when destiny missed the boat

10 1 0
                                    

tadhana pala ng luha ay ang pumatak,
mula sa mga mata na dati'y puno ng galak.
parang puso'y paulit-ulit na sinasaksak,
Ibigin ka ay sanay hindi na binalak.

tadhana pala ng mata ay ang makita-
na hindi na ako at meron ng iba.
pagtingin pala talaga sa akin ay wala na,
ako na lang pala itong nagpupumilit na manatili ka.

tadhana pala ng puso ay ang mabiyak,
pira-pirasuhin at mawasak.
dapat pala ay sinabi mo agad,
nang sa ganoon ako ay nakaiwas.

marahil siguro ako'y hangal!
naniwala sa sinabi mong ako ay mahal.
naniwala sa sinabi mong tayo at tatagal,
tunay nga'ng ibigin ka'y nakakasakal.

the anatomy of loving you (poems n thoughts)Where stories live. Discover now