"Manonood lang naman tayo bakit kailangan pang mag-ayos?"
"Exactly, Yara. Manonood tayo kaya kailangan nating mag-aayos," sagot sa akin ni Yvelle.
"Students' day na nga, dapat ba mukha pa ring stress? No na no for that," dagdag pa ni Ayla.
Ayla is currently curling my lashes, after that, she applied mascara on me.
"I stand with Ayla, 'yong isa kasi riyan students' day na nga pero yung itsura akala mo nag-aattend lang ng regular class na walang vacant." Nagsimula na naman ang pang-aasar ni Jiro.
"Pinaparinggan mo na naman ba ako?" Inis na binato ni Yvelle ang suklay na hawak niya kay Jiro.
"Wala na nga akong binabanggit na pangalan, natamaan ka pa?"
Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na kami.
Nandito kami ngayon sa labas, sa tapat ng aming school stage dahil dito magpeperform ang school band. Halos lahat nga ng students ay nagbihis at nag-ayos na parang concert ang pupuntahan. Medyo madilim na dahil palubog na ang araw ngunit settled naman na ang mga ilaw, ready na rin ang stage na pagpeperform-an nila at ang mga magpeperform na lang ang hinihintay namin.
"Jiro, bilhan mo naman kami ng palamig oh," pag-uutos ko kay Jiro.
Bumusangot naman si Jiro sa akin. "Ano kayo siniswerte? Kayo na bumili, ayoko."
"Bumili ka na rin ng pagkain mo sa pera ko." Inabot ni Yvelle ang pera kay Jiro.
Mabilis namang lumiwanag ang kaniyang mukha. "Ayoko, ayokong napapagod kayo kaya ako na ang bibili." Mukhang pera talaga.
Nagpalit lang ako ng t-shirt dahil pinagpawisan ako kanina. Eksakto namang pagbalik ni Jiro ay nagsimula na ang pagpeperform ng dance club, and afterward, the music club took the stage, some of them did solo performances—playing musical instruments like violin, guitar, and other instruments. After all the performances, the school band came out, there were five of them, but I only knew three of them, Hairum, Caius, and kuya Zaylo. Halos mabingi ako dahil sa lakas ng hiyaw at tili ng mga katabi ko, lalong-lalo na si Yvelle.
"Ang popogi!" sigaw ni Yvelle.
"So, the first song we will be performing is called 'Tibok' by Earl Justin." Kuya Zaylo did their introduction.
Nagsimula na ang performance nila, tatlo ang nakatapat sa microphone, isa na roon si Hairum na nakahawak din ng electric guitar. Lumingon ako kay Ayla na tahimik lang na nanonood pero yung tingin kay Caius ay parang gusto niya na itong tunawin.
"Naramdaman ng puso na dahan-dahan akong nahuhulog sa 'yo, sa kada-araw natin na pag-uusap meron nang namumuo..." Hairum took the third verse.
My heart jumps a little when he glance at me. Ang ganda ng boses niya, sumabay pa ang ngiti niya.
Salitan ang pagkanta nila. Matagal-tagal bago muling kumanta si Hairum.
"Dahil 'di ko na alam, kung anong patutunguhan." Pumikit siya. "Ang hiling ko lang naman na itong naramdaman..." Pagdilat ng mga mata niya ay nagtama ang tingin namin, we made an eye contact.
Naging estatwa ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang umiwas ng tingin. Pero hindi pa rin ako kumbinsido, dahil sa dami ng mga nanonood ay imposible namang sa akin siya nakatingin.
"Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na at nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa 'yo lang..."
Si Caius ang tumapos ng kanta. Nang sinimulan ang kanta kanina hanggang sa natapos ito ay pareho pa rin ang hiyaw at tili ng mga nanonood. Si Hairum ang may pinakamaikling line na nakuha, pero kahit ganon ay hindi pa rin siya naa-outshine ng mga bandmembers niya.
YOU ARE READING
Every Guitar String
Teen FictionZalaera Ayara Acosta suffered a lot from her father. She hates her life for not being able to have a protective father, because instead of having a father that will protect her, her father acted opposite. After many years, the wounds, pain, trauma a...