CHAPTER¹ - PARTY

7 0 0
                                    

Nagising ako at tiningnan ko ang labas sa bintana at medyo madilim na rin. Bumaba muna ako sa kusina para kumuha ng makakain dahil gutom na rin ako.

"Oh ineng ay gutom ka na ba?" tanong ni Manang loleta na isa sa mga kasambahay sa bahay namin.

Halos simula bata pa lang ako ay naninilbihan na rito si aling loleta at talaga namang napakaalaga at mabait.

"Ah opo" sagot ko at agad naman ako nitong pinaupo at ipinaghain ng pagkain sa lamesa.

"Nagluto ako ng paborito mong ulam kaya kumain ka ng marami, ipinagbilin ng mga magulang mo na alagaan kita ng maayos habang wala sila" tumango naman ako at ngumiti.

"Kayo po Manang loleta sumabay na rin po kayo sakin" pag-aaya ko pero umiling lamang sya.

"Naku naman itong batang to, wag mokong isipin basta kumain ka lang" nakangiting tugon nito sakin at dahil makulit ako "Sige na po, ang lungkot po kaya kapag walang kasabay kumain"

"Oh sya sasabayan na kita" sumabay na si Manang loleta sakin sa pagkain at masaya ako dahil may kasabay na ako.

Matapos namin kumain ay hinugasan na ni Manang loleta ang pinagkainan at nagtungo muna ako sa bathroom para maligo dahil feeling ko ang asim ko na. oa ng ferson, ah?

Matapos maligo ay tiningnan ko ang oras at alas syete na sa gabi, pumasok ako sa kwarto ko at saka nagbihis ng pantulog.

Naupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang selpon ko at binuksan at nakakita ako ng missed call. nga pala may tumawag sakin kanina, sowy ka pagod ang ate mo

Tiningnan ko kung sino ang tumawag sakin and it's mom. Mangangamusta siguro si mother, dumapa ako sa kama saka nanood ng videos sa tiktok.

Scroll ng scroll lang ako ng biglang tumawag si bakla, tropa ko rin at kasama sa lahat ng gimik o kung saan pang gala yan go na go yan.

Sinagot ko naman agad ang tawag at naku tili na agad ng bakla ang narinig ko sakit kaya sa tenga "Ano bakla, kalma lang".

"Bakla gora tayo ngayon dali sama ka"

"Teka lang, saan ba?" tanong ko sa kanya. "Nakapangtulog pa ako tapos gala pupuntahan, magpapalit pa ako maghintay ka bakla".

"Fuck you ka talaga andito nako sa labas ng bahay nyo kasama si Yzabelle, dalian mo batuhin ko bintana nyo"

"Aba'y subukan mo bakla, hilahin ko wig mo paglabas ko eh" natatawa kong sabi at nagtungo sa closet ko para magpalit pero ano ba susuotin ko.

"Saan ba punta natin?"

"Sa bahay, I throw a party inside my apartment and I forgot to tell you kaya pumunta na lang ako dito" saad niya.

ang bakla ngayon lang nagimbita kaya namamadali ang ateh gurl, ang tinatawag ko lang naman na bakla ay si Danreck, sounds manly, right?

"Sige sandali lang pababa nako" dali dali kong kinuha ang off shoulder na top ko at ang high waisted jeans ko at sinuot bago ang ang sandal ko na 2 inches lang ang taas.

Bumaba nako at lumabas ng bahay at nandon si Danreck na nakapamaywang pa habang si Yzabelle naman ay nakasandal sa kotse.

Lumapit ako sa kanila "Ano, tara na"

Tiningnan ako ng bakla at napailing iling "Ariane, you always wear clothes like that sa party, why don't you wear a dress, yung fitted kaloka ka".

"Hayaan mo na let's go na" sabat ni Yzabelle na nakasakay na sa passenger seat.

Pumasok nako sa loob ng sasakyan sa likuran at nagsimula ng magmaneho si Danreck at sa wakas ay nakarating na rin kami sa apartment niya.

Pagkababa namin ng sasakyan ay tumungo na kami papunta sa apartment nya, malapit na rin kami at sa labas pa lang ay maririnig ko na ang malalakas na tugtog sa loob at hiyawan ng mga tao.

Now, You're not MineWhere stories live. Discover now