Aleia's Pov:
"Prince Maxence, what are you doing here?" Saad ng lalaking kakapasok pa lang sa healing room na dahilan kung bakit napatigil kami
Napatingin kaming dalawa ni Prince Maxence sa lalaking nasa pinto and it was.......
"Whowenjo! (Lorenzo!) " saad ko, hindi ko nabigkas ng tama ang pangalan ni Lorenzo dahil saktong sinubuan ako ni Prince Maxence kaya puno ang bibig ko nung nagsalita ako
Hindi siguro narinig ni Lorenzo ang pagtawag ko sakanya dahil nakatingin parin sya ng mariin kay Prince Maxence at ganun din si Prince Maxence, parang may tension na namamagitan sa kanilang dalawa
Magsasalita na sana ako ng subuan ulit ako ni Prince Maxence kaya puno nanaman ng pagkain ang bibig ko
"Why? Bawal ba? "Sagot ni Prince Maxence sa tanong ni Lorenzo, mahinahon ngunit may pagkamariin ang bawat salita nito, natigilan naman si Lorenzo
"No, I'm just asking" sagot naman ni Lorenzo at lumapit sa amin, tumingin sya saakin at hinawakan ang pisngi ko na syang nagpagulat sa akin
"Are you ok? " may pag-aalalang saad nito, hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat, akmang sa sagot na ako ng biglang tabigin ni Prince Maxence ang kamay ni Lorenzo na nasa pisngi ko kanina lang
Ehh?
Anong nangyayari!?
"Don't touch her, nagpapahinga pa sya" sabi ni Prince Maxence, hindi naman sya pinansin ni Lorenzo at tumingin lang ito saakin
"Are you ok? " pag-uulit nya sa tanong nya kanina at tumango naman ako at parang nakahinga naman sya ng maluwag nung tumango ako
Hindi ako makapagsalita dahil nginunguya ko pa ang pagkain na nasa bibig ko
SH*t!!
Anyare sa dalawang toh!?
Bakit parang nag-aaway sila?
"I'm f—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sinubuan nanaman ako ni Prince Maxence kaya tumingin ako sakanya habang nakakunot ang noo ko na parang sinasabing 'why did you do that? '
"Eat first, kagigising mo palang, don't talk too much" sagot ni Prince Maxence, mahinahon na parang may onting lambing sa boses nito
"Stop, I can feed her" sabat naman ni Lorenzo
"No" maikling sagot ni Prince Maxence at tumingin sakanya na walang emosyon, ganon din ang ginanti ni Lorenzo at nagtitigan sila
Saktong nalunok ko na ang pagkain sa bibig ko kaya nakapagsalita na ako
"Uhm I can feed myself" awkward kong saad at sabay naman silang napatingin sa akin
Ano bang meron dito!?
"No, I'll feed you" kalmadong saad ni Prince Maxence
BINABASA MO ANG
Unexpectedly, I reincarnated as the villainess
FantasyKazeah unexpectedly reincarnates as the villainess inside the story she's reading