#MetAndGreet
AUTHOR'S P.O.V.
NANG makita ng mga kaibigan at katrabaho ni Peter ang babaeng kasama niya ay nagtataka at nagngingisihan ito.
"Sabi sainyo imbento niya lang 'yang pagiging single nya eh, tignan nyo naman ngayon oh may girlfriend pala" umirap lang si Peter sa pang-aasar sakanya ni Kiko.
"Hindi nga?" Sabby said at tumingin sa dalawa. "Girlfriend mo?"
Napasampal nalang sya sa noo nya. "Alam nyo kayong mga baliw kayo, lilinawin ko lang... She's not my girlfriend."
Nanunuksong tinignan naman siya ni Bea. "Eh bakit magkaholding hands kayo?"
Nang sabihin yun ni Bea ay binitawan ni Peter si Mary. "Inalalayan ko lang baka malaglag."
Natawa naman si Zia, ang naging leading lady ni Peter noon. "Eh bakit nung muntikan akong mahulog sa bangin doon sa set natin, hindi mo'ko tinulungan?" Pang-aasar nito.
"Kaya mo na 'yun malaki kana" sagot lang ni Peter at pinagbigyang linaw sakanilang lahat kung sino ang babaeng kasama niya. "Everyone this is.. Mary... "
"Hi!" bati ni Elle na katabi ang boyfriend nitong showbiz din na si Victor.
Tumango lang naman si Mary sa mga ito.
"Parang hindi ka naman namin nakita kagabi sa party... So saan kayo nagkita?" Bea said na nang-aasar pa.
"Sa—labas kasi ano—may binili lang kasi ako sa labas.. tapos nakita ko siya dun na... ano.. nakaupo mag-isa." He reasoned.
Hindi kasi pwedeng malaman ng mga ito na isa siyang diwata dahil alam ni Peter na hindi rin maniniwala ang mga ito katulad nya nung una.
"Ah bakit pinalayas kaba, Ate Mary?" Tanong ni Carl na naka-akbay Kay Anne.
Lumapit naman ng bahagya si Mary kay Peter at bumulong. "Anong sasabihin ko?"
"Sabihin mong... 'Oo dahil ayoko ng tumira sa bahay namin, lagi kasi ako doon pinagiinitan' ganun lang."
Napalingon naman ang dalawa ng malakas na pumalakpak si Zia. "Alam nyo parang may sariling mundo kayo ah, nandito pa kami oh mamaya na kayo magmoment."
"Tss.." irap na sagot ni Peter.
"So ano nga, Ate?" Saad ni Carl.
"Ah—Oo kasi.." she glance at Peter then into them. "Kusa akong naglayas doon dahil ayoko ng tumira sa bahay... Lagi na lang kasi akong pinag-iinitan eh.." she see the form of smile ni Peter.
"That's my girl" saad ni Peter sa isipan nito.
Pero ang hindi niya alam ay may kakayahan si Mary na magbasa ito kaya kumunot ang noo niya sa kung anong ibig sabihin ni Peter.
"Ah—eh kung ganoon, saakin kana lang tumira maganda at maayos ang bahay doon bagay na bagay ka." Saad ni Leo.
Binatukan naman sya ni Peter. "Gusto mong masapak?" Birong pagbabanta nito.
Natatawa naman ang iba sa kulitan ng dalawa. "Chill! Beastmode naman agad! Parang jowa mo ah? jowa mo?" pang-aasar pa ni Leo.
"Hindi, pero kilala kita kaya hindi pwedeng tumira doon si Mary." Kilala nya kasi si Leo bilang flirty sa mga babae kaya ayaw niyang madamay si Mary sa mga kalokohan nito.
"Nagbago na kaya ako.." depends ni Leo sa sarili.
"Ulol!" Tanging saad lang ni Peter.
"Alam mo kasi Leo, wag munang ipilit alam naman nating kay Peter sasama 'yang si Mary, diba bes?" Saad ni Cassandra at Bea na lumapit pa kay Mary.
Pilit na lamang ngumiti si Mary sa dalawa.
"Ngayong alam nyo na kung sino siya, wag na muna sanang umabot ito hanggang sa media, dahil ayoko siyang madamay.. hindi ko gustong ma-issue sya dahil saakin. Naiintindihan nyo ba?" Seryosong sambit ni Peter.
Lumapit naman si Sandro at Philip Kay Peter. "Oo naman, brad hindi namin idadawit 'yang reyna mo" kumunot naman ang noo ni Peter sa sinabi ni Philip.
"Anong 'reyna' ka diyan? Alam nyo kayo kakasabi ko lang na ayoko siyang ma-issue sa'kin tapos gaganyan kayo" inis niyang tugon.
"Ano ka ba naman Peter, kami-kami lang naman yung nakakaalam at wala ng iba kaya kami lang din ang pwedeng mag-issue sainyo." Saad ni Cassandra.
"Hay naku, ewan ko sa mga trip niyo. Basta ang importante hindi siya pwedeng makilala ng media."
"No problem." saad nilang lahat na ikinailing lang ni Peter.
"Pwede kang makipag-kaibigan sakanila kahit minsan gusto ko na silang isuka" saad ni Peter na may biro sa huling sinabi.
"Nahiya naman kami sa mukha mo" biro din nilang sambit kaya nagtawanan sila maliban lang kay Mary na awkward padin sakanila.
"Mababait naman sila Mary, hindi ka nila ipapahamak.. may mga bagay lang talagang binigyan nila ng issue na sila lang din naman ang gumagawa outside the camera. Kaya kapag inaasar ka, binibiro ka, sabihin mo sa'kin babalibagin ko." Litanya ni Peter na may pabirong salita sa huli.
Then it was the first time they heard Mary laugh a little.
"Ang galing brad! Napatawa mo YIEE!" tukso ni Sandro.
Batok naman uli ang natanggap ni Sandro kay Peter. "Gago."
"So... Dahil nga nagkakatuwaan na tayo... Why don't we eat our breakfast na? Let's go gutom na ako." Saad ni Mandy na Maria sa gabi.
"Lagi ka namang gutom," birong saad ni Peter.
Kaya pumunta na sila sa dining area para kumain at magkatabi ang dalawa sa upuan kaya kinantyawan na naman sila ng kanilang kasama.
"Hayaan mo na sila, kumain ka nalang." Bulong ni Peter kaya tumango nalang si Mary.
Habang kumakain ay may kanya-kanyang mundo na ang iba nilang kasama.
"Simula ngayon dapat matuto ka ng makipagkaibigan sakanila, at maging normal na tao.. para hindi nila mahalatang diwata ka.. at wag na wag mo munang gagamitin 'yang 'magic' mo.. maging normal ka." bulong na saad ni Peter.
"Kung ganoon kailangan ko ng tulong mo para magawa ko lahat yun pero tutuparin mo parin ang sinabi mong tutulungan mo'kong makabalik sa mundo ko.." tumango si Peter.
"Pangako." saad ni Peter.
She smile at him na parang nagphypnotismo kay Peter.
Hanggang sa mapansin na sila ng kanilang kasamahan. "Nilalanggam—este nilalamig na yung pagkain, kumain na kayo." Ngising saad ni Leo.
Nag-iwasan naman ng tingin ang dalawa at nagpatuloy ng kumain.
YOU ARE READING
UNEXPECTED FEELINGS (TO A FAIRY?!)
FantasyJoGe fanfic full chapter :) Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Donato Gabriel Santiago Mendez o kilalang artista sa buong Pilipinas bilang si 'Peter Javier Santiago' he came from a broken family kaya naman ng iwan sila ng tatay niya ay...