"Kamusta ka na?" tanong ni Clara sa kabilang linya, habang pinipilit itago ang panginginig ng kanyang boses.
"Okay naman," sagot ni Liam, simpleng tono, walang halong emosyon. "Ikaw? Kamusta na buhay mo?"
"Same lang din. Trabaho, bahay, trabaho ulit," she chuckled softly, kahit ang totoo, bawat oras ay mas mabigat kaysa sa huli. Ilang buwan na rin simula nung huli silang nag-usap-nung pinili niya si Maya, at naiwan siyang naghihintay sa gilid, tulad ng dati.
Si Clara, palaging nasa backburner ng buhay ni Liam. Laging nandiyan, palaging naghihintay, kahit alam niyang siya ang 'next best choice.'
"Clara... gusto ko lang malaman kung okay ka pa," he said suddenly, his voice got softer.
Napapikit siya, nag-ipon ng lakas. "Bakit mo tinatanong?" She almost didn't want to know the answer. Gusto niyang maramdaman na may halaga siya, na baka, just maybe, siya ang pipiliin ni Liam. Pero alam niya, na sa huli, si Maya pa rin ang nasa puso niya.
"Alam kong hindi tayo nagkakausap, pero... naisip kita."
'Naisip lang' tulad ng dati. Ganoon palagi si Liam, dumadaan, nagpaparamdam, pero hindi kailanman nananatili.
"Masaya ka ba sa kanya?" tanong niya, kahit ang sagot ay kasinungalingan na hindi niya kayang tanggapin.
Tahimik si Liam, parang naghahanap ng tamang salita. "Masaya... pero minsan naiisip ko rin kung ano ang mangyayari kung tayo na lang."
Biglang bumigat ang dibdib ni Clara. Kung sila na lang? Ngunit hindi na iyon sapat para sa kanya. Hindi na siya ang back-up plan, ang panghuli.
"Hindi na ako 'yung option mo, Liam." She smiled sadly, kahit hindi siya nakikita nito. "Kung hindi ako ang pipiliin mo noon, hindi na rin ako ang pipiliin mo ngayon."
"Mahal pa rin kita, Clara," bulong niya, almost as if confessing a sin.
But it was too late.
"Alam ko. Pero ako na lang palagi ang pinipili mong ipagpaliban."
Clara looked out the window, breathing in the cool air of the evening. This time, she would not be the backburner, not anymore...
Inspired by Backburner by NIKI
BINABASA MO ANG
A Playlist of Life
Non-FictionWhich song comes to your mind when you remember your last or the biggest love of your life, the deepest regret, or the fulfilling moment of achievement? "A Playlist of Life" a collection of short stories that demonstrate that there is music in life...