Chapter 3

4 0 0
                                    

“O! Ang single, bumalik nalang sa matres ng nanay, a!" Erika shouted after flexing her boyfriend.

Akala mo naman loyal na lalake ang ipinagyayabang.

Arnie gave her a ‘bombastic’ side eye. “O? Ang may cheater na jowa mangbungal na ng lupa at mamuhay bilang isang bulok na kamote. Total bulok ka man!” asik niya sa babae.

Pasimple akong natawa habang nagbabasa ng libro.

Minura siya ni  Erika saka pabirong sinabunutan.

“Normal sa lalake ang magloko kaya ayos lang, ‘no! Kaysa naman ako ang cheater, diba?” aniya.

Halos sabay kaming mapamura ni Arnie sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang hampasin sa ulo nitong hawak kong libro.

Walanghiya.

Cheating is a lack of contentment and respect sa partner so paano naging normal ‘yon?

Sinong normal na lalake ang magloloko?

Sinong normal na tao ang magloloko?!

“Kabubulok talaga nim, Erika! Nasaan ba ang utak mo, nasa kuko  sa paa?!” Arnie said angrily.“Hoy! Hindi normal ang pagloloko either babae o lalake! Sakit ‘yon! Sakit! Pusang gala! Anong klaseng pag-iisip ba may’ron ka?! Ikaw ang dapat mag migrate sa Mars! Shuta ka!”

 Kung pwede lang sumigaw dito sa Library he would screamed it to Erika's face at the top of his mad lungs.

She just laughed as if his words were humorously nonsensuous.

“Para kang tanga, Arnulfo!" saway niya sa kaibigan. "Huwag nga kayo kay Renz! Choice ko ‘to, at paniniwala ko ‘to. Hayaan niyo na nga ako. Para naman kayong hindi nag kinder!” saka siya tumawa.

Napamura nalang si Arnie. I rolled my eyes in disbelief.

May kaibigan talaga tayong tanga.

“Ang wish ko ngayong pasko sana madagdagan ka ng braincells. Utak mo ang dapat maging normal, shuta ka.” Arnie said.

Erika just laughed. “Gago ka," sabay tampal niya kay Arnie.  "Loko lang 'yon pero mahal ako no’n.” She said, referring to her boyfriend then assured us with her smile.

My gosh. I can see her guardian angel slapping its forehead, disbelieved at what she uttered.

Help. May over the counter pill ba riyan para sa katangahan ng kaibigan namin?

Sa relasyon, being loved is the minimum.  Make sure you’re appreciated, respected, prioritized, desired, and understood. If not, leave. No one deserves to be cheated on. Not even my friend!

Gusto kong isupalpal sa kaniya ito pero hindi ko nalang tinuloy. Oo nga't makikinig siya ngayon pero hindi niya ginagawa.

That’s why I highly demand women to keep your head, heels, and your standards high. Know your worth. Being loved in love is not the goal. Love is not enough.

“Huwag kang magpapakita sa’min na ngumangawa na naman dahil sa jowa mong mukha namang ingrown! Sinasabi ko sa’yo Erika Maputi, kahit bakla ako hahamunin ko talaga ng suntukan ‘yon!” Sabi ni Arnie.

Umirap lang siya, not taking any of these seriously.

“Ang sarap mong hampasin ng libro,” kalmado kong sabi sa kaniya pero sa loob loob ko gusto ko talagang gawin.

Humalakhak siya.

Haay! Ewan ko talaga sa kaniya!

“Pero talaga may isang bagay pa akong hindi maintindihan,” ani Arnie nang mahismasan sa pangigigil kanina kay Erika. He was even tapping his chin using his forefinger as if he’s solving an invisible puzzle in front.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until We Meet Again (Dela Merced Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon