Nasa bathroom ako para maligo, masyado pa ngang maaga pero inagahan kona rin ang kilos dahil alam kong mabagal ako. Pagkaligo ay binalot ko lang ang sarili ko sa towel at dumeretso na para mag make up at mag ayos ng buhok
After non ay nag bihis nako, buti nalang ay hindi allowed saamin ang uniform this week. Naiilang kasi akong magpalda, nag suot lang ako ng fitted na dress na hanggang tuhod at white shoes. Sinuot kona rin ang hikaw at necklace ko chaka relo para naman maayos ang dating ko
Nagdala rin ako ng white na hoodie dahil malamig sa room, lumabas nako at nagpahatid na sa school ko.
Mabuti nalang at narito na si Adam at Dhale
"Wow! Napaka ganda ng naglalakad pare oh" saad ni Adam, nginitian ko lang sila at lumapit na sakanila
"Wala pa sina Vencio at Faith?" I asked while looking around
"Wala pa ang hinahanap mo bossing- sino ba sa dalawa?" Agad kong hinataw si Dhale ng dala kong hoodie at sumimangot
"Mabuti pa ay kumain na muna tayo habang inaantay natin yung dalawa, si Faith ata ay kasama jowa nya e" Adam said
Hindi na nila tinanong kung ano ang order ko dahil alam naman nilang carbonara palagi ang pinapabili ko, I don't like rice
"Here's your order madam" nilagay na ni Dhale sa lamesa ang carbonara ko at nagsimula na kaming kumain, pagkatapos namin ay chaka lang dumating ang dalawa
"Hingal na hingal fatima?!" Natatawang saad ni Dhale
"Saan galing ang babaita na yan?" Tanong ko habang natatawa sakanya dahil magulo pa ang buhok nito
"Ay dedma sa bashers! Mabuti pa Haven ay pahiramin mo ako ng suklay!" Agad kong nilabas ang suklay sa bag ko at nilabas kona rin ang mga make up
"Tourism ka Fatima, maayos dapat!" Saad ko, nag ayos naman na ito agad. Inantay lang namin syang matapos at dumeretso na kami sa kanya kanyang room
"Hoy sabay sabay tayo mamaya!" Sigaw ni Vencio habang kaming tatlo ay papasok na sa room
Two sit apart lang kami kaya nasa likuran ang dalawa dahil B ako at si Adam naman ay D, si Dhale naman ay C. Dumating na rin naman agad ang professor
"Minentioned ko sainyo last week na magkakaroon tayo ng unit test ngayon diba? this is recorded. This will serve as your reviewer for your upcoming exams, after exams ay alam kong alam nyong ang kasunod ay battery exam kaya goodluck future architecture's"
Nagulat naman ang dalawa, ako naman ay nakapag review na. Binigyan kami ng 20minutes kaya inabutan ko ang dalawa ng notes ko
"Hays.. buti pa ang mga tourism pagala gala nalang" Dhale said, kinaltukan ko ito at sinabing mag review
"Break time na nga agad sina Vencio e nag chat sa gc" saad ni Adam na nag cecellphone, napa irap nalang ako dahil wala talaga sa wisyo ang dalawa para mag aral!
"Up to 100 yung unit test, pag kayo bumagsak sinasabi ko sainyo!" Bulyaw ko at tumalikod na, nakita ko namang umayos sila ng upo at nag review na
"20 minutes done!" Our professor said at nai distribute na ang mga test paper
"Haven.. pasensyas!" Bulong ni Adam at agad akong nag middle finger
Nalito pa ako sa mga tanong dahil ang iba ay hindi ako pamilyar, hinihiling ko nalang na sana may libro ang utak ko. Nakakainis! iilan lang sa nireview ko ang lumabas sa unit test
Theory of architecture lang ang na review ko, hindi kasama sa nai review ko ang Philippine Building Codes and Law, tig 50 pa naman ang dalawa. Sana ay gumana ang stuck knowledge ko
YOU ARE READING
Perfect Peace College Series #1
Fiksi RemajaSkylle Haven Bacli a teenager who only want peace, college series #1