JANUARY 2
Nagising si Sam sa tunog ng kanyang phone nakita nya na may message si Shine kaya naman dali dali nya itong binuksan...
Shine: Sweeettttheartttt yuhoooo....meet my new baby :)
Sam: ayyyyyy ang kyut prang ikaw :)
Isang picture ng parakeet ang pinadala ni Shine kay Sam
Sam: Love bird yan diba? bakit nag iisa? Asan partner nyan? sabi nila pag ang love bird walang partner nagpapakamatay daw. Hala! bigyan mo yan ng partner baka magpatiwakal :(
Shine: Wag kang mag alala sanay tong mag isa parang ikaw...buhay ka naman hahahaahah
Sam:***aray naman di ka kasi available*** hahahah funnyyyy. Kanino galing yan?
Shine: Bigay ni hubby (heart emoji)
Sam: ahhhhhh ***ang shakeeeyyyt men*** cge brb muna ah, may gagawin pa ako ei
Shine: wait lang po, gusto mo tong iadopt?
Sam: Ha????? bakit ko iaadopt? bigay yan ng jowa mo. Yoko nga
Shine: Dali na, kawawa naman tong munting nilalang wala ka bang habag?
Sam: Bakit ako? Bakit hindi ikaw? or ibalik mo sa jowa mo
Shine: Gusto ko nga ei kasi para xang ikaw hahahah malaki ulo maliit paa hahahahahaha
Sam: Cge na bye ***potek anong tingin nito sa akin tweety bird amputcha***
Shine: hahahah dali na ampunin mo na to bawal kasi balahibo dito kasi may bata. Cge ka pagpinakawalan ko to mamamatay to ng walang kalaban laban.
Sam: anong sasabihin ng boypren mo pag binigay mo to sa akin?
Shine: Alam nya sinabi ko na sa kanya, di rin nya kayang alagaan
Sam: Haisstt cge cge
Shine: Hatid ko mayang gabi heheheh see yah Luvyow :)
Sam: ***sheneelnemen kinikilig ata ako*** hmmm see yah
Alas otso ng gabi ng tumawag si Shine kay Sam para ipaalam na on the way na ito. Walang balak si Sam na papuntahin si Shine sa bahay nya para na rin umiwas sa kadahilanang, nitong mga nakaraan araw ay sobrang naattached na siya kay Shine at hindi na rin nya maintindihan ang pinakitang closeness ni Shine sa kanya. Kaya naman sinabihan nya itong iabot na lang sa kanya ang ibon at duon na lang sila magkita sa katabing hotel ng tinitirhan ni Sam.
Shine: Hellloooo mi amor :)
Sabay yakap kay Sam at halik sa pisngi. Nararamdaman ni Sam ang pag iinit ng kanyang pisngi mabuti na lang at gabi at medyo madilim.
Shine: Alagaan mo to ha kantahan mo palagi
Sam: Ano pala pangalan nito?
Shine: hmmmm Olig heheheh
Sam: Ahhhh ang surname ba nito ay Bah?
Shine: Ha? Anong Bah?
Sam: Olig Bah - Oligba hahahahahah
Shine: poker face waleyyyy ang joke ni Medem nilangaw
Sam: Grabe xa oh. Ay akin na nga salamat sa bagong responsibilidad maniningil ako ng child support sayo ha? Wag mong ideny na ikaw ang ina
Biglang namula ang pisngi ni Shine sa sinabi ni Sam at napansin din ito ni Sam. Hindi na rin maintindihan ni Sam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Shine para sa kanya. At mas lalong namula si Shine nung kinuha ni Sam ang hawla at nagtama ang kanilang kamay. Patay malisya naman si Sam na parang walang nangyari.
YOU ARE READING
My Love...Ms. Model
RomanceHindi sukat akalain ni Samantha na magkakagusto din sa kanya si Shine, isa sa mga modelo ng pinagtatrabahuan nyang modelling agency. Kahit siya ang Head of Operation ng kompanya hindi pa rin sumasagi sa isip nya na ang huli ay meron din palang tinat...