Chapter 1

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng misa dumiretso muna kami sa may kumbento para hintayin doon si Dean at Defgh. Nag altar serve ang dalawa.

"Ang tagal naman ng mga kupal na 'yon,"  reklamo ni Blaire na nakahalukipkip. Her thick eyebrows are furrowed, an obvious sign of her impatience.

"May inaayos pa siguro," malumanay kong saad.

"Hindi. Napagalitan ni Father 'yon panigurado. Baldog kasi si Dean, nakikipaglandian habang nagh-homily," sabi ni Zoi na ikinatawa naming lahat.

True. Kung pwede nga lang paliparin ang suot kong sandals sa mukha niya ginawa ko na. Nakakahiya.

Sa gitna ng tawanan namin may tatawag  kay Aton para bumati. May makikipag ngitian kay Zoi. May mapapatitig kay Elijah. May taas-kilay kay Blaire dahil sa mukha niyang parang galit lagi. Minsan nga sinasabi ng ilan siya ang human counterpart ni Anger ng Inside Out. But that  look of hers is just her resting face!

At dahil kupal si Zoi panay ang papansin nito sa mga kakilala ni Aton. "Pa-regards ako," ang naririnig kong bulong niya rito. Palibhasa babaero! Habang si Elijah, tahimik lang habang hawak niya ang payong ni Blaire. There's only one time I caught him looking at specific someone.

"Araw-araw na ako magsisimba pramis!" rinig kong sabi ng isa babae matapos itong ngitian ni Zoi.

Iilan lamang iyan sa naririnig ko sa paligid. Hindi rin naman maikakaila na may kaunting maipagmamalaking ang mga pinsan ko. Thanks to Dela Merced genes that these punks inherited.

Zoren Averick is striking a buzz cut hairstyle, thick eyebrows with long eyelashes, and clift chin. Ipinaglihi siya ni Tita Jade sa Hollywood actor na si Henry Caville.

Si Elijah medyo singkit na binagayan ng kaniyang salamin. Manipis na labi, mahaba rin ang pilik-mata, matangos na ilong, medyo makapal din ang kilay. His hair cut is just a typical boy hair-cut which suits him. Sabi nila mukha raw itong suplado dahil malimit lang ngumiti.

Then, Allison Rae, ang pinakamatangkad sa amin ni Blaire. Her almond eyes, pointy nose, sharp jawline, plump lips, complemented her long wavy hair. Siya iyong tipong kapag titigan mo ng matagal, lalong gumaganda.

Blaire Jaiden fixed her short curly hair. She has chubby cheeks with pouty lips. Her eyes are as rounded as the full moon: full of life.

"Blaire panget!"

Sabay-sabay kaming napalingon.   Bumungad ang tatawa-tawang mukha ni Dean dahilan para lumitaw ang malalim nitong dimple sa kanang pisngi. Kasunod nito ang kambal niyang si Defgh na abala sa pag-aayos ng white polo nito.

They're identical but they only differ in hair styles and aura. May pagka kulot ang buhok ni Dean habang unat ang buhok ni Defgh. Also, Dean has a softer  aura than his older twin.

The formality and purity look in their white polos and black  slacks. Akala mo kung sinong matitino.

Namalayan ko nalang na sinunggaban ng mga ito si Blaire  para guluhin ang buhok, at kilitiin.

"Pag ako makawala may mamagang mata mamaya!" Nangigigil na sigaw ni Blaire habang patuloy siyang pinagtutulungan ng dalawa.

Kung wala lang kami sa simbahan baka malutong na napapamura ito for sure. Galitin niyo na ang bagong gising 'wag lang si Blaire Jaiden.

"Eh, isang malaking kupal pala 'yong ex mo, e.  Alam mo ba yun?" asik nito kay Zoi. "Bakit si Aton ang sisihin niya sa break up niyo? Kasalanan ba nito na mukha siyang ingrown sa kuko  kaya iniwan mo?"

Tumambay kami sa isang Cafe para kumain saglit. Naopen din ni Aton tungkol sa ex ni Zoi na sinugod daw siya sa gitna ng dance rehearsal nila.

"Ayan! Bakit kasi gini-girlfriend  kung pwede namang fling lang,"  sabi ni Defgh.

"Nagsalita ang isa pang kupal," I snorted. Ang sarap nitong hambalusin ng straw ng Milk Tea.

Nagtawanan sila.

"Arim, flings are safe. No commitment,  no breakups, just having fun. Life is too short to be serious! Iwas-gulo pa kasi walang susugod sa inyo," proud pang sabi nito.

Kupal talaga!

"Iyan ang opinyon mo?"

Proud siyangt tumango.

"Well your opinion's wouldn't hold water."

Elijah laughed.

Napailing nalang ako. Gustuhin ko mang kontrahin pero iyan ang paniniwala ng kupal na ito, e. Gusto kong ipaglaban na ang babae ay hindi pang fling lang. Hindi pang landian. Hindi libangan o parausan. Kundi minamahal at pang matagalan. Kapag ito nakatagpo ng katapat at tinamaan talagang tatawanan ko siya. Can't wait to see that happening.

"Hindi naman talaga nahahawakan ang tubig, a?" singit ni Zoi. Isa pa 'to.

Sa bahay na kami natulog lahat nung gabing iyon. Para isahang alis kinabukasan pabalik sa ESSU kung saan kami nag aaral.

I'm taking BS Accountancy, by the way. Civil Engineering si Elijah. Tourism si Aton. Si Blaire, BSED, Math major. BS Criminology si Zoi. Hospitality Management si Dean. At si Defgh ay nag-aaral ng Electrical Engineering.

Nasa iisang boarding house lang din kami sa Maypangdan, Borongan City. Malapit lang din sa School kaya nakakatipid sa pamasahe. Iyon nga lang, minsan nagiging bahay-inuman ang boarding house dahil sa mga pinsan ko.

Napapahikab ako sa antok habang nagtutupi ng mga damit na dadalhin ko.

"Inaantok na?" Elijah asked.

Ibinaba niya ang binabasa.

Tumango ako. "Magre-review pa nga ako."

"Do you need my notes? Kompleto ako." He offered saka siya tumayo nang hindi hinintay ang sagot ko. 

Hindi kami nakapag photocopy sa coverage handouts kaya isang blessing ang notes ni Elijah. Same instructor lang din naman kami. Napangiti pa ako lalo nang makita ang sulat-kamay niya, it looks the same with mine. Maliliit at malinis.

"Pwede mong sulatan iyan kung may idadagdag ka. Treat it as yours," malumanay niyang sabi.

I nodded. "Thanks, Jah. Ibabalik ko nalang sayo after class."

He smiled and nodded.

"Kung magiging pinit kayo, bakit hindi natuloy?" dinig kong banat ni Blaire kina Dean, Zoi, at Defgh sa balkonahe.

Dinig ko rin ang malakas na tawa ni Aton sa kusina dahil dun.

"Beb, kung matututo kang manahimik kelan kaya?" banat pabalik ni Dean.

Until We Meet Again (Dela Merced Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon