Natahimik ako nang marinig ang boses ni Axel. Natulala na lang ako sa halaman na nasa may harap ko.
“Grabe ha, speechless ang ate ko?” Tawa ni Miles, bumuntong hininga na lang ako bago umirap. “Well, hindi ka sumama so I called more company” Kuwento niya, “Hindi ka ba talaga pwede? The others are already leaving too” Pahabol niya, bumuntong hininga lang ako bago magsalita.
“Nasa dinner pa kami, after nito magtititigan na naman kami ng notebooks at mga libro ko” Paliwanag ko, bumuntong hininga na naman ako at naglakad-lakad na lang habang nasa tainga ko pa rin ‘yong cellphone.
Bakit ba kasi si Axel iyong pinagbigyan niya ng cellphone? Lakas talaga ng trip.
“Okay? Kumusta dinner niyo?” Tanong niya,
“It’s fine, about college..ang ganda rin ni tita” Kuwento ko sa kaniya, narinig ko namang bahagya siyang tumawa. “Oh, bakit?” Inis kong singhap
“Well, that’s a way to tell that you're pretty too, ‘di ba? Nagyayabang na naman” Tawa niya, ngumiwi naman ako at hindi siya maintindihan. Kung katabi ko lang siya ay natulak ko na sana.
“Pangit mo, Miles” Umirap ako saka ko siya narinig na tumawa, “Sige na nga, pauwi na yata kami, it’s late na rin naman” Patuloy ko, narinig ko namang um-oo si Miles kaya pinatay ko na iyong tawag.
Pagkababa ko ng tawag ay bumalik na rin ako sa table namin, saktong pauwi na rin kami. I kissed tita and ammi’s cheeks before waving them goodbye. Ammi lived alone since my grandfather passed away, pagka-uwi ni tita ay doon na rin siya tumuloy instead of living in her unit.
Pagkauwi namin ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko, I dropped my body on my bed at maya-maya ay tumayo rin para maligo. I did my skincare after.
Uupo na sana ako sa vanity chair ko nang may kumatok sa kwarto ko.
“Anak?” Tawag ni mom, kaagad naman akong naglakad papunta ro’n. “Are you free tomorrow night, anak?” Tanong niya nang mabuksan ko na iyong pinto.
Napaisip ako, “Yes, mom” Tugon ko, “Bakit po?”
“May meeting kasi ang daddy mo, you can come if you want, saturday naman tomorrow” Ngiti ni mom, I tilted my head and nodded slightly, “I’ll pack my things” Tugon ko sa kaniya, tumango si mom at yumakap sa’kin.
“Goodnight, anak” She kissed my forehead, “Night, mom” Ngiti ko sa kaniya.
After putting my mask on, I grabbed my bag and opened my closet.
Ang sabi ni mom ay may swimming pool daw doon, mas mabuti kung susulitin ko na at maligo ako ro’n. Napangisi ako, ang tagal na rin no’ng huli akong nagswimming.
Habang naglalagay ako ng mga gamit sa bag ay biglang nagring iyong cellphone ko, si Alice.
“Yes? Anong meron?” Bungad ko,
“I heard pupunta raw sina tita sa meeting? Sasama ka? Sumama ka please!” Rinig kong saad niya, “Allison..natural sasama ako, ako lang mag-isa rito sa bahay kung gano’n, ‘di ko kaya yo’n” Tawa ko, sinara ko na iyong bag ko at nahiga sa kama.
“Kumusta sleepover niyo?” Tanong ko, naririnig ko pang nagsisigawan sina Cal at Sam, bigla naman sumigaw si Arlo para siguro patigilin sila kaya natawa ako.
“Narinig mo naman, ‘di ba?” Tumawa si Alice,
“Ano ba’ng pinag-aawayan no’ng dalawa?” Natatawa kong tanong, in-on naman ni Alice iyong cam at pinakita ‘yong pot.
“Kita mo? Champorado ‘di ba?” Panimula niyang tanong, tumango naman ako, hindi pa rin gets kung bakit nag-aaway ‘yong dalawa.
“Gabi na tapos ganyan ‘yong pinaglululuto niyo” Angal ko, tumawa lang si Alice at pinatigil ako sa pagsasalita.
“Lugaw kasi ‘yong gusto ni Cal, eh champorado ‘yong gusto ni Sam, ayon” Kuwento niya pa, napabuntong hininga ako habang nakapikit. Napakaliit ng problema, pag-aawayan nila.
“Magluto kayo,” Saad ko habang tumatawa. Pinakita na naman ni Alice sina Cal sa camera kaya mas lalo akong natawa. Nagbabatuhan na sila ng unan habang nagbabangayan pa rin, nasa gilid na si Arlo at nagcecellphone, napagod na yata.
“Sige na, mag-aaral pa ‘ko” Paalam ko, at naglakad na papunta sa desktop ko, nakacharge kasi iyong laptop.
I started studying by blurting. Buti na lang at hiningi ko kay ma’am ‘yong pointers para sa summative, hindi kasi ako nakaattend dahil sinamahan ko si Ammi sa flower shop niya, I thought my excuse wasn't valid pero sinabi ko namang may sakit si Ammi that time so she needed company.
I woke up the next day lightheaded, like I always do. Mas maaga akong nagising kaysa sa alarm ko kaya kinapa ko iyon at nireset.
Hindi ko pala natanong si mom kung anong oras kami aalis. “Ano ba ‘yan” Angal ko, tumayo na ako mula sa kama at naglakad papunta sa salamin at inayos ang sarili.
I closed my eyes and went back to bed.
“Ate!” Rinig kong tawag ni Elle, kumunot ‘yong noo ko at umupo, “Why weren't you at the family dinner yesterday?” Tanong ko sa kaniya, umupo siya sa swivel chair ko at nagpaikot-ikot.
“Pinasyal kami ni tito Soren kasama si ate Aiah, we were in Baguio so we weren't able to come back” Tugon niya, bumuntong hininga naman ako at kinunot ang noo.
“You skipped your classes?” Tinaas ko iyong kilay ko sa kaniya, “Ate, don't give that look” Pagmamakaawa niya at huminto sa pagpapaikot ng swivel chair.
“We told mommy naman eh” Saad niya, I narrowed my eyes at her, “Kay dad?” Bumuntong hininga siya sa tanong ko.
“Hindi..”
Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na naman ang mga alibi niya, “Pero ate! Nalaman naman na ni dad eh, he talked to ate and I last night about it, okay na?” She reasoned, ngumiwi na lang ako at bumuntong hininga.
“Okay, bakit ka nandito?” Pag-iiba ko sa usapan, bumaba siya mula sa swivel chair at kinuha ‘yong notebook niya mula sa ibabaw ng cabinet.
“Ate..” Tawag niya, “Help me with these” Patuloy niya, tiningnan ko naman iyong nasa notebook niya at ibinalik sa kaniya ang tingin.
“Assesment?” Pagkaklaro ko, “Okay, since you asked for your missed-out activity, I’ll help you” I asked for her pen at binigay niya rin naman sa’kin ‘yon.
Pagkatapos kong sagutan at ituro sa kaniya iyong lesson ay saktong kumatok at pumasok si mom sa kwarto.
“We’ll leave before lunch para roon na lang tayo mananghalian, maligo na, come on” Saad ni mom, she took Elle with her when they went out.
I went to grab a shower right after they got out. Paglatapos ay umupo ako sa vanity chair ko to apply my makeup.
I wore a simple white sleeveless shirt and cream-colored trousers, I topped it off with a long sleeved polo and a belt.
Pagkababa ko ay dumiretso na kami sa kotse. The drive was yet long, hindi ko alam kung saan kami papunta basta natulog na lang ako, natutulog din naman sina Elle.
“Wake up, everyone.” Malambing na tawag ni mom, unti-unti akong bumangon at tinapik iyong dalawa.
“We’re here” Patuloy pa ni mom, nauna na akong bumaba at nilibot ang tingin sa paligid. It was a resort and we were at the entrance.
Maraming kotse rin ang nakapark dito kaya sigurado akong mamahaling resort ‘to.
Naglakad na kami papasok after mag-usap ni dad at nang nasa may front desk. Magkasama kaming tatlo sa isang room habang hiwalay sina mom, may isang suite kasi na nakareserve para sa katulad nina dad.
Natutulog ‘yong dalawa kaya naisipan kong magswimming. I wore my swimsuit underneath a lengthy top at bumaba para pumunta sa shower.
I covered my head with the towel after showering, pagkalabas ko ng cubicle ay kaagad akong napasigaw nang may lalaking nakapasok.
“Manyak!”
_________________
:)
BINABASA MO ANG
Forbidden Escape
RomansAfter Reign Elora's success in life, something in her grows more empty-a hollow space she never knew would be so melancholic. Going back to The Philippines, she finds herself facing the same man she planned a future with 9 years ago. Will they be ab...