"Dani, tara na!", Willow rushed me.
Lunch break namin ngayon at kakatapos lang namin kumain. We both decided to connect with Mrs. Salvador, yung teacher na kasama nung mga CWHI noong first day of school na nag visit sa room namin.
Inaya ni Willow si Iness ngunit hindi daw ito interesado. She's currently sleeping sa desk niya.
"Sure ka na ba dito, Willow?" I asked. Nahihiya talaga ako eh. Baka magtaka sila kung bakit were really intrigued to learn sign language.
"Girl, come on! It's gonna be fun! Aminin mo, it's fun making friends with them. May kausap ka pa nga last time noon sa Library through scribbling sa iPad mo. Diba mahirap makipag-usap kasi pasulat-sulat pa kayo?". She said.
May punto naman siya. Sige na nga. I'm also interested eh, nahihiya lang talaga ako mag-paturo.
After a few minutes, we found ourselves sa CWHI department.
"Good afternoon po ma'am!", Willow greeted Mrs. Salvador. Isa sa mga values na talagang pinagtutuunan ng pansin dito sa ISES ay respect.
You greet everyone especially the faculty and staff even just by saying Hello, or good morning, good afternoon. Well ganon naman talaga dapat.
Too bad unti-unti nang nawawala iyon lalo na sa henerasyong ito.
The teacher reflected Willow's energy.
"Good afternoon din, nak." She flashed her gummy smile at us. "I like your energy. Ano po sana yun?" Dagdag pa niya.
"Uhm, magpapaturo po kami sana ng sign language sa inyo. Yun ay kung hindi po kami nakaka-abala...". Willow said.
"Sure, nak. But before that, mabuting master niyo na ang alphabet." The teacher said.
"Ayy, opo. Alam na po namin ni Dani. A-Z po." Willow answered. Tinuruan ko siya ng mga itinuro sa akin ni Christian.
"Oh, well. That's good!" She said. "Pasok kayo."
Pinatuloy niya kami sa kaniyang silid. Before she could even teach us, a girl went inside the room and greeted Mrs. Ramirez and the class.
Lunch break din nila at wala silang ginagawa. Yung iba naman ay nag-uusap through sign language. Parang normal lang din na pag-uusap ng mga magkakaibigan na sila lang yung magkakaintindihan.
The girl is very friendly. Junior high ito base sa kaniyang uniform. She even greeted me and Willow with a jolly vibe, kaya naman I reciprocated her energy.
Iyon nga lang, nakakapagtaka na si Willow ay parang nawala sa mood. Kung kanina ay jolly din siya kagaya ng babaeng ito ay siyang ikinatahimik niya.
Siguro ay dahil sa naiilang siya dahil nandito na kami sa loob ng silid. Nakakapagtaka na naubos ang social battery niya, eh never iyon naubos. Kahit sa mga teachers at staff ay super friendly niyan.
"I'm Beatrice Amari Alvarez.". Pagpapakilala niya sa amin sabay lahad ng kamay while giving us her biggest smile.
Tinignan ko si Willow at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya but she was trying to hide it. Nakita ko din ang pag-aalinlangan niyang tanggapin ang kamay ni Beatrice, kaya ako na ang tumanggap nito.
"Hi, I'm Chandrea Dañelle Venise.", I shook her hand and smiled at her. If there is one thing that I had adopted from Willow's personality, it's being friendly and approachable.
Nakakapagtaka nga lang ang inaasta niya ngayon.
Sa huli ay tinanggap niya rin ang kamay ng babae. "Willow.", tipid niyang sagot.

BINABASA MO ANG
In Between the Silence
Teen FictionChandrea Deñelle Venise Golez, a sixteen year old girl, is still unsure of what career path she's going to take. She lets her fate decide for her future, uncertain of what her destiny would be. Little did she know, her life is about to change in an...