Chapter 2

6 0 0
                                    

Kinabukasan natapos ang long quiz namin sa PE nang magulo. Lalo na itong dalawang 'to.

"Bakit 20/50 lang ako? E, parehas lang naman tayo ng sagot?"

"Inggrata ka! Kasalanan ko bang bobo ka? Ang sinulat ko rhythmic activities, hindi rhythmic sequence!"

Napapaisip ako habang pinapanuod sila: ano bang pinaglalaban nila? E parehas namang mali?

Pagkaalis ni Ma'am ay agad din akong tumayo. Ibabalik ko pa kay Elijah itong pinahiram niyang notes. Hindi ako komportableng maglakad-lakad doon nang mag-isa kaya isinama ko ang dalawang talandi.  Siyempre, Engineering Department iyon kaya pabor na pabor sa kanila. Halos kaladkarin pa nga ako dahil sa excitement. Engineering na raw iyon, dapat hindi magsayang ng oras. I just can't comprehend why Engineering students are that hyped?

"Nakakainis! Kung kelan ako tinubuan ng pimpol na may nana saka ka naman nagyaya dito," reklamo sa'kin ni Arnie habang paakyat kami ng hagdan.

Kasalanan ko pang nagka pimple siya?

" Ayan! Nasobrahan sa tamod," sabi naman ni Erika.

"Gaga, minsan na nga lang. Ang choosy na ng men ngayon, ayaw na sa 150. Doon lang napupunta ang allowance ko. Hayst, ang hirap 'pag sinep lang ang bisyo," sabi naman ni Arnie saka sila nagtawanan.

Ang babastos! Mga bwisit.

"Hi, Arim!" Bungad ni Daryl sa pinto.

Ngumiti ako. "Si Elijah?"

She's one of Elijah's closest friends. Mahinhin at mabait ito. Simple lang din siyang babae pero malakas ang dating. Minsan na rin siyang  niligawan ni Zoi. Buti nalang hindi niya type ang kupal.

"Nandito. Tawagin ko ba?" Mahinhin niyang sabi.

Tumango ako.

"Ms. Daryl, iharap mo nga sa akin ngayon ang pinakamagandang lalake sa klase."

Si Arnie parang tanga. Nakakahiya! 

"Ay 'te? Tirisin mo muna 'yang nagmamagaling mong pimple bago ka mangarap ng pogi! Mukha kang paa na tinubuan ng pigsa. Kadire ka," sabi ni Erika.

Daryl looked confused at these two. Nahiya ako bigla! Napakamot nalang ako sa noo sabay nahihiyang ngumit sa kaniya.

Glad she smiled back. Saka siya nagpaalam para tawagin si Elijah na abala pala sa pakikipag usap sa kaklase. Naka-kunot itong bumaling kay Daryl na para bang hindi niya naintindihan ang kaibigan. Hanggang sa itinuro ako.

Inabot ko agad sa kaniya ang notes nang tuluyan itong lumapit.

"How's the quiz?" Tanong niya naman.

" I Passed," nakangiti kong sabi.

Sing tamis ng strawberry flavored ice cream ang ngiti ko sa kaniya. Hindi ko matandaan kung kelan niya ito sinimulan pero nakagawian na niyang bumili ng ice cream or chocolates bilang reward kapag perfect score ang nakukuha namin nila  nila Blaire at Aton sa klase.

"Malamang! Perfect score, e!" Pamimilosopong singit ni Erika.

"Kami rin Elijah, passed," sabi naman ni Arnie. "Passed–ang–awa."

"Same flavor?" My cousin asked, ignoring my friends.

Hindi parin mawala ang ngiti kong tumango sa kaniya.

He nodded. "Copy. One strawberry flavored ice cream later when I get home, is that alright?"

"Hmm," tumango ulit ako. "Thank you."

Tipid siyang ngumiti saka muling ikinunot ang noo, his resting face.  Kaya napagkakamalang masungit dahil parang may sama ng loob lagi.

"Hala! Si Arim lang? Kumakain din naman kami ng ice cream, a?"  angal ni Erika.

Elijah then finally turned to them and gently tapped Erika's head with his notebook.

"Saka na kapag may perfect scores na rin kayo," sabi pa nito bago nagpaalam sa'kin.

"Kung maka-ano 'yon parang lagi kaming bagsak, a?"

Exactly, Arnie.

Natawa nalang ako sa isip saka sila inaya pababa ng building. At dahil dakilang talandi itong baklang ito,  kaliwa't-kanan ang pagpapa cute sa mga male Engineering students. Si Erika naman itutulak pa niya ito sa lalake at kunwareng hindi sinasadya. My goodness! Hindi na talaga nila ako binigyan ng kahihiyan  since first year!

"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Erika habang binabaktas namin ang covered walk.

Malayang hinahangin ang buhok ko.   Mabagal lang ang lakad namin kaya mas lalong ramdam ko ang bawat  dampi ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko.

Vacant  namin ngayong oras. Before lunch break naman ang last period sa morning session. Wala namang masiyadong gagawin at nagkayayaan nalang na tumambay sa Library. Pabor sa akin dahil gusto kong maglibang sa mga librong doon ko lang nakikita.

Sa Library, agad akong pumili ng babasahin. Si Arnie pa ang kumuha nun dahil hindi ko abot. Hindi kinaya ng five flat kong height. Kainis.

The room is air-conditioned and quiet. I know, it's a perfect place to sleep, study, review, even to figure out about life. Pero dahil kasama ko itong dalawa, hinding-hindi ko mararanasan ang peace na 'yan. Tulad ngayon, nagdadaldalan na naman tungkol naman sa jowa. Saka ibinida ni Erika ang boyfriend niyang walang ginawang mabuti.

Hindi sa pagiging judgmental. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Until We Meet Again (Dela Merced Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon