CHAPTER 49 -- Depths of Veracity

18 1 0
                                    



CHAPTER 49 - Depths of Veracity


HELAENA'S POV



Akala ko okay na'ko, akala ko nakalimutan ko na lahat, akala ko mabubuhay na'ko ng tahimik na wala siya. Buong akala ko lang pala lahat ng 'yon. Life is really so complicated. It's so unpredictable. Now I'm back to the beginning. I'm bound to dig up the past so I can move forward. Why it has to be this way? Somebody tell me the easy way. Dahil kung meron man, I'm gonna fuck my way up there.



Hindi ko magawang maging masaya sa bakasyon na'to. Well, sa simula palang naman mali ng sumama ako dito. I was just caught up in the middle. Sino ba namang tanga ang sasama sa bakasyon kasama ang kanyang ex at ang asawa nito? Wala. Ako lang. Ako lang pala. Tss! Gusto ko ng umuwi tuloy.



Pati ang ganda ng lugar na 'to hindi ko na ma appreciate dahil sa inis na nararamdaman ko. Matutulog na nga lang muna ako kesa makisama sa kanila at baka kung ano na naman ang mangyari kapag nagka harap-harap kaming apat. "Teka sa'n na nga ba banda ang aming cabin? Ba't kasi pare-pareho ang itsura ng mga ito?" Nang mapa tapat na'ko sa dalawang magka tabing cabin. "Found it." Tuloy-tuloy na'kong pumasok sa loob at gusto ko na talagang ihilata ang buong katawan ko at matulog at sana bukas nalang ako magising, para pag gising ko ay uuwi na lang kami ng Tagaytay. That'll be great, dahil ayoko na talagang mag tagal sa isang lugar na kasama sila.



"Teka, iniba ba ni Cahli o kaya ni Liv ang ayos ng loob ng cabin? Bakit parang nag iba at hindi ganito nung nadtnan namin kanina?" Nag patuloy akong naglakad malapit sa mga kama nang marinig ko ang lagaslas ng tubig ng shower sa loob ng banyo. " Cahli, ikaw ba yan? Naliligo kana ba?" Sigaw na tanong ko pero tila hindi niya'ko naring at wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.



"Nasa'n naba yung mga gamit ko? Nilagay ko lang naman yung iba sa taas ng vanity mirror ah." Lumapit ako sa vanity mirror para halungkatin sana ang mga drawer nito nang maagaw ng aking pansin ang dalawang bottle pill na kulay orange na nakalagay sa ibabaw kaya kinuha ko ang mga ito para tignan. "Brylle Lauren Samaniego, Aspirin 80mg take 1 tablet once day." Ang nakalagay sa isang bottle pill na halatang galing pa ng America dahil sa packaging nito. "Teka, bakit may ganito si Brylle?" Yung isang bote naman ang binasa ko. "Brylle Lauren Samaniego, Captopril 25mg take 2 tablets daily." Napa kunot noo ako at nagtaka. "Bakit naman siya iinom ng ganito? May sakit ba siya?" Bigla akong kinabahan sa aking naisip. Wala akong alam sa mga ganitong klaseng gamot kung para saan. Kaya kinuhanan ko ng pictures ang mga 'to atsaka ko igo-google mamaya. Pero teka, bakit nandito ang mga bottle pill ni Brylle? Ibig sabihin nasa loob ako ng cabin nila? Sabay tingin sa buong paligid. Napanganga ako at natampal ko ang aking noo. "Tanga mo talaga Helaena kahit kailan. Tsk!"



Hindi pa man ako nakaka hakbang palabas ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Thunder at may kasama siyang isang seksing babae na naka two piece at sa pintuan pa lang ay naglalandian na sila. "No. What am I gonna do?" Panic na tanong ko sa aking sarili. "Sa'n ako pupunta? Papa'no ako makaka alis dito?" Masyadong malayo ang balcony mula dito baka hindi pa man ako nakakarating do'n ay makita na nila ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon