#Encounter
AUTHOR'S P.O.V.
NASA isang beach resort si Peter kasama ang kaniyang kaibigan at katrabaho na nagsasaya,nag-iinuman at nagsasayawan pa. Habang siya ay tahimik at umiinom lamang sa gilid ng bahaging bakod na may malaking puno ang katabi nito.
Maya-maya pa ay nilapitan siya ng mag-asawang Sandro at Dani.
"Uy brad! Bakit Ikaw lang yung mag-isang umiinom dito?" Sandro asked while drinking his beer.
"Oo nga Peter, doon tayo kina Anne at Carl oh!" saad ni Dani na nakapatong ang braso sa balikat ni Sandro.
Ngunit umiling lang si Peter at inirapan sila. "Ayoko doon, gagawin lang akong third-wheel ng mag-MU na yun eh!"
Nagtinginan naman ang mag-asawa. "MU? as in mutual-understanding?" paglilinaw ni Dani.
"Hindi niyo pa ba nahahalata? Obvious naman na hindi lang for 'work' yung mga sweet-sweetan at landian nila eh," sagot ni Peter at lumagok ng beer. "Gusto nila ang isa't isa."
"If that so... edi goods 'yun matutuwa ang fans nila.." saad ni Dani.
"Eh kung ganoon puntahan natin sila para masabi kong totoo nga 'yang sinasabi mo" Sandro said.
"Alam mo kung ayaw mong maniwala, edi 'wag! Tss.." umiling nalang ang dalawang mag-asawa.
"Alam mo Peter, para sumaya ka naman may ipapakilala ako sa'yo." Dani said excitedly.
"Kung sino man 'yan, hindi ako interesado." And Peter drink again.
"Even if it's sexy?"
Umirap lang si Peter. "Sa daming babae na ang naging leading lady ko, sa palagay mo magugustuhan ko sila? I want a girlfriend but not who's in showbiz. Gusto ko 'yung at alam yung tunay na ako kaysa sa harap ng camera." litanya ni Peter.
They just sighed. "Alright fine, hindi ka na namin pipilitin.
Basta mag-iingat ka dito ah," saad ni Sandro. "Bali-balita pa naman dito na may 'maligno' daw dito." pahabol na bulong ni Sandro bago tumawa at inaya si Dani na pumasok sa loob."Gago!" sigaw ni Peter sa inis. "Kala naman niya matatakot ako Tss.." then he just drink his beer.
Ilang minuto lang ang lumipas at ganoon parin patuloy parin sila sa kasiyahan samantalang si Peter ay naparami na ng uminom hanggang sa makaramdam na siya ng matinding hanging sa kaniyang paligid dahil naka-hawaiian shirt siya.Hanggang siya ay may nakitang ilaw sa ilalim ng puno na halos dalawang metro lang ang kalayuan sakanya.
Kaya napalingon siya dito. "Putangina." He cursed. At sinampal pa ang sarili ng paulit ulit at sinasabing 'lasing lang ako'
Hanggang sa ang liwanang na 'yun ay papunta sakanya.
Gusto nyang sumigaw pero hindi niya magawa at nanatiling nakatuod lang hanggang sa hindi niya namalayang nahimatay na siya.KINABUKASAN ay nagising sya sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana niya kaya unti niyang naimulat ang kanyang mga mata nang may mapansin siyang katabi niya sa pagtulog.
Putangina? Anong nangyayari?
Kaya ang ginawa niya ay nilingon niya ito at kanyang nilapitan na sana hindi niya nalang ginawa dahil sa paglapit niya ay saka naman nagmulat ang mga mata nito at nagtama ang kanilang mga mata.
Ilang segundong katahimikan bago lumayo si Peter at kinalabit ito. "Sino ka?!" Inis niyang tugon.
Unti-unti namang bumangon ang katabi at laking gulat ni Peter na babae pala ito at nakatakip ang kumot sa katawan nito.
YOU ARE READING
UNEXPECTED FEELINGS (TO A FAIRY?!)
FantasyJoGe fanfic full chapter :) Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Donato Gabriel Santiago Mendez o kilalang artista sa buong Pilipinas bilang si 'Peter Javier Santiago' he came from a broken family kaya naman ng iwan sila ng tatay niya ay...