34

708 30 18
                                    


"Uuwi na ako mamaya ah." nilingon ako ni marcus na nags-swimming ngayon.

Nasa pool area nila kami, mga hapon na rin. Friday pa ako nandidito sa kanila. Sunday na at need ko nang umuwi dahil iyon lang ang paalam ko kay nanay.

Nakaupo ako nang lumapit siya at nilapag niya ang kamay sa gilid ko, hindi mismo nakadikit sa akin iyon dahil baka mabasa pa ako....

"What time, baby?" tanong niya, hindi ako nakalubog sa tubig, ang mga paa ko lang at parang nagtatampisaw lang ako.

Pinatong ko lang din ang kamay ko sa balikat niya, kapantay ko ang mukha n'ya dahil nakalubog pa rin sa tubig ang katawan niya.

Nag-isip ako, ayoko ng gabihin at baka mahirap makauwi.... "Mga five. Saan ang sakayan dito?" pagkasabi ko ay bigla naman kumunot ang noo niya

"Bakit mo tinatanong ang sakayan?"

Pinitik ko nang mahina ang noo n'ya... "Siyempre, sasakay ako. Ano ka ba-- aww!" himas ko sa noo kong pinitik niya rin, mas malakas nga lang ang kaniya.

"Silly! Ba't ka naghahanap ng sakayan? May kotse ako at boyfriend kita. Of course ako ang maghahatid sa'yo." sabi niya na mayroon diin. Napakagat labi naman ako, tangina! kinikilig na naman ako.

Ang isang kamay kong nasa balikat niya ay ginamit ko para hawiin ang basang hibla ng buhok na sumasagi sa may mata niya...

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na boyfriend na kita." wika ko ng wala sa sarili

He took my hand and gave it a kiss. "I feel the same way, I can't believe I have you back." malamlam ang pagkasabi niya

Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kaniya, pero may tanong na hindi mawala-wala sa isipan ko...

"Marcus, paano ang parents mo? yung kuya mo? or paano 'pag nalaman ng iba 'to? hindi ka ba natatakot?"

Alam ko naman na open na sa ganitong klaseng relasyon ang mga tao, pero siyempre kapag nandoon ka na talaga sa sitwasyon, hindi puwedeng walang kang takot na maramdaman.

"Natatakot ka ba?" napako ang tingin ko sa tanong niya... takot ba ako? pakiramdam ko hindi. Sanay ako sa sinasabi ng ibang mga tao sa'kin. Lahat iyon ay hindi maganda, kaya ano pang ikakatakot ko?

Umiling ako sa kaniya.. "Hindi, tanggap naman ako ni nanay at ng mga kaibigan ko. Wala akong dapat katakutan kung nasa panig ko sila. Ikaw lang ang iniisip ko. Kung hindi ka handa, p'wede naman natin 'tong isikreto--"

"I will never do that!" pigil niya kaagad...  "I would never keep my relationship a secret. Hindi ko gagawin sa'yo iyon. Hindi ikaw yung klase ng boyfriend na sini-sekreto lang."

Parang piniga naman ang puso ko sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan no'n.

"Talaga?" nahihimigan ang pagkasaya ko

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at dinampi niya iyon sa pisngi niya... "Hmmm... I promise I will never hide our relationship." buong buo niyang sabi, nagtaka ako ng bigla siyang umahon sa tubig at may kinuha sa table.

Napaiwas pa ako ng tingin dahil topless siya at ang hapit pa ng suot niya pang-ibaba. Nakita ko na naman iyon....pero nahihiya pa rin ako

Natigil na lang ang pagkailang ko nang lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Hawak ang phone niya.

"Let's take a picture." ani niya at binigyan ako ng isang mabilis na ngiti

Ningitian ko naman siya pabalik.. "O-okay..."

Hinawakan niya ang balikat ko at nilapit ako sa kaniya. Nagkuha kami ng mga picture, hindi ko alam kung ilan pero madami iyon. Iba't-ibang pose, mayroong naka ngiti kami pareho sa camera, nakatingin sa isa't -isa at mayroong kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon habang sabay sa pagkuha.

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now