Chapter 1

14 0 0
                                    

"Everyone, settle down. May announcement”

Ibinaba ko ‘yong headset mula sa tainga ko at napatingin kina Miles na nasa harapan. Nag-usap ulit sila kaya umiwas ako ng tingin.

“Okay, nagpag-usapan naming isurprise si ma’am later. Kailangan lang namin ng tulong from each and everyone.” Panimula ni Miles, lumingon ako sa mga kaklase namin. Kaunti lang ang nakikinig sa announcement dahil sa mga activities na kailangang gawin pero nang may nabanggit nang pera ay nagkanda reklamo na sila.

“Alangan namang bumili tayo nang walang pera, ‘no?” Sarkastikong saad ni Ali, walang emosyon ang mukha’t parang naiinis na.

“Everyone, ano? Are we gonna do this or not?” Dahan-dahang humina ‘yong ingay nila. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ‘yong wallet ko, nasa ibang upuan pa si Venice kaya binuklat ko muna ‘yong notebook ko at nagsimulang basahin ‘yong lesson kanina sa Science.

“Reign,” Pakanta niyang tawag sa’kin, “10 pesos lang, ikaw kung gusto mong dagdagan, pang-snack natin mamaya” Ngumisi siya sa’kin kaya napailing ako at mahinang tumawa. Kumuha na ako ng pera sa wallet ko bago ako tawagin ni Larry.

“Reign, snack na tayo” Pag-aaya niya, tumingin ako sa gawi niya at nilipat ko ito sa gawi ng katabi ko nang magsalita rin siya.

“Mags-snack na kayo? Wait niyo ‘ko, sama ako” Tumango ako kay Cal at sinundan siya ng tingin, hinalungkat niya pa ‘yong bag niya para siguro hanapin ‘yong wallet niya.

“Ano bibilhin niyo? Sa third floor ba?” Si Cal lang yata ang nag-iingay habang naglalakad kami papunta sa canteen. “Canteen lang yata?” Patanong na tugon ni Larry sa kaniya. Napatingin ako sa likod ni Larry, nakasunod din pala sa’min si Arlo, classmate ni Larry mula grade 10.

Pagkababa namin ng ground floor ay kaagad akong nabunggo ng kung sino. Bahagya akong napaatras kaya napakapit ako kay Cal na nasa tabi ko. Kumunot naman kaagad ‘yong noo niya at napaturo roon sa nakabangga sa’kin.

“Hoy, ikaw, Axel! Tumingin ka nga sa dadaanan mo!” Inis niyang sigaw, ngumiwi naman si Ven na kasama namin habang nakatingin sa kaibigang nasa may taas na ng hagdan.

“‘Yan, ‘di kasi nag-iingat” Mahina niyang sabi at nauna nang pumunta sa tindahan. Susunod na sana ako nang tawagin ako ni Axel.

“Sorry, Reign!” Pinagdigkit niya ang dalawang palad habang nakatingin sa’kin mula sa taas kaya tumango na lang ako. “Okay lang!” Tugon ko sa kaniya, tumango siya at nagthumbs up bago tumakbo paalis.

“Alam mo, ship ko talaga kayo” Panunukso ni Larry, bigla namang nanlaki ‘yong mga mata ko saka kumunot ang noo.

“Si Axel? Kay Axel talaga?” I tried to keep it cool kahit na parang mas bumibilis ‘yong tibok ng puso ko.

Axel had me questioning my own standards in men. Mayro’n naman talaga akong standards, siguro ay siya ‘yong lalaking bigla ko na lang naging crush ng wala sa oras. Siya iyong lalaking labas sa standards ko pero crush ko pa rin. Mataas kasi…yata? ‘Yon yata ‘yong dahilan kung bakit tago ko siyang crush ngayon, o kung paano niya ako kausapin. He talks to me comfortably yet respectfully. He does well with his studies too, a consistent honor student like every other student sa Brixton.

“Tapos na kayo? Balik na kaya tayo sa room? Baka nakabalik na sina Miles” Kumunot naman ‘yong noo ni Cal nang makitang pababa ng hagdan kung saan kami bumaba kanina sina Axel.

“Ano?” Bungad ni Axel na nakakunot-noo na rin, nakatingin kay Cal. “Ba’t ka nandito?” Iritang tanong ni Cal, “Sa’yo ba ‘to?” Sarkastikong bato ni Axel kay Cal, napangiti na lang ako sa bangayan ng dalawa, kailan kaya sila magkakaharap nang hindi nagtataasan ng kilay.

“Tara na!” Sumama na lang ako kay Ven nang hilain niya na ‘ko palabas ng canteen. Sumunod naman sina Arlo, umirap pa si Cal sa gawi nina Axel bago tuluyang sumunod sa’min.

“Cal parang isip bata” Biro ni Ven, umirap si Cal saka humawak sa palapulsuhan ko. “Sino bang hindi maiinis sa Axel na ‘yon?” Tinaas niya iyong isa niyang kilay.

“Cal, kapag talaga kayo, magkatuluyan niyang si Axel ha” Nakangising sambit ni Ven, tumawa naman kaagad si Larry na nasa likod namin habang nakangiwi si Cal at hindi maiguhit ang mukha.

“Hoy, what if?” Tawa ko, mas lalong ngumiwi si Cal at napabitaw sa’kin bago umastang parang nasusuka. “Never, never in my life! Ew!” Tumakbo na siya papunta sa floor namin at iniwan kaming natatawa sa kaniya.

“Hoy! Callista! ‘Di ka talaga babalik?!” Tawag ni Arlo, napailing na lang si Ven saka kami umakyat sa taas.

Maya-maya pa’y dumating na sina Miles at nagsulat na kami ng letters para kay ma’am. Nanatili muna kami sa loob ng room at nang pababain na kami sa auditorium ay nagkagulo na sila, kaunti lang kasi iyong nagsulat kanina kaya nag-aagaw-agaw sila ng sticky notes mgayon.

Nauna na kaming bumaba nina Miles dahil dala namin ‘yong cake, sash, at crown na surprise namin kay ma’am.

Binuksan ko muna ‘yong cellphone ko dahil wala akong magawa sa gitna ng event. Siguro ay mannerism ko na ang i-open ang gallery ko sa tuwing bubuksan ko ang cellphone ko.

May mga bagong pictures ‘yon nina Sam kanina no’ng first subject sa hapon. ‘Yong iba ay candid at nakazoom pa.

May pictures ni Axel na seryosong nakatingin sa cellphone at mayro’n ding nakangangang tumatawa. Ibang klase talaga ang trip ni Sam, hindi ko maintindihan kung nagbabago ba ‘yong mood niya by weather o ano.

Natawa kami pareho ni Miles nang ipakita ko sa kaniya ‘yong nakangangang pictures ni Axel at dahan-dahang tumigil nang mag-announce na naman ng bagong laro.

“Rige, this type of 'bring me' is leveled up, I'm telling you!” Panimula ng emcee, she smiled at her co-emcee.

“Talaga? How is it leveled up, Bea?” Tanong ng kapares niya.

“We’ll know once we start” The woman smirked and hyped up the crowd, “Let’s start with the basics, the teachers are allowed to join in too” Dagdag niya

“Okay, bring me..”

“An iPhone 12!” Sigaw ng emcee, nagpaunahan namang tumakbo ‘yong mga estudyante sa stage at ibinigay iyong cellphone nila sa dalawang emcee.

Hindi na ako nagulat, it’s not something students from our school cannot afford. Nagkapoint lang ang section namin nang balenciaga shoes na size 39 na ang hiningi. Hindi kasi kami makabigay dahil malayo kami mula sa stage.

“Reign? Samahan mo ‘ko, kunin ko lang bag ko sa room” Ngumiti sa’kin si Alice, napatingin muna ako sa stage bago tumayo at maglakad na papunta sa hagdan, buti na lang at hindi kami sinita ng guard na nakabantay sa bungad ng audit.

Pagkapasok namin sa room ay binigay niya sa’kin ‘yong cellphone niya dahil dalawang bag daw ang dadalhin niya. Nang makuha niya na ‘yong mga bag ay biglang nagring 'yong cellphone niya. Kumunot ang noo ko dahil number lang iyong nakalagay sa screen.

“Tawag,” Saad ko at inabot sa kaniya ‘yong cellphone.

“Don't bother, mag-aaya lang uminom ‘yang mga ‘yan” Tumawa siya at hindi kinuha mula sa’kin ‘yong cellphone saka siya naunang maglakad pababa.

“Sino ‘to?” Inunahan ako ng curiosity ko.

“Friends I’ve known through my ex”

_________________
:)

Forbidden EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon