“Ate mukang may pag tingin talaga sayo ang Tshukima na 'yon.” napatingin ako sa kapatid ko, napahilamos na lang ako sa mukha ko.
Tama nga ang kapatid ko, lahat ng pag bisita at pag bibigay ng regalo ay may ibig sabihin. tapos gusto gusto pa ng mommy kong ipagkasundo ako.
“Kung ganon ay dapat unahan kona siya, hindi ako papayag na ipagkasundo ako ni mommy sakanya." umupo ako sa kama ko
Agad naman na tumabi sakin si Chiya “Ate hindi ako papayag na ipag kasundo ka ni madam sa japanese na 'yon, paniguradong hindi din naman papayag si daddy.” ngumiti ako at tumango
"Don't worry hindi mangyayari ang mga bagay na iniisip natin, let's go, let's sleep na." Tumango sya at nag tungo na sa kanyang kama habang ako at humiga na sa higaan ko
Sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako, pero sinawalang bahala ko na lang.
𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡
“Yaziah, umayos ka bumati ka.” pilit akong ngumiti at yumuko upang mag bigay galang kay Mr. Tshukima “Good morning Mr. Tshukima”
“Good morning, can i talk to your daughter Mrs. Velcroze?” hindi ko maiwasan na mapairap sa sinabi nya
“Yes of course Mr. Tshukima, you can talk to my daughter...and don't call me Mrs. Velcroze, just call me mom or mommy.” hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay mommy
Chiya look at me kahit sya ay nakanganga din sa sinabi ni mommy
“Paumanhin madam pero bakit nyo naman yan sasabihin kay Mr. Tshukima? kung ganon ay may balak kayo?” Tumingin ako kay Chiya
“Tumahimik ka at ano naman ang pake mo? pakielamera.” masamang tumingin si mommy kay Chiya, bumuntong hininga na lang ako at sinenyasan si Chiya na tumahimik.
“Alright, come with me Yaziah.” maliit akong ngumiti kay Chiya at tumango at sumunod kay Mr. Tshukima
“Why do you want to talk to me?” tanong ko nang makarating kami sa balcony ng bahay
He looked at me “I want to court you.” napakunot ang noo ko sa sinabi nya
Court me? liligawan nya ako?
“I'm so sorry Mr. Tshukima but I won't let you court me because I already have a boyfriend.”
Nakita ko ang pag igting ng panga nya, binundol ng kaba ang dibdib ko pero hindi ako umiwas ng tingin sakanya gusto kong malaman nya na may tao na akong minamahal at hindi maari ang sinabi nya.
“If that's so should i take you from your boyfriend, I get everything I want so be prepared.” He grinned on me before walking away
Naiwan akong hindi makapaniwala sa sinabi nya
𝗥𝗢𝗢𝗠
“Sinabi nya talaga 'yon ate?” saad ni Chiya tumango ako
“Oo paano kung may gawin siyang masama kay Svei? kinakabahan ako.” sambit ko
“Pwedeng mangyari yan ate, pero tatagan mo ang loob mo andito lang ako kung ipagpilit nya ang sarili nya sayo.” Tumango ako “Pero talagang hanggat maaga pa ay lumayo kana sa Tshukima na 'yon, feeling ko talaga ay may masama siyang balak.”
“Yes thankyou Chiya” Ngumiti sya at niyakap ako
“Oo naman ate, kapatid kita kaya kahit anong mangyari poprotektahan kita hindi ko kaya na makita kana nahihirapan, I'm always here for you ate.”
YOU ARE READING
Force To Love
RomanceCan you learn to love someone you don't love? Kaori Takeshi Tshukima is not only a wealthy and dangerous japanese, he is also dangerous to love. Tshukima Series 1