"Cancel na daw lahat ng PM classes sabi ni Janis."
Suadela looked at Nea who is on her phone. They are currently in the main branch of Tinta Publishing Incorporation, doing their OJT.
"Bakit daw?" Nagtatakang kinuha ni Suadela ang phone niya at inopen ang group chat ng department nila. Tapos na sila sa tasks nila para sa araw na iyon kaya ayos lang iyon. Nag-aantay nalang talaga sila ng time para mag-out.
Allan Ace Flores: May meeting mga prof. Wahahaha!
Vinny Mano: Huy huy huy gala tayo?
July Acalain: Nasa ofc pa kami! Pero malapit na out namin. San gagala?
Matthew Crisostomo: G!
Janis Enderes: Hahaha! Loko kayo ambibilis ha! San ba?
Milo Ovaltine: Tara TS tau! S skul p b kau?
"Sama ka?" lingon sakanya ni Nea.
Suadela back read their GC again, checking if Castor replied or even saw them. He has been absent for two days and no one can reach him. She even sent some messages to him but got no reply in return.
"Hindi na siguro. Tinatamad ako." Si Suadela matapos makitang wala pa ring paramdam si Castor. Siguradong hindi rin naman ito sasama.
"Ako din. Papasundo nalang ako kay Austin." Si Nea at hinarap ulit ang cellphone. "Ay nga pala," anito at may kinuha sa bag, "eto na oh. Salamat."
"Kala ko ba sa Sabado pa?" kinuha ni Suadela ang perang inaabot nito.
"Binigyan ako ng allowance ni Austin. Saka overnight pala yung gala namin sa Sabado."
Napatango na lang si Suadela dito at hindi na nakapagkomento pa nang makitang may text ang mommy niya.
Mom: Nak, anong oras ka uwi? Daan ka ospital.
Head nurse ang ina sa isang pribadong ospital. Malamang sa hindi ay may iuutos ito sakanya kaya pinapadaan siya sa ospital.
Now na, mi. Text kita pagdyan na ko.
Pagkasend niya non sa ina ay siya namang lapit sakanila nina July at Milo.
"Girls, tara nang magpa-autograph!" Si July na iniwawagayway ang hawak na time card. Kasunod din nito si Milo na sukbit na ang bag. Required kasing pirmahan ng immediate superior nila ang time in and time out nila para maiwasan ang pandaraya sa oras.
When Suadela and Nea entered the office of the area head officer, they found July and Milo standing in line with three other students from other universities.
"Nakikita nyo yung girl na nakapony tail?" bulong ni July na bahagya lumingon sakanila ni Nea. "Nak-a ng may-ari yan."
"Weh?" si Milo at lantarang nilingon ang babae na nasa gilid lang nila. "Aww!"
"Siraulo ka. Wag ka pahalata." Pinandilatan ni July ang binata matapos itong kurutin.
Pasimpleng nilingon ni Suadela ang sinasabing babae ni July. Simple lang iyon pero malinis tignan. Hindi mo aakalain anak ng may-ari ng sikat na publishing company. Pero ano naman kung anak nga ito ng may-ari? Pare-pareho naman silang nag-oOJT doon.
"Ingat, girls!" si July paglabas nila ng building. Kasama nito si Milo at kikitain ang iba sa TS.
"Ingat, bes." Nea reached for Suadela's cheek for a quick cheek to cheek.
Habang naglalakad naman palayo ng building ng TPI ay nagpagdesisyunan ni Suadela na maglakad nalang. Mula doon kasi ay isang sakay lang ng jeep papunta sa ospital na pinagtratrabahuhan ng ina. Pero kaya naman lakarin kung tutuusin. Mas mapapabilis pa siya dahil makakaiwas siya sa traffic. Magsho-short cut nalang siya.

BINABASA MO ANG
SUADELA | (ON-GOING)
Fiksi RemajaS U A D E L A WARNING: The following content may contain sensitive themes that is not suitable for all audiences. Please proceed with caution. _______ This story is written in Taglish. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Characters, business, pl...