Chapter 01

1.6K 25 2
                                    

"Ilan score mo sa earth and life science?" tanong ni Yvelle.

"Nineteen over twenty," tipid kong sagot habang nakatitig sa screen ng phone ko.

Narinig ko siyang tumawa nang bahagya kaya tinignan ko siya. Nakatingin ito sa screen ng phone ko habang may nakakalokong ngiti sa labi. Hinampas niya pa sa akin ang papel na hawak niya. Alam ko na agad kung anong na sa isip niya.

"Paulit-ulit mong pinapanood 'yan ha, pinagpapalit mo na ba si Arkiel d'yan?" nang-aasar na tanong niya.

Pinapanood ko 'yong video na i-pinasa sa akin ni Ayla, hindi man lang niya sinabi na nagvi-video pala siya kahapon, no'ng hinulog ko nang sadya 'yong I.D ko na nag-a-akalang si Arkiel ang makakapulot no'n at magbabalik sa akin.

Inirapan ko siya. "Sira, sinasaulo ko lang 'yong mukha para kapag nakita ko ulit siya ay sasalubungin ko siya ng suntok," pagbibiro ko, pero kapag hindi talaga ako nakapagtimpi ay hindi na magiging biro 'yon.

Umiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang mukha niya sa screen ng phone ko. Chance ko na nga 'yon para mapansin ni Arkiel tapos e-epal siya. Pero hindi maalis sa isip ko na pamilyar talaga siya sa akin, hindi ko lang lubos na maalala kung saan at kailan ko siya nakita.

Hinampas ni Yvelle ang braso ko kaya naman napahawak ako rito ay hinaplos ang braso ko. "Echosera ka, pogi naman siya!"

Nilipat ko ulit ang tingin ko sa screen ng phone ko, ngunit inis lang talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. I can't deny the fact na may itsura siya, pero hindi ko man lang ma-feel, inis lang talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. I immediately turn off my phone when I saw Jiro going closer to us, it lokks like he is dissapointed.

"Ang liit-liit ng sulat mo, Yara! Dinaig pa ang langgam. Hindi tuloy ako makakopya sa 'yo kanina," Jiro said with his annoying voice.

He showed me his paper and pointed to his score, twelve over twenty. He even scratched his head as if he was annoyed with the score he got. Natawa naman ako sa reaksiyon niya, nakakunot pa ang noo nito at hindi maipinta ang mukha.

"Ayos lang 'yan. Isusumbong na lang kita kay tita dahil puro harot ang inaatupag mo imbes na magreview." I jokingly rolled my eyes at him, which annoyed him even more.

"Ang sama ng ugali, parang hindi pinsan," reklamo niya.

"Hala, sino 'yan? Bakit nandito 'yan?" pagbibiro ni Yvelle at tinuro si Jiro.

I chuckled. "Akala ko nga kilala mo e', dayo lang yata 'yan, galing ibang school."

Kinuha ko kay Jiro ang papel niya at nagdoodle na lang dito, I also write my signature on the paper, halos mapuno ang harap ng papel ni Jiro dahil puno ng pirma ko ito. Hindi naman na raw 'to kukunin ng teacher namin kaya kahit itapon namin ay ayos lang. Inagaw ni Yvelle ang ballpen na hawak-hawak ko pati na rin ang papel ni Jiro, tinignan niya muna ako bago ito magsulat. Ibinaliktad niya ang papel at doon nagsulat sa likod dahil ubos na ang space sa harap ng papel.

Mabilis lang siyang nagsulat at ipinakita niya ito kaagad sa akin. Nagflame pala siya gamit ang pangalan ko at pangalan ni Arkiel! Napabalikwas ako ng tayo at tumalon-talon na parang bata. I smiled widely when I saw the result, letter 'M' na ang ibigsabihin ay 'marry'. Nakangiti rin si Yvelle at nagthumbs up na parang proud na proud sa ginawa niya. Napatalon naman ako sa tuwa

"Ikaw, Yvelle, masyado lang lalaki ang ulo ni Yara sa ginagawa mo. Mas lalo mo lang pinapaasa. Uto-uto pa naman 'yan lalo na sa mga ganiyang bagay." Umiiling-iling pa si Jiro habang nakatingin sa flame na ginawa ni Yvelle.

"Palagi ka na lang against sa lahat ha, 'marry' na nga ang lumabas kaya 'wag ka na ngang kumontra." I pouted.

"Isa ka pa," tinuro ako ni Jiro. "Tigilan mo na 'yang kahibangan na 'yan, masyado kang nagpapaniwala diyan kay Yvelle. 'Di ba nagflame rin 'yan dati? 'Yong sa crush niya sa ibang school, tapos letter 'L' ang lumabas na ibigsabihin 'ata ay 'love' or 'lovers'. Ayon meaning no'n 'di ba? Oh wala namang nangyari sa kanila."

Every Guitar StringWhere stories live. Discover now