasi mayaman ako, I'm not rich, but my parents are. I don't drive a luxury car to my university and show off my money to everyone, because I don't have that.
Tumalikod silang lahat sa'kin and they even ruined my image to the rest of the class. Ngayon na may parlor games, they're still making sarcastic remarks about how our friendship was ruined because of me, well, I didn't care less.
I already took in mind that I don't need attachments, that's why I'm not that hurt, I'm just angry.
Walang paalam na umalis ako at lumabas ng university. If you're expecting me to go to the parking lot and drive my car, well nagkakamali kayo. I'm actually heading to the bus stop right now.
I was taught that I need to earn money and hindi 'yon basta-basta lang na ibinibigay sa'kin. My parents made sure na kapag may nagawa akong mabuti ay doon na nila ako binibigyan ng pera.
Umupo muna ako sa bench, tanghaling tapat ngayon at katatapos lang ng lunch sa room kanina. I didn't bother to attend the exchange gift, bahala na sila.
"Ingat, Kai!"
"You too, Julia"
Napalingon ako sa kanan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Nakatalikod siya sa'kin, kitang-kita ang shoulder length niyang buhok at curves mula sa damit niyang fitted na maxi dress. I was about to question myself kung bakit ganon ang suot niya, kaso wala pa lang dress code ang university this Christmas party.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang humarap na siya, I focused my eyes on the bus stop sign, avoiding any glimpse of her.
After five minutes ay dumating na rin ang bus kaya dali-dali akong tumayo at agad na pumasok. Umupo ako sa pinakamalapit na bakante, sa likuran ng driver. Pansin ko ang mahinhing pagpasok niya ng bus saka siya umupo sa kanang parte. Pareho kami ng row pero nasa kanan lang siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimulang maglaro sa cellphone ko.
---
Since Christmas break ngayon napagpasyahan kong magikut-ikot sa mall. "Mom I'm heading to the mall." paalam ko kay mom, wala kasi si dad. "Sure, honey. Gusto mo bang gamitin 'yong car mo?" tanong ni mom pero umiling ako. "I'll take the bus po" sagot ko naman.
"Okay, make sure to be safe, and kapag nakasalubong mo 'yong mga asungot na 'yon lumayo ka na lang, hmm?" paalala sa'kin ni mom. She knows about the friend group issue, and I know she's just trying to protect me.
"Yes, mom." saad ko na lang bago humalik sa pisnge niya at umalis na.
Once again, I took the bus.
Nang makarating ako sa entrance ng mall, pinagtitinginan ako ng mga staff. Pansin kong nagradyo 'yong isang security guard, indicating that I'm here.
"Good morning, Lady Haven." bati nila sa'kin na sinuklian ko naman ng tango. Dumiretso ako sa food court, bigla kasi akong ginutom. Papasok na sana ako sa favorite kong restaurant kaso nahagip ng mga mata ko ang isang napakapamilyar na tindig.
"Bus stop girl"
Naka-crop top ito at wide leg pants na nagmukha tuloy na parang mahabang palda na talagang bumagay sa kanya. I noticed na meron siyang red highlights sa buhok niya, wala 'yon kahapon.
BINABASA MO ANG
BUS STOP GIRL
Cerita PendekWe've been sitting on the same bus for 3 consecutive days now.