PrologueYakap-yakap ko nang sobrang higpit ang bag ko. Uwian na at nagmadali agad ako sa paglabas habang tahimik na nagdarasal na sana'y hindi ako maabutan ng mga gagong naghahabol sa akin.
I cursed when I was stuck at the gate. Nagsisiksikan ang lahat para makalabas dahil kabubukas pa lang ng gate. Nagpalinga-linga ako at tinitingnang maigi ang mga estudyante.
Wala sana ang mga gago rito. Gusto kong matiwasay na makauwi!
My eyes suddenly stopped at the big posters and tarpaulins hung inside and outside the school's gate.
The posters and tarpaulins have every photo of the students who were recognized by the school because of the pride they brought during contests. All of it were about their contributions and achievements. I saw the familiar faces of top students from higher sections... and some from special programs.
Nagtagal ang titig ko sa lalaki mula sa Special Program in Sports na nanalo sa taekwondo competition sa Manila last month.
May sports contest pala noong nakaraang buwan?
"Nandito siya!"
"Habulin niyo, huwag niyong hayaang makatakas!"
I cursed when I heard the bullies behind me. I immediately search for a way to escape. Hindi pwede sa gate, hindi pa umuusad ang siksikan. May guard at pwede ko silang isumbong, pero abala ito sa mga nagkakagulong students sa gate. Magkukulang ang segundo dahil lalapit pa lang ako, mahuhuli na agad nila ako.
No choice, I had to run back. Kumaripas ako ng takbo yakap pa rin ang bag ko pabalik sa mga building sa school.
Sinadya kong dumaan sa faculty para matakot sila sa mga teachers doon, pero hinarangan ako ng mga epal na estudyante na akala yata nakipagpaglaro lang ako ng habul-habulan! Wala akong magawa kundi umiwas at tumakbo ulit.
Mabibilis ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan papuntang building ng special program. Saglit akong nakatakas at nakapagtago sa likod ng isang classroom.
Nakita kong huminto ang tatlong lalaking naghahabol sa akin para magtanong sa mga estudyanteng dumaan.
"May nakita ba kayong babae na tumakbo rito? Taga Section C! Mga ganito katangkad. Maikli ang buhok at sabog. Basta mukhang paniki! Dumaan dito ngayon lang!"
"Wala kaming nakita!"
Sumiksik ako lalo sa pader kaso bigla akong nakita ng isa sa bintana at itinuro ako sa kasama. Napamura ako at tumakbo ulit.
Damn it! Bukod sa ugali at mata, ano pa ba ang matalas sa kanila?
"Ayun siya! Habulin niyo! Huwag niyong pakawalan dahil gigil na gigil na ako sa babaeng 'yan!"
Walang mga students sa special program. Oo nga pala at may SPL sila every Wednesday kung saan sa kabilang building ang kanilang class extension.
I was trapped in the hallway to special program building. Pinagtutulak ko ang mga classrooms doon pero puro sarado! Damn it! Kailangan ko lang makapagtago. Hindi ko kailangang makipag-away. Pero alam kong hindi rin ako tatantanan ng mga punyetang bullies na ito!
I have no choice but to run for my life. Huli na nang mapansin kong tinatahak ko na pala ang training room ng mga athletes. Itinulak ko nang buong pwersa ang pinto at nagdire-diretso ako sa sahig nang hindi ko inaasahang bukas pala ang iyon!
I dropped in the floor because of too much force. Napaungol ako sa sakit kaya naabutan ako ng mga bullies at nahuli ako sa loob!
Tumayo ako at magtatago na sana sa sulok nang biglang lumabas ang isang pamilyar na lalaki. The guy was in his taekwondo uniform, tying his belt on his waist, and wasn't even bothered by our sudden presence in the room.
Humigpit ang yakap ko sa bag ko. I looked at the guy and realized how tall the gap he has with the bullies' height. Matangkad siya at may insakto lang na pangangatawan ng isang atleta. Iyon naman ang lamang ng mga bullies dahil malalaki ang katawan ng mga ito.
I stepped back. Hindi ko alam kung ligtas ba ako sa pagkakataong ito... dahil mukhang walang pakialam ang lalaki.
Suddenly, the guy looked at me. Ilang saglit niya akong malamig na pinagmasdan bago lumipat ang mga mata niya sa bullies na humahabol sa akin.
They froze. Sa unang pagkakataon, nakita ko kung paano natigilan ang mga gago nang makita kung sino ang lalaki sa likod ko.
Unti-unti silang napaatras at napayuko. It was the first time I saw them faltered and chickening out. All of their evil expressions turned into gentle, soft and submissive one.
Gusto kong mamangha sa biglang pag-amo ng mga mukha nila. Kani-kanina lang, para silang tigreng gutom na gutom at gusto ng sunggaban ako.
"I-Ikaw pala... Henz," one of the bullies said.
The taekwondo guy didn't speak.
Nagsipagyuko sila at parang naging daga na nahuli ng lion. My lips parted in shock. Takot... sila? Sa isang taekwondo player? I can't believe it!
Hindi sila takot mangbugbog at mangbully ng mga malalaking students pero sa taekwondo player... bigla silang naging tutang nahuli ng amo?
Mas malaki pa nga sila sa lalaking ito! Pandak lang sila pero kung sa pangangatawan, mas lamang sila!
Pero teka, may kinatatakutan sila? Talaga? Talaga?!
"Labas," the taekwondo guy said powerfully.
Bahagyang nagsipagtaasan ang balahibo ko sa maawtoridad at mababang boses ng lalaki. At mukhang hindi lang ako. Dahil nakita kong naduwag at nanginig din ang mga gago.
"Isa."
The bullies panicked.
"Dalawa."
Bago pa bigkasin ng lalaki ang pangatlo ay nagkukumahog ng umalis ang mga bullies.
Mabilis akong napasilip sa labas. Tiningnan ko ang pagmamadali ng mga gagong makalayo roon na parang nakakita ng multo.
"'Buti nga sa inyo! Gago!" sigaw ko.
Saka ko lang naalala muli ang lalaki. Unti-unti akong lumingon at nakasalubong ko ang malamig at unwelcome na titig niya.
My eyebrows slowly furrowed when he became more familiar to me.
Wait... Siya iyong nasa tarpaulin sa labas ng school! The taekwondo guy!
Nanlaki ang mga mata ko. I suddenly felt a sudden chill in the room. Unti-unti kong naintindihan kung bakit biglang naduwag ang mga bullies sa kanya.
He looked so powerful and hard. He has a very rude, stubborn and unbending aura. He looked... dangerous and ruthless. Parang walang sinasanto kahit babae. With his tall height, long legs and some tight muscles, he has that air that everyone shouldn't collide or else... they'll crash mercilessly.
Unti-unti akong napaatras. Bago pa siya makalapit ay lumabas na ako sa training room at tumakbo papalayo.
I'll run today because I can't take him. He feels heavy and too much.
But I'll follow him for the next days, I'm sure. I'm going to get rid of the bullies.