Chapter 3

13 0 0
                                    

I like you

"I will remind you again class, you need to submit your designs this week or else you'll receive a failing grade from me."Masungit na sambit ni Professor Galvez.

She was talking about the upcoming runway project that we need to do this semester. I sigh in relief because I'm done with my designs.

Most of my classmates have worried expression on their faces. Grabe naman kasi ang pressure ni Prof Galvez. Isang week lang ba naman kami binigyan ng time para makabuo ng dalawang designs for the runway.

Akala siguro niya madali lang maka-isip ng designs. Tapos gusto pa niya yung unique daw at refreshing. Siya lang naman ang hindi fresh dito, chariz. Ayokong makauno kay Prof.

Buti nalang talaga mabilis kong natapos ang akin.

"Who's done with their sketch, come in front and let me check them." sabay kaming tumayo ni Khale dala ang mga designs namin.

Tinitigang mabuti ni Prof Galvez ang mga designs ko ng nakakunot ang noo. Mukhang pinag-aaralan niya ng mabuti ang bawat details.

Dalawang designs ang ginawa ko, lahat victorian vintage style inspired.

"Why did you chose this kind of style?" biglang tanong ni Prof.

"I like vintage design, Prof. I prefer this kind of style because it shows the elegance, class, and beauty of a woman. I want everyone to appreciate the beauty of vintage style while also providing it with modern twist." Napatango naman si Prof mukhang kumbinsido sa naging sagot ko.

"Good job! I want to see your mood board tomorrow, Ms. Lorenzo."

"Yes, Prof." I replied with wide smile kasi akala ko hindi niya magugustuhan. I even spend sleepless nights para lang mabuo ang designs ko.

"Class, wala ng magpapasa sakin ng designs na vintage inspired, si Miss Lorenzo na ang nauna. Mag-isip kayo ng iba" strikta niyang sabi bago chineck ang designs ko.

"Yes Prof." my classmates replied in unison.

Bumalik na ako sa upuan ko at hinayaan na si Khale naman ang magpacheck. Kaagad 'yun chineck ni Prof ng walang pag-aalinlangan. Syempre, ang top student ba naman ang gumawa, wala ng aangal diyan. Bumalik si Khale ng nakangiti sa'kin.

"Piece of cake." Mayabang na sambit nito bago umupo sa tabi ko.

"Ang yabang. Mapunit sana." He just rolled his eyes at me.

"Khale, nakakuha ka na ng model para sa mga designs mo?" Tanong ko dahil ako wala pa. Mukhang kailangan ko pang kausapin si Marcus mamaya at maghahanap pa ako ng babaeng model.

"Yeah, si Theo and Rea."

"Si Rea, as in yung bagong model na sumisikat?" Tumango lang siya at ibinaling ang atensyon sa ibang kaklase namin na nagpapacheck. Wow. Paano niya nakumbinsi yon.

"Ikaw, nakumbinsi mo na ba si Marcus?"balik niyang tanong sakin. Umiling ako.

"Kakausapin ko mamaya. Wala pa nga akong babaeng model, maghahanap pa siguro ako mamaya."

"You need to find one now, Mag. Mahirap gumawa ng prototype ng wala pang model, alam mo 'yan."

"Yeah, don't you worry. I will try later."

Sabay kaming lumabas ni Khale ng room when Prof Galvez dismissed the class. Nakita namin kaagad si Elio sa labas na naghihintay. He stands there looking very grumpy, but his face always failed him. Ang cute niyang tignan na nakabusangot ang mukha with his lime green jacket paired underneath with a plain white shirt.

The Weight of Farewells (Behind the Scenes Series #1)Where stories live. Discover now