CHAPTER 02

10 1 0
                                    

Ilang linggo nadin ang last na pag uusap namin ni Mr. Tshukima akala ko ay tumigil na siya at hindi na ulit siya bibisita sa bahay pero ngayon ay nandito siya may mga dalang regalo na hindi ko alam kung ano ano dahil ang dami.

"Ate ano 'bang trip ng lalakeng 'to? akala ko ay tumigil na siya." bulong ni Chiya sakin

"Mukhang wala siyang balak na tumigil." sambit ko tumango naman siya

"Mrs and Mr. Velcroze I would like to ask permission to court your beautiful daughter Yaziah." randam ko ang pag pisil ni Chiya sa kamay ko kahit ako ay hindi makapaniwala sa sinabi nya.

Sinabi kona sakanya na hindi pwede dahil may boyfriend na ako.

Bumuntong hininga ako ng makita ko ang masayang mukha ni mommy

"You have permission to court our daughter Mr. Tshukima." Tinignan ko si mommy dahil sa sinabi nya talagang hahayaan nya na ligawan ako ni Mr. Tshukima

Tangging si Svei lang ang gusto ko, at kahit anong gawin nila hindi ako papayag dahil ako padin ang masusunod dahil sarili ko ito.

"Charmie! what are you saying? may boyfriend na si Yaziah kaya hindi pwedeng ligawan ni Mr. Tshukima ang anak natin. Isipin mo naman ang mararamdaman ni Yaziah." napangiti ako sa sinabi ni daddy kahit si Chiya ay napangiti din si daddy na lang talaga ang tagapagtanggol namin sa bahay na 'to.

"Tama si daddy, madam bakit nyo naman hahayaan na ligawan ng hapon na yan si ate? alam nyo naman na may boyfriend na ang ate."

"Tumigil ka Chiya, bakit hindi ko naman sinabi na boto ako sa boyfriend ng ate mo, ang kapal din ng mukha mo sumabat."

"Mommy...stop it!" tumayo ako "Tama naman si Chiya alam mo naman na may boyfriend na ako pero hahayaan mona ligawan ako ni Mr. Tshukima." dugtong ko

"Tara na Chiya." hinigit ko si Chiya at pumasok na sa kwarto namin

"Chiya...ang hirap ng sitwasyon na 'to" umupo ako sa couch "Hindi ako makapaniwala na hahayan ni mommy na ligawan ako."

Tumabi sakin si Chiya "I'm sorry sa sasabihin ko pero I'm trying to be honest ate, kilala mo naman ang mommy mo ang gusto nya ay kayamanan sa tagal na nating kasama ang mommy mo, alam kona ang ugali nyan hanggat ngayon nga ay hindi padin nya ako tanggap bilang kapatid at anak ni daddy...kaya sa tingin ko hinayaan nya si Mr. Tshukima na ligawan dahil sa kapangyarihan at kayamanan."

"Alam ko Chiya, sorry at pati ikaw ay nasasabihan ni mommy ng masasamang salita."

"Ayos lang ate, sanay na ako simula pa nung bata pa ako." tumango ako at ngumiti

Chiya is my step sister, anak sya ni daddy sa ibang babae pero yung mommy nya ay mabait yon ang kwento sakin ni Chiya at daddy, kahit step sister ko si Chiya mag kasundong mag kasundo kami mabait sya at kahit na ako ang panganay pinoprotektahan nya talaga ako. hinding hindi ako nag sisi na naging kapatid ko si Chiya...

Hanggang ngayon galit pa din si mommy kay Chiya dahil si Chiya ang bunga ng pag tataksil ni daddy sakanya noon, hindi ko masisi si daddy kung nag hanap siya ng ibang babae dahil sa ugali ni mommy...mas inaalala nya lang ang kagustuhan nya yung lahat ng desisyon nya ay pang kanya lang.

𝗚𝗔𝗥𝗗𝗘𝗡

"Umayos ka Yaziah, gusto ni Mr. Tshukima na kausapin ka wag na wag kang gagawa ng ikakagalit nya." tumango lang ako sa sinabi ni mommy pero deep inside I want to disobey her.

Umalis na si mommy nang dumating na si Mr. Tshukima na ngayon ay nakaupo sa harapan ko

Napalunok ako habang nakatingin sakanya umiwas ako ng tingin

"How are you darin?" napataas ang kilay ko sa sinabi nya, darin? anong darin?

"I'm not okay because you're here." pinilit kong malamig ang pag sasalita ko.

"I didn't visit you for a few weeks and then you talk to me like that." he smirked at me

Agad naman napakunot ang noo ko

Anong ibig sabihin nya?

"Remember Yaziah, when you become mine I will never let you go, I will lock you in my life in my heart."


Force To LoveWhere stories live. Discover now