BAWAT SANA

6 0 0
                                    

1 December 2022

Sana kahit gaano ako kagulo,
Tayo pa rin hanggang dulo.

Sana kahit man lang sa 'sang kanta,
Matupad ang ating panata.

Sana kayanin kong maniwala,
Ika'y hindi mawawala.

Sana 'di lang sa una masaya,
Walang susunod na salitang "malaya."

Sana kapag hindi na ako,
Hindi ako mapako.

Sana piliin ako sa araw-araw,
Hindi kung kailan lang maisipang dumalaw.

Sana lahat ng aking "sana,"
Hindi mapunta sa "wala na."

Mga Tulang Ulan Sa Tag-initTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon