Chapter 3

1 0 0
                                    


TANGING tunog lang ng plato at mga kutsara ang maririnig sa lamesa habang kami ay kumakain ng umagahan. Si Fix at Elyan ay tahimik kaya iyon ang nakakapagtaka. Hindi naman sila ganito e, hindi ko lang alam kung bakit natahimik sila.

Dahil may double deck ang condo at isang kama ay walang matulugan si Kuya Soren pero nag-volunteer si Fix na siya na lang daw ang matutulog sa sahig. Tanging tatlong tao lang ang pinili namin na condo dahil sa umalis si Kuya Soren noon.

Sa itaas si Elyan samanta ay sa baba naman ako, si Fix ang nasa kama na iyon. Dahil sa malakas na ulan kagabi ay hindi na nakauwi si Kuya Soren. Hindi rin namin siya pinapauwi dahil kahit walang ulan ay hindi rin siya pwedeng umuwi dahil gabi na at baka may mangyaring hindi inaasahan sa daan.

Habang ngumunguya si Fix ay kinuha niya ang baso na may laman na tubig at nilunok ang kinakain. Inilapag niya sa tabi ng kanyang plato ang kutara't tinidor bago nagsalita.

"Uuwi ka ba sa ibang bansa?" tanong niya kay Kuya Soren na tahimik lang na kumakain at nang marinig niya iyon ay umangat ang ulo niya.

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa plato nito.

Maririnig ang pagbuntong hininga ng dalawa habang ako ay tumigil sa pagkain. Uuwi na pala siya. Hindi man lang ba kami magba-bonding 'tulad ng ginagawa namin noon?

"Mamaya?" tanong naman ni Elyan at hinihintay ang sagot ni Kuya Soren.

Uminom muna ng tubig si Kuya Soren bago tumingin sa dalawa. "No. Next month, maybe?" aniya na parang hindi sigurado.

"Aba gago! Akala ko ba ngayon?" saad ni Fix at napakamot sa pisngi nito. Hindi makapaniwalang nakatingin kay Kuya Soren.

Pati rin si Elyan at maging ako rin. Nalilito kami.

"Wait, do you want me to get out?" tinaasan niya ng kilay si Fix.

Napailing na lang ako. "Don't leave us, again. Kuya Soren." ani ko at hinawakan pa ang braso nito. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan. Ang kakaibang pagtibok ng puso ko.

Walang maririnig na ingay sa paligid dahil ang kanilang mata ay nasa kamay ko na nakahawak sa braso ni Kuya Soren. Kaagad ko iyon binitawan at  ngumiti sa kanila.

Ikagagalit ba nila na humawak ka sa braso ng Kuya Soren mo?

Tumikhim si Fix at si Elyan naman ay kinuha ang baso na may laman na tubig at uminom doon. Umayos naman ako ng upo. Ramdam ko ang titig ni Kuya Soren kaya sinalubong ko rin ang tingin niya.

Siguro ay limang minuto kaming nagtitigan sa isa't isa at natigil lang kami nang magsalita si Fix. Umiwas kaming dalawa ng tingin. Nakakahiya naman o!

"Kung hindi ka uuwi ngayon, saan ka naman maninirahan?" tanong ni Fix habang hinihiwa ang tocino gamit ang tinidor at kutsara.

"Don't worry about it." sagot naman ni Kuya Soren.
Bumalik siya ulit sa pagkain.

Elyan chuckled. " Huwag mo na kasing problemahin kung saan maninirahan si Soren, Fix. Mayaman 'yan e."

Masasabi mo talagang mayaman si Kuya Soren. May lahi ba naman. Atsaka mababait rin. Isang beses ko lang nakita ang magulang niya at bilib talaga ako sa mga kutis nila, lalo na ang mukha. Si Kuya Soren lang ay moreno. Pilipino naman ang ina ni Kuya Soren.

"Ikaw, Arzhel. Marunong kana pala mag-beg ano?" pang-aasar ni Fix sa 'kin. Nakangisi pa siya at taas-baba ang kilay nito. Nahihibang ba siya?

Inirapan ko siya at magsasalita na sana nang unahan niya ako.

"Marunong kana pala sa ganiyan? Dumating lang ang Kuya Soren mo ay pinapaikot-an mo na kami ng mata?" binalingan niya si Elyan. "Dude? Anong masasabi mo?"

Be My Boyfriend [BxB]Where stories live. Discover now