Part 21

167 4 0
                                    

🐣 Ken's POV-

Pag uwe ko ng condo ni Stell, natakot na naman ako dahil wala sya. Tinawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Halos mataranta ako kakahanap sa kanya, hindi ako papayag na mawala na naman sya sakin!

Pinakuha ko si Justin sa mga tauhan ko, ngayon pinapahanap ko narin si Pablo. Nang makarating ako sa hideout agad akong lumapit kay Justin, tinanggal ko naman ang takip sa mukha at tape sa bibig nya.

"WHERE'S MY HUSBAND!!?" -bulyaw ko sa kanya, tinutukan ko sya ng baril, kita ko naman na natakot sya

"H-hindi ko alam Ken!" -saad nya, sinampal ko sya gamit ang baril ko

"Nawawala si Stell!!! san nyo sya dinala ni Pablo huh!!?" -bulyaw ko

"Ken wala akong alam" -umiiyak na saad ni Justin

"Akala nyo ba hindi ko alam!!? Four years tinago ni Pablo ang asawa ko! sinabi sakin ni Josh lahat!!" -bulyaw ko

"Ken let me explain, please wag mo gawin 'toh." -saad ni Justin

"Wala kang dapat ipaliwanag!! dahil alam ko na ang lahat!! isa lang malinaw sakin hadlang kayo saming dalawa ni Stell!" -bulyaw ko

"Ken hindi totoo yan!! hindi ko ginusto lahat, naipit lang ako I just want to save my husband, Ken I'm sorry." -humagulgol na saad ni Justin

"Save your husband??! paano ang asawa ko!!? papatayin nyo kapalit ng sarili nyong kaligayahan!!? C'mon! anong klaseng utak meron ka!!!" -bulyaw ko

"Ken bago pa sumabog yung barko gusto kong sabay-sabay tayong aalis dun para makaligtas tayo di'ko naman alam na binago ni Stell at kuya yung plano eh. Maniwala ka hindi ko yun magagawa kay Stell minahal ko sya." -saad nya

"Mahal!!? p*tang*na!! noon pa man kaagaw na kita sa kanya!!! ayokong maririnig sayo na mahal mo ang asawa ko dahil sakin lang sya!!!" -bulyaw ko, lalo syang umiyak ng malakas

"Ken mahal ko si Stell bilang kaibigan!! bakit ba sarado ang utak mo huh!! I explained everything! yun ang totoo Ken!!" -bulyaw ni Justin, muli ko syang sinampal kaya dumugo na ang bibig nya

"Kayo ang may kagagawan kaya ako nag kaganito!! mga tridor kayo!! pag di ko makita ang asawa ko dalawa kayo ng kuya mo at ng mommy nyo! dadalhin ko kayo sa impyerno!!"-bulyaw ko, rinig na rinig sa buong kwarto ang hagulgol nya imbes na maawa ako, naririndi ako!

"Ken please I'm sorry wag na si kuya ako nalang.. kasalanan ko kung bakit sya nadawit sa mga nagawa ko." -saad ni Justin

"Panu mo nasisikmura na humarap sakin nung mga panahon na nag luluksa ako dahil akala ko patay si Stell!! kagagawan mo ang lahat! Justin, bakit mo nagawa yun!!? akala ko ba tinuring mo 'kong kuya!? anong ginawa mo huh!!? niloko mo 'ko! nasasaktan ako Justin! mahal kita! ayokong gawin 'toh pero punong-puno na 'ko sa inyo!!!"-bulyaw ko, at lalong lumakas ang mga iyak nya.

Lumabas ako at sumigaw sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko matanggap na nagawa nila sakin 'toh. Sila ang una kong minahal bago pa man dumating si Stell sa buhay ko hindi ako makapaniwala na sila ang ta-tridor sakin na sila ang dahilan kung bakit nawala ng matagal ang taong nag bago ng buhay ko. Pinunasan ko ang mga luha ko ng tumunog ang phone ko, agad ko itong tininggnan, nag txt si Stell.

🌭 Pablo POV-

Nakarating na kami ng Manila, agad humiwalay sakin si Stell nag tungo sya sa company ni Ken at ako naman ay dederetso sa bahay ni Justin. Ilang sandali lang nakarating na 'ko. Pag baba ko, agad akong pumasok sumalubong naman si yaya sakin.

"Yaya sila Justin?" -tanong ko

"Sir may mga armadong lalaki po na kumuha kay Justin hinahanap na po sya ngayon ni sir Josh." -saad ni yaya, nang marinig ko yun agad kong tinext si Stell.. nag tungo naman ako ng sasakyan natigilan ako ng may dumating na kotse, si Josh.

"He Came Back" Season 3 -A Kentell Au Story Where stories live. Discover now