Kabanata Veintecuatro

4K 111 8
                                    

Third Person's Pov

"Sinong lapastangan ang may kagagawan nito?" Galit na galit ang emperatris at puno nang panggiggigil ang kanyang damdamin nang makaabot sakanya ang pahayagan na laman ang balita tungkol sa kanyang anak.

Hindi na maganda ang kinalabasan nang kagustuhan niyang makuha ang loob ng Prinsesa ng Daikirim. At dumagdag pa ang hindi kaayaayang balita na dawit ang ikalawang prinsepe. Tiyak na masisira ang imahe nito sa publiko.

Nakayuko naman ang personal maid at iba pang maid nitong kasama nito ngayon sakanyang silid. Takot na sakanila maibuntong ang galit ng emperatris.

"Sinubukan kong alamin mula sa taong naglabas ng mga pahayagan ngunit tikom ang kanilang mga bibig kahit pa ilang ginto ang ibayad ko sakanila. Pakiwari ko'y mataas na tao sa Engklateya ang nag-utos nagbigay ng impormasyon at nag-utso sakanila," maingat na pahayag ni Merlinda. Tinatansya ang kanyang mga salita at iniiwasang masaktan ng emperatris.

Matalim na napabaling sakanya ang pinaglilingkuran dahilan upang takasan ng kulay ang kanyang mukha. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib sa kabang masaktan nito.

"Wala kang kwenta! Simpleng bagay lang ay hindi mo magawan ng paraan. Umalis kayo sa harapan ko! Humanap kayo ng taong magtutuklas sa katauhan ng lapastangang tumangkang siraan ang ikalawang prinsepe!" Mataas ang boses na utos nit, na siyang agad ikinatuwid ng mga maid at yumukod sabay lakad paalis upang gawin ang iniuutos ng emperatris.

Nang maiwang mag-isa ang emperatris at walang habas nitong hinagis sa lapag ang hawak na kopita. At gigil na ginusot ang pahayagang hawak.

"Walang sinuman ang maaaring sumira sa imahe ng aking anak at makakawala ng walang latay sa katawan," puno ng galit na pangako nito sakanyang sarili.

Samantala, nang malaman ng prinsepe ang balitang kumakalat ay agad nitong inutusan ang kanyang knight na tugisin ang taong nagbayad sa gumagawa ng mga pahayagan na ilabas sa publiko ang tungkol sakanyang gawain.

Wala sa hinuha niyang may gagawa nito sakanya. Siya na isang prinsepe at ang siyang susunod na magiging Emperador.

Kung sinuman ang gumawa nito ay tinitiyak niyang mananagot sakanya. Pahihirapan niya ito at paunti-unting papatayin.

Malakas ang kanyang loob na pumasok sa bahay aliwan sa pag-aakalang walang maglalakas loob na ibukambibig ang kanyang gawain. Ngunit heto na nga at masisira pa sa mga tao ang imahe niya.

Mayroong tao ang nasa isip niya na maaaring gumawa nito. Ang kanyang kapatid, na siyang unang anak ng emperador. Si Priam Vates Noirceur. Na kung tutuusin ay ang may orihinal na may karapatang papalit sa emperador. Ngunit dahil iba ang klase nang pag-iisip mayroon ang emperador ay nais nitong magpatayan sila para sa trono. The most vile, heartless and mischievous, will be the only one who will be the heir.

And Endymion will do everything to be that heir. He doesn't care about his brothers. They don't matter to him. He only wants power to control and role the whole country of Engklateya. And he will do everything to erase everyone who will get on his way.

---

Endymion immediately went to the first Prince's palace, the Topaz Palace.

He's in rage when he went go find the first prince is. The butler of the palace welcome him with a smile but he brush him away and continue marching to where his brother is.

He found him on the garden. Wearing a spec glasses while reading a medicinal book.

"What a surprised! You pay me a visit brother," wika ni Priam. Agad na napansin ang pagdating nito. Bagamat nasa libro parin ang kanyang atensyon.

Nefeli: The Reincarnated Villainess (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon