Prologue

28 0 0
                                    

"Heaven, gusto mo sumama sa amin?"

"Saan naman?" tanong ko ng mailapag ko ang chart sa table at sumobsob doon. Iniisip kung anong oras ba ako makakauwi.

"Sa bar," sagot ni Shiela.

Bar?

Noon pa lang ay naririnig ko na iyan sa mga kaklase ko noon na pumupunta sila d'yan para maging stress reliever daw nila lalo na't nakaka-stress ang kursong kinuha namin noon pero kahit na inaaya ako ng mga naging ka-blockmates ko na pumunta roon ay hindi ako sumasama dahil natatakot akong mapagalitan ng mama ko.

Pero siguro naman ngayon ay hindi na nila ako pagagalitan dahil nasa tamang edad naman na ako. 'Tsaka tapos na rin naman na ako sa pag-aaral kaya pwede ko naman na sigurong ilihim sa kanila na ang pagpunta ko roon, 'di ba?

Malaki na ako at gusto ko ring mag-explore habang patanda ako ng patanda. Gusto ko ring maranasan mag-bar.

"Kailan ba?" tanong ko pabalik.

Hindi pa sumasagot si Shiela pero iniisip ko na kung ano ang pwede kong suotin lalo na't puro ako pants at t-hirt ang sinusuot. Ako pa naman 'yung tao na conservative sa sariling katawan. Ayaw ko 'yung revealing na damit dahil nahihiya akong magsuot ng mga ganoon.

Pakiramdam ko ay hindi sa akin bagay ang mga ganoong pananamit na nauuso mula pa noon.

"Mamayang gabi," excited na sagot niya. "After nitong nakaka-stress na duty."

"Sama rin ako, deserve kong mag-aliw-aliw naman kahit papaano," sabi rin ni Paula.

Lahat kami ay kapwa mga pagod na pero laban lang para sa kinabukasan naming hinahangad. Naniniwala akong balang araw ay makakamit din namin ang buhay na matagal na naming gusto at minimithi.

Naniniwala akong maabot ko iyon kung magtitiyaga lamang ako. Ayaw kong hanggang sa tumanda ako at uungod-ungod ay ganito pa rin ang buhay namin. Gusto ko bago ako mawala ay nabili ko ang mga gusto ko at nakamit ko ang daoat kong makamit.

Ngayon pa ba ako susuko? Kung unti-unti na naming naabot ng mga kapatid ko ang mga pangarap namin?

"So, ano?" Tiningnan ako ni Shiela.

Kapag kasi nag-aaya siya ay parating silang dalawa lang ni Paula ang pumupunta roon at lagi akong humihindi dahil pakiramdam ko ay hindi talaga ako bagay doon.

"Titignan ko kung hindi pa ako pag-"

"Shh! Manahimik!" Putol sa akin ni Paula. "Ate ko, pareho-pareho tayong pagod dito kaya kung ako sa 'yo ay sumama ka na sa amin kung ayaw mong maging pasyente. Kaunting-kaunti na lang mahihimatay ka na, Heaven."

"Totoo! Masyado ka ng maputla, Heaven," sang-ayon pa ni Shiela. "Hindi naman sa pangkukutya, ha? Ang putla mo na, girl. Para ka ng pasyente sa ginagawa mong iyan tapos hindi ka rin nag-aayos. Hindi ko man lang lagyan ng kulay ang mukha mo para naman magkaroon ng buhay."

Tumango-tango ang dalawa habang nakatingin sa akin ay nai-stress sa itsura ko.

Totoo naman ang sinabi nila dahil mula pa noon ay hindi talaga ako nag-aayos. Mas uunahin ko pa ba iyon kaysa pumasa ako? Nang panahon kasing nag-aaral ako ay puro aral lang at wala sa isip ko na mag-ayos ako kahit papaano.

Kaya siguro walang nagkakagusto sa akin dahil mukha akong haggard araw-araw. Mukha pa akong matamlay at mukha na ring pasyente. Napangiwi ako ng mapatingin ako sa salamin. Mukha nga akong pasyente.

"Eh, hindi naman kasi ako mahilig sa mga make up na 'yan," sabi ko.

"Ate ko, ang ganda-ganda mo kaya. Ayaw mo bang mas gumanda ka? Ayaw mong bumili ng mga skin care at make up kit?"

The Dream That I Can't ReachWhere stories live. Discover now