Chapter 2

2 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng hindi niya pagsipot sa blind date niya. Para kay Hana, tagumpay niyang nailibing sa likod ng utak niya ang ginawa niya sa hindi niya kilalang lalaki. She never did send that text to Kaito, despite promising herself she would. Sa tuwing pumapasok sa isip niya na gawin iyon ay agad niya itong inaalis sa isip at pilit na kinukumbinsi ang sarili na hindi iyon big deal.

The exam had gone well, of course. She was able to get a high score despite her frustrations about the date she forced herself to forget. Ilang araw na din siyang abala sa sarili niyang buhay kung kaya't paminsan-minsan na lamang niyang naiisip ang bagay na iyon – or so she told herself.

Until Kaito sent a message to their group chat.

"Park hangout later? 4 PM. Me and the guys will be there. You guys coming?"

The invitation was casual, but Hana hesitated. The "guys" likely meant his classmates—one of whom was probably the guy she had stood up. Iniisip pa lamang niya iyon ay hindi na niya maiwasang maramdaman ang pag ikot ng kahihiyan sa buong sistema niya.

Sinabi ba ni Kaito kung bakit hindi siya pumunta sa date? Alam ba nito ang tungkol sa exam niya? Or did he think she had just bailed without a second thought?

May kung anong bola na bumara sa lalamunan ni Hana pero agad din niya itong binaliwala. It's been two weeks. No point in dwelling on it now. Baka nakamove on na si Mr. Unknown at hindi na niya ito iniisip sa ngayon. She hadn't even seen him before, so what difference did it make? She wouldn't recognize him evenif they passed on the street.

Pero kahit na ano pa ang isipin ni Hana, may kung anong pagkabahala pa rin ang namumuo sa isip niya.

Her three girlfriends had also agreed to come, so she said yes to his invitation, and Kaito was always a blast to hang out with. A simple afternoon in the park wouldn't hurt.

The park was alive with the golden hues of late afternoon. May mga batang naglalaro sa paligid, mga taong nagkakantahan, at mga magkasintahang nasa gilid ng daan at nagtatawanan.

Hana walked up to the grassy spot where Kaito and his friends were already lounging. Ang mga kaibigan niyang babae ay nasa harapan niya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Kumakaway pa ang mga ito at nagtatawanan. Dahil pinagkaitan ng tangkad si Hana ay hindi na siya nagtaka pa ng mapansin natatabunan siya ng mga ito dahilan upang hindi niya kaagad nakitang malapit na sila sa dapit kung nasaan sila Kaito.

Kaito stood up to greet them. Yumakap ito kay Tiarra dahilan upang makita siya nito. Agad namang lumaki ang ngisi sa labi nito at hindi niya maiwasang mainsulto dahil doon. She knows what he is thinking.

"Hana! You're late. What took you so long?"

Umirap siya dito habang nakasimangot at saka ini-krus ang mga braso sa harap ng dibdib niya. "You know me. Always fashionably late."

"Yeah, yeah. You've been late to a lot of things lately," pang-aasar nito sa kaniya. May kung ano sa tono ng pagsasalita nito ang nagpapabilis ng tibok ng puso niya. She felt like she had to run away from this situation.

Her heart skipped a beat.

Does he mean...

Bago pa man siya makapagreact ay inakbayan na siya nito at malakas na hinila sa harap ng tatlong lalaking nakaupo sa isang gilid.

"Meet my classmates again—well, some of them."

Itinuro niya ang mga ito na nakangiti ng bahagya at halatang nahihiya sa kaniya. Hana is aware that she looks very displeased right now. Like a kid being dragged to a situation she felt uncomfortable with.

Fragments of UsWhere stories live. Discover now