Chapter 2 - Friends

13 1 0
                                    

Sino ba naman ang hindi hinihintay ang Biyernes diba?

Tapos na ang first week of school and so far, okay naman. Medyo kailangan nga lang ng konting adjustments kasi may mga subjects na tig dadalawang oras, tas three hours vacant niyo na.

Makakatulog ka talaga ng mahaba o di kaya makapag cram ng school works mo.

Nagiging close kaming tatlo ni Iness at Willow. Sila usually ang naghahanap ng mapag-usapan while I silently listen at kung minsan ay nakikisabay din sa kanila.

Nagkaayaan kaming tatlo na mag chill mamaya sa isang cafe malapit dito. Willow said na deserve namin iyon for surviving the first week. Which is very OA ha kasi hindi pa ito ganoon ka madugo pero go lang din naman kami ni Iness.

"Lagi ko kasi yan nakikita yung cafe na yan kada papunta at palabas ako ng school. Gusto ko i-try kaso wala akong kasama. Ayaw ko kaya mag mukhang loner noh." Willow said.

"Oo na, sasama na kami sayo." Iness answered. "Langya ka! Nagtitipid yung tao, tas mag-aaya ka." Dagdag pa niya.

"Nyenyenye. Tipid, tipid, tipid. Huwag ka ngang panggap. Magastos kang klaseng tao. Huwag ako neng." Willow said while showing her palm sa face ni Iness."Nag c-crave ako ng blueberry cheesecake!"

"Ano ka ba naman? Sa isang araw ang dami mong sweets na kino-consume. That's not healthy!" Komento ni Iness sa kanya.

"Eh, sa masarap eh! Ako naman kakain, hindi ikaw." Willow rolled her eyes.

"Saglit lang, I'm gonna sweep the floor pa." Si Willow kasi ay kabilang sa mga inatasang maglinis sa sahig. "At ikaw Iness, mag linis kana ng comfort room natin." Dagdag pa niya.

Because this is a public school, natural ay obligado kaming maglinis. If hindi kami maglilinis ay kailangan pa naming mag hanap ng tao at mag bayad.

Dagdag gastusin lalo na't napagkasunduan ng klase na mag ambagan ng 50 pesos per week para sa class funds namin. Doon na kukunin ang mga gastusin lalo na kapag may events o emergencies.

Na atasan naman ako na mag linis ng windows at kanina ko pa iyon tapos gawin. Hinintay ko lamang na matapos ang dalawa sa mga gawain nila dahil sabay kaming aalis papuntang cafe.

"Bilisan mo Iness! Bagal mo ha. Mas mabagal ka pa sa pagong kumilos." Panemermon ni Willow kay Iness.

"Saglit lang, kita mo namang nag r-retouch yung tao eh!". Pabalang na sagot ni Iness kay Willow. Willow just rolled her eyes at her.

"Eto na po, madam!." Sabi ni Iness habang nag mamadaling ayusin ang mga gamit niya.

Hinila na ako ka agad ni Willow papalabas ng room namin.

Mabilis lang kami na nakarating sa tawiran dahil malapit lang sa gate yung classroom namin.

Habang nag hihintay kami na makatawid ay nakita namin ang mga CWHI sa gilid namin na tatawid sana.

Marami sila at may adult silang kasama. Parent ata ng isa sa kanila. Marunong siyang mag sign language at tinatanong niya ang mga ito kung anong gusto kainin ng mga bata. Sinasamahan niya ng salita ang kanyang pag sign.

It made my heart melt.

"Aww ang cute nila noh? Gusto kong mag paturo sa mga teachers. Kapag may time sama ka sakin Dani?" Willow said while also looking at them. Dani na ang tawag niya sakin. Nalaman niya kasi na iyon ang nickname ko eh.

"Green light na. Usad na tayo dali." Iness said. "Si Willow lang naman yung hindi maka usad doon sa mga ex-flings niya."

"Kingina mo ha!" Willow said while attempting to cross the street.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Between the Silence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon