XERVANAH POV:
• • •"BAGSAK ako sa exam." Malungkot na bungad sa amin ni Hailey.
Top student palagi si Hailey at palagi siyang kasama sa top 5 overall. Pero bakit-? Oo nga naman, hindi sa lahat ng oras nasa taas ka palagi. Minsan may hihila sa'y- Hihila? Hindi kaya may gumawa nito?
Tumingin ako sa mga kaibigan na tudo comfort kay Hailey. Si Nikolai ay tinutukan siya ng mini fan, si Phenelzine na tudo paypay kahit may mini fan na, at si Peraliah na taga punas ng pawis at sinisirmunan si Hailey. Hindi nakatulong.
Umiling-iling ako. Imposibling may nakaaway si Hailey. Mabait na tao ang kaibigan namin. Siya pa nga ang taga-awat pag may nagrarambulan na. Hindi kaya dahil sa inggit? Maraming inggitira sa panahon ngayon.
"Hoi, Xervanah! Anong iniiling-iling mo diyan?!" Sigaw ni Nikolai dahilan para mawala ang kalutangan ko. "Para kang tanga!" Pahabol pa nito.
Agad na hinampas ni Phenelzine si Nikolai ng malakas dahilan para umungol ito sa sakit. "Wag kang magsasabi ng kung anu-ano diyan! Inosente si Xervanah!" Aniya na ikinalaki ng mata ni Nikolai.
"Hala! Oo nga pala. Sorry." Aniya at lumuhod sa harapan ko na para bang may kasalanan.
Luh... "Tumayo ka nga diyan, madudumihan ang bagong bili mo sa ukay-ukay." Aniko at umiba naman ang itsura nito.
Lumingon-lingon siya sa paligid at tumingin sa akin. "Hinaan mo ang boses mo, anteh. Pag may makarinig talaga sa 'yo. Sabihin mo nalang na from china to dala ni tita." Sabi niya.
Parang bata naman akong tumango sabay tayo sa kinauupuan. "Yung pants niya nga pala ay made in china. Dala ng tita niya na nagtatrabaho bilang isang janitress doo-" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang may tumakip sa bibig ko.
"Ang ingay mo." Bulong ni Nikolai at hinay-hinay niyang tinanggal ang mabahong kamay sa bibig ko.
Ano ba ang hinawakan nito? Amoy nabubulok na bagang.
Sumimangot naman ako. "Eh, sabi mo sabihin ko nalang na from china 'yan, dala ng tita mo."
Bumuntong hininga siya. "Inosente talaga." Bulong niya.
Umiling ako kaya napaayos ng upo si Phenelzine, Peraliah at Hailey. Habang si Nikolai ay ganon pa rin ang pwesto. "Hindi ako inosente, alam niyo kung bakit?" Tanong ko.
Umusog silang apat at seryusong tumingin sa akin. "Bakit?" Sabay-sabay nilang tanong sa akin.
Sure na ba silang gusto nilang malaman? "Hindi ko kasi tinakpan ang mata ko nong nag-kiss si Tita at nong baby niyang anak." Proud kong sabi.
Nagpipigil ng tawang tumalikod si Peraliah. "Sabi ko na nga ba wag muna natin siyang kausapin."
"Exited na akong mawala sa mundo." Bulong nalang ni Hailey.
Tumalon ako at yumakap sa kaniya. "Hala ako din, excited na!"
"Ang hirap palang magkaroon ng inosenteng kaibigan. Kailangan natin siyang protektahan." Sabi ni Phenelzine.
BINABASA MO ANG
Chasing Ms. Innocent [Editing]
RomanceUpdate: Slow MAFIA WORLD Chasing Ms. Innocent • • • Evelysiah, a girl who craves a peaceful life (amnesia girl), finds herself caught in the whirlwind of a dangerous love story. She meets Kaius, a powerful mafia boss, in an abandoned house durin...