Chapter 2

11 0 0
                                    

“Ateeeeeeee!”

Rinig na rinig ko ang tinig ni Sandy na kapatid ko ng makababa ako eroplano. Kaya napatingin sa amin ang mga ibang tao sa lakas ng boses nito. Panglalaki kasi ang pananamit niya pero ng sumigaw ay maraming nalito sa kasarian niya.

Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap ang kapatid ko. Grabe ang tagal naming hindi nagkita. Kaya miss na miss namin ang isa’t isa.

“Grabe ang ganda mo ate ko. Sobrang puti mo pa,” sabay haplos sa mukha ko. “Grabe, ha? Napaka-stressful ng trabaho mo pero wala pa rin nagbago sa mukha mo. Nags-kin care ka na ba?”

“Gaga, hilamos lang ‘yan,” tawa ko ng makitang sumimangot siya. “Ang ganda ko rin kaya. Nawala na ‘yung mga tigyawat mo sa mukha. Kuminis na rin ang mukha ko, mas maganda ka na nga kaysa sa akin batukan kita, eh.”

“Eh, mas bet ko pa rin ang mukha mo ate,” puna pa niya sa mukha ko.

Napailing na lang ako pero para sa akin ay mas lalong gumanda ang kapatid ko. Nawala na ‘yung insecure niya sa mukha. Gumaganda ang kapatid ko.

Ang ganda ng prinsesa namin.

“Mukha kang blooming, ha,” puna ko habang hinihila naming pareho ang dala naming maleta. “May naliligaw na ba sa ‘yo? O baka naman may ipapakilala ka rin sa akin?”

Umiling ito. “Wala nga ate baka ikaw mayroon na? May boyfriend ka na ba? Taga-italian?”

“Gaga, wala pa akong boyfriend,” tugon ko na ikinangiwi niya lalo.

“Wala pa ring sumisira sa pagka-single era mo?”

Umiling ako.

“Weh? Seryoso ka ate?”

“Wala nga,” seryoso kong tugon. “Mukha ba akong nagbibiro? Kung mayroon man ay dapat sinabi ko na kaagad sa inyo, ‘di ba? Kaso wala talaga.”

“Imposibleng walang nanliligaw sa ‘yong taga-italian?” Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. “Baka naman mayroon ate? Pero ayaw mo lang sabihin? Kahit fling wala? Kalandian man lang?”

“Tigilan mo ko, Sandy. Kapag sinabi kong wala, wala,” sambit ko.

“Diyos ko, kailan mo balak mag-asawa?” Para siyang si mama dahil stress siya ng sabihin niya iyon.

Siguro kapag nakita ako nila ay ganito rin ang itatanong nila sa akin pero wala talaga akong maipapakilala sa kanila dahil wala naman talaga. Anong magagawa ko kung ayaw ko talaga?

“Naunahan na nga tayo ng bunsong kapatid natin tapos wala pa ring sumisira sa single era mo? Ano bang balak mo ate? Ang maging single forever? Binuhay ka na ngang single tapos mamamatay pa ring single?”

“Bakit ba stress na stress ka sa lovelife ko? Bakit mayroon ka na bang boyfriend, ha?”

“Wala pero ate at least ako nakadalawang boyfriend na tapos ikaw? Wala pa, zero pa rin. Alam mo ba na inaasahan namin na pagbalik mo ay may bitbit kang taga-italian,” mahabang ani niya.

Makapagsabi siyana nakadalawang boyfriend na siya akala mo ay may tumatagal. Eh, wala naman. Pinagyabang niya pa.

“Bakit may tumagal ba sa naging mga boyfriend mo, ha?”

“Wala.”

Kaya natawa ako, inaasar ko naman siya ngayon dahil nang-aasar siyang wala ako tapos wala naman pa lang tumagal sa kaniya. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong magka-boyfriend dahil sa natatakot akong paluhain din katulad ng nararanasan ni Sandy.

Kung sa kaniya nga ay niloloko siya paano pa kaya ako?

Baka mas higit pa roon ang mangyari kaya huwag na lang magka-boyfriend.

The Dream That I Can't ReachWhere stories live. Discover now