I'm sorry
Trigger Warning: suicide, depression
"How's your day, Elle?", tanong ni Doc Liza. May kalmadong mga mata at may nakakahawang ngiti. Tumango siya at nginitian ako para siguro sagutin ang tanong niya. Paulit- ulit lang naman ganito ang bungad niya pag pumunpunta ako dito.
Tumango lang ako at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. Tanaw ko ang mga punong nagsasayawan dala ng hangin. Bumuntong hininga ako. Sana puno nalang ako. Parang ang saya ng buhay nila. Malaya at walang iniisip kundi mabuhay.
"May gusto ka bang sabihin sakin, hm? Pwede mo akong sabihan ng kung ano-ano, Elle. Makikinig ako." Bumaling ako sa kanya, walang emosyon ang mukha.
"Wala akong maisip, Doc. Pwede na ba akong bumalik?" walang gana kong sambit na ikinangiti naman ni doc.
"Maganda ang araw ngayon. Hindi masyadong mainit. Nakita ko nga si manong Julio kanina dinidiligan ang mga halaman niya. Gusto mo bang lumabas?"
Napatingin ako sa mga mata niya. . She looks at me like I'm some kind of puzzle she's trying to solve. Nilibot ko ang paningin sa buong room. Malaki at madaming mga halaman sa gilid. May painting sa likod ng table ni Doc Liza, mga rosas. Mahilig siguro siya don. Yung sofang inuupuan ko malapit sa bintana ng office niya, kaya tanaw ko ang mga nangyayari sa labas. Nandoon nga si Mang Julio, may ngiti sa labi habang dinidiligan ang mga halaman niya.
Isang buwan na simula nang ma-admit ako dito sa Mental health facility nila. Kung hindi lang dahil kay Khale, kay nanay Rosa at tatay Wen hindi naman ako pupunta dito. Walang problema sakin... ayos lang ako.
"Alam mo si Mang Julio kasiyahan niya ang mga halaman niya. Kaya siguro hindi makukumpleto ang araw niyan kung hindi binibisita at dinidiligan ang mga halaman niya."
"Pa'no kung namatay ang mga halaman niya... mananatiling masaya parin ba siya?" Tahimik na nakatingin sakin si Doc Liza at hinihintay akong magpatuloy sa pagsasalita.
"Pa'no kung nawala ang mga taong nagpapasaya sa'tin doc? May karapatan pa rin ba tayong maging masaya? " naramdaman ko ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Kaagad ko iyon pinunasan dahil ayokong makita niya iyon.
Tumayo si doc Liza at dumungaw sa bintana. "Oo naman, Elle. Hindi lahat ng kasiyahan natin kailangan base sa ibang tao. May mga bagay na nagpapasaya sa atin na hindi galing sa ibang tao." Lumingon siya at tinignan ako ng diretso. "Nakikita mo ba ang mga puno sa labas? Hindi ba't ang saya nilang tignan? " Tumango ako at ibinalik ang tingin sa mga puno sa labas.
"Masaya sila kasi buhay sila Patricia. Kasi alam nila nakakatulong sila para may malinis at sariwang hangin ang mga tao. Masaya sila para sa sarili nila. Hindi, dahil alam nila na masaya tayo dahil sa sariwang hangin na naibibigay nila."
"B-bakit hindi ko maramdaman ang kahit isang katiting na kasiyahan?.. bakit parang hirap naman maging masaya para sa sarili ko kasi buhay ako? Na sa tuwing naiisip kong maging masaya... naguiguilty ako kasi kasalanan ko, doc."
My voice cracked. "Sabi nila wala daw akong karapatang maging m-masaya kasi... kasi k-kasalanan ko ang lahat." I feel so weak and bare that I want to run away from all of this.
"Ang kasiyahan natin ay hindi limitado at may kapalit, Elle. Walang tao ang pwedeng diktahan sa magiging emosyon mo." She walked back and sit again on the sofa facing me.
"May karapatan kang maging masaya hindi dahil sabi ito ng ibang tao kundi dahil emosyon mo ang nagsasabi. Huwag mong kwestyunin ang emosyon mo, Elle. 'Wag mong maliitin 'yan. Siguro sa ngayon, iniisip mo na puro lungkot lang ang nararamdaman ng puso mo ngunit hindi ba't ito ang dapat mong maramdaman? Dahil nawalan ka, Elle." I remained silent, holding back my tears.
YOU ARE READING
The Weight of Farewells (Behind the Scenes Series #1)
RomanceBehind the Scenes Series #1