win
Wala sa sarili akong nagpaalam kina Khale pagkatapos ng event. Nakita ko agad ang puting kotse na naghihintay sa'kin sa gate. Nakatayo sa labas si tatay Wen, waiting for me. Nang dumapo ang tingin niya sakin agad siyang ngumiti at nilapitan ako.
"Ba't busangot na naman ang mukha, Ely?" tanong niya habang kinukuha ang bag ko. "Tungkol na naman ba ito kay Marcus?" He asked again with playful smile on his lips.
"'Tay naman, it's not. Basta let's just go home."
"Aba'y mabuti pa nga dahil naghihintay na doon si Nanay Rosa mo. Nagluto siya ng adobo, paborito mo." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat at dali-daling pumunta sa front seat.
"Talaga tay? Sige bilisan na natin nagugutom na rin ako." Natatawang umiling si tatay while starting the engine to go home.
He's my driver ever since, I was 5. His wife, si Nanay Rosa naman ang nag-aalaga sakin simula ng nawala si mommy. They've been my companion in the house since palaging wala si daddy.
Nakasanayan ko na rin na tawagin silang nanay at tatay dahil tinuturing din nila akong parang tunay na anak. They don't have a child and exerted all their time to me. Kaya sobrang laking pasasalamat ko na andiyan sila.
"'Tay, si d-daddy po, 'andoon sa bahay?" I asked hoping to hear another answer from him.
"Oo anak, eh. Dumating lang kanina nung hinatid kita sa school." Saad nito na may tipid na ngiti. I think he could sense my fear too.
I don't hate my father, it's the other way around. H-he hates me.
"Pero 'wag kang mag-alala. Busy yon. Hindi nga daw umalis kanina pa sa office niya, sabi ng nanay Rosa mo." Pampalubag loob nito naramdaman siguro ang pagtahimik ko. I smiled a bit and just busied myself on my sketching pad. I just love designing clothes so much.
I'm not good at handling business or even in academics. Kaya nga, ayaw ni daddy sa'kin kasi walang kwenta ang kaisa-isang niyang anak na dapat pumalit sa kaniya sa mga businesses namin.
But, one thing I'm good at, is designing clothes. Ever since I was a child, ito na ang hilig ko. I want to be surrounded with pretty clothes and pretty dresses. I love it when people wear my designs, it's like I'm seeing the reality of my imagination.
Dumating kami sa bahay at agad akong pinagbuksan ni tatay Wen. Nakita ko agad si nanay Rosa na naghihintay sa labas, malaki ang ngiti sa labi.
"Kamusta ang school, anak?" She asked while guiding me to the dining table. Nakita ko agad ang mga nakahandang pagkain. I sat happily while she's serving me all my favorite foods
"Okay naman po, 'nay. Kayo po, kumain na po ba kayo ni tatay?"
"Ay naku! 'wag mo kaming alalahanin. Kakain kami mamaya. Mauna ka na riyan at alam kong pagod ka sa school." Tumango ako at ganadong sumubo dahil ang sarap talaga ng mga luto niya. Lalong-lalo na ang adobo, paborito ko.
"How about, Daddy? Kumain na po ba siya?" I asked, my eyes still on the food.
"I'm gonna eat later." Napabalikwas ako ng upo ng marinig ang boses ni daddy sa likod ko. Nakita kong pumunta siya sa ref at kumuha ng isang bote ng tubig doon. Humarap siya sa'kin kaya agad akong napaupo ng matuwid.
"Come to my office when you're done. We'll talk." sambit pa nito bago umakyat ulit papunta sa office niya.
Nawalan na ako ng gana kumain kahit gutom pa ako. I saw the worried eyes of 'nay Rosa. I smiled back and assured her that I'll be fine.
Dumiretso muna ako sa kwarto ko at naligo bago ko puntahan si daddy. Did I do something wrong again?! Wala naman akong ginawa, I've been a good girl ever since that day...
YOU ARE READING
The Weight of Farewells (Behind the Scenes Series #1)
RomanceBehind the Scenes Series #1