E I G H T
It's 7 a.m., and nandito na ako sa café ni Ate Elle kasama ang dalawa kong pinsan, si Mira at Jade, habang inaantay namin si Juliana na on the way pa lang daw.
"Te? Natulog ka ba? Ang lalim ng eyebags mo," sabi ni Mira habang inaayos na niya ang breakfast namin na dinala ng staff sa table.
"Yes, couz, parang wala ka pang tulog," dagdag ni Jade, na halata ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. "Nag-away na naman ba si Tito at Tita?" maingat niyang tanong.
Bumuntong-hininga ako at umiling. Hindi naman yun yung rason.
"No... it's just that late na kasi sinabi ni Miss Sanchez na may long quiz kami sa kanya at recitation," sabi ko sa kanila. "Kaya hindi ako nakatulog ng maaga para mag-aral." Dagdag ko pa, ramdam ko ang pag-aalala sa mga tingin nila.
"Do you have that dream na naman ba?" tanong ni Mira sa akin in her soft voice. Ito yung gustong-gusto ko sa kanya, kahit na mahilig siyang mag harot at puro kalokohan, sobrang caring naman siya.
"Pwede mo naman kami makausap, you don't need to battle that alone," dagdag niya pa, nakatingin sa akin na parang gusto akong protektahan mula sa anumang bumabagabag sa akin.
Habang nag-uusap kami, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Tumigil sa tapat namin si Miss Jimenez in her usual cold demeanor, na parang walang nangyari kagabi. Parang hindi ako iniwan sa ere. Hindi ko siya pinansin, ipinakita ko na parang isa lang siyang hangin.
Mira leaned in and whispered, "Teh, nakita mo yun? Parang ang sama ng tingin niya sayo."
I just shrugged, choosing to focus on the food in front of me, trying not to let Miss Jimenez's presence affect me.
Habang tahimik kaming kumakain, ramdam ko na may nakatitig sa akin. Hindi ko na kailangan tingnan kung sino si Miss Jimenez lang naman yun.
"Ms. Valentine, we need to talk," malamig niyang sabi, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang akong kumakain, pilit na ipinapakita na wala akong naririnig.
Mira nudged me under the table, raising an eyebrow. "Teh, hindi mo ba siya papansinin?" bulong niya, na halatang nagtataka sa kinikilos ko.
I continued chewing, acting completely unbothered. Jade, on the other hand, was giving Miss Jimenez quick glances, unsure if she should say something.
"Ms. Valentine," this time, mas matigas ang tono ni Miss Jimenez. Naramdaman ko na lumapit siya sa mesa, pero hindi ako natinag. I took a sip of my drink, feeling the weight of her gaze.
"Te, parang ang seryoso niya," sabi ni Jade, mababa ang boses at halata ang pag-aalala.
Mira smirked. "Hayaan mo siya, di naman siya hangin eh." She was trying to lighten the mood, but I knew she was a bit concerned too.
Miss Jimenez stood there for a moment, clearly waiting for a response, pero parang wala akong naririnig. She let out a quiet, exasperated sigh, pero hindi ako bumigay. I had no intention of engaging with her right now, lalo na at iniwan niya ako kagabi.
"Iris, we need to talk," sabi niya sa malalim at seryosong tono.
Hindi ko na napigilan ang iritasyon ko. Napatingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon simula nang dumating siya, nagsalubong ang kilay ko.
"Anong pag-uusapan natin?" malamig kong tanong, hindi itinatago ang inis sa boses ko.
Nagulat sina Mira at Jade, na hindi sanay na makita akong ganito ka-blunt.
YOU ARE READING
Whimps of Heart (VALENTINE SERIES #2)
Любовные романыBrielle Iris Valentine is known as "cold-hearted" to most, yet she has a soft spot for her cousins. Only around them does she show her rare, genuine smile, as she seldom interacts with others. Serving as the USC President of her university and parti...