Chapter 11

93 2 0
                                    

E L E V E N












Nakauwi na kami sa bahay ni Ate. Himala nga, at dito siya mag-i-stay. Parang hindi na kasi ito bahay niya, dahil madalas na siyang sa iba natutulog. Wala akong idea kung saan siya tumutuloy, pero hindi na ako nag tanong. Baka nga wala na akong alam sa buhay niya lately.

Pero kahit naka uwi na kami, hindi pa rin mawala sa isip ko si Miss Jimenez. Kanina pa ako badtrip. Dapat hindi naman ako apektado, pero parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, as if pinag-sakloban ako ng langit at lupa.

Hayop talaga siya talaga.

Kaysa mag mukmok pa at paulit-ulit na isipin ang nakita ko kanina, nilabas ko na lang ang maleta ko. Nag-ayos na ako ng gamit para sa Tuguegarao. Pag katapos ng party ni Tito bukas, kinabukasan na rin ang alis namin pa-Tuguegarao. At least may trip akong pwedeng pag tuunan ng pansin, para makalimutan ko na si Deen at ang mga kalokohan niya.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga damit at gamit ko para sa trip, biglang nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito, at nakita kong may message mula kay Deen. Napabuntong-hininga ako.

 Napabuntong-hininga ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Seriously?

I debated for a second whether I should reply it or not, but decided against it. Hindi ko na lang pinansin. Wala na akong energy makipag-usap, lalo na pag katapos ng nakita ko kanina. Ayoko nang palalain pa ang mood ko. Mas mabuting mag-focus na lang ako sa trip at huwag nang isipin ang mga bagay na hindi naman dapat makaka apekto sa akin.

Habang abala ako ulit sa pag-aayos ng mga gamit ko, biglang kumatok si Ate sa pintuan at pumasok, may bitbit na isang gallon ng cookies and cream na ice cream sa isang kamay niya naman ay dalawang kutsara. Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat.

"Wala namang masama kung nag si-sister bonding tayo, no?" tanong niya, sabay ngiti.

Tumango ako sa kanya at kinuha ang kutsara na iniabot niya. Tumabi siya sa akin at sinimulan ayusin ang laptop ko, mukhang mag hahanap siya ng movies na sabay naming mapapanood. Na-appreciate ko yung effort niya kahit di ko aminin.

"Pansin ko these past few days, hindi ka okay," she started, her voice soft but serious. "And I know something came up. You don't need na pilitin ang sarili mo para i-open sa akin. I just want you to know na kahit busy ako, I'm just one call away." Naka ngiti niyang saad sa akin.


Tahimik lang ako, pinapaikot ang kutsara sa loob ng ice cream tub. Alam kong tama siya, may mga bagay na nag papabigat sa loob ko lately, pero hindi ko rin alam kung paano sisimulan i-open up lahat.

Busy akong kumakain ng ice cream habang naka-tutok sa pinapanuod namin, si ate Elle naman ay siya na nag tapos mag ayos ng dadalhin ko sa charity sa susunod na araw.

"Tomorrow is the third death anniversary niya, gusto mo ba samahan kita?" maingat na tanong ni Ate sa akin, at sinarado ang maleta na dadalhin ko.

Saglit akong natigilan. Hindi ko in-expect na babanggitin niya iyon. Umiling ako sa kanya, forcing a small smile, kahit na sa loob, parang nag-shutdown na ako.

Whimps of Heart (VALENTINE SERIES #2)Where stories live. Discover now