-MAPUPULANG ROSAS-
"Dito ang iyong silid Enrico. Yan yung hihigaan mo...at saka maari mong gamitin ang bentilador at cabinet" saad ni Nay Lusing
Maganda ang kwarto. May kutson pa ang kama.
"Eh ang ilaw ho pwede ko rin ba gamitin?" pagbibiro ko pero tinaliman lang ako ng tingin
"S-sabi ko nga ho p-pwede" ngiting asong saad ko
Pagkatapos ayusin ang iilang gamit ko rito ay lumabas na ako at nagtungo sa hardin ng mansyon. Tama nga ang saad ni Lito kanina...pagkadami daming bulaklak at pumuno sa bakuran nila.
Pwede akong umuwi nga hapon ng Sabado at bumalik ng lunes sa kinaumagahan yan daw ang saad ng mag asawa.
Habang dinidiligan ang mga bulaklak ay nakarinig ako ng isang boses na papalapit.
"R'yan niyo nalang ho ilagay yan manang" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang anak ng amo ko
"Leonora hija ang sabi ng mama mo ay uuwi raw sila mamayang hapunan...may gusto ka bang ipaluto para sa pang gabihan niyo mamaya?" tanong ni Nay Lusing
"Wala ho nay ayos na sa akin ang makasama ko sila sa hapunan...at nay pwese niyo ho bang dagdagan ang maruya?" saad nito
Bumalik ako sa pag aayos ng mga bulaklak. Maya maya pay naramdaman ko ang tingin mula sa likod ko.
Nang lumingon ako ay nakita ko ang pamumula niya na nag iwas ng tingin bigla. Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa inasal niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/378822532-288-k62321.jpg)