Sa bawat tunog ng ulan na tumatama sa bintana, tila bumabalik lahat ng alaala. Minsan na siyang nangarap ng isang buhay kasama si Paul, ang lalaking akala niya'y magiging kasama niya habangbuhay. Pero ngayon, nakaupo si Lea sa dating coffee shop na madalas nilang pinupuntahan, hawak ang isang sulat na matagal na niyang gustong ibigay sa kanya.
Ilang taon na ang lumipas mula noong nagkahiwalay sila. Matagal din bago niya natanggap ang totoo, ang katotohanang hindi siya ang The One ni Paul.
"Tao po?" Biglang naputol ang malalim na iniisip ni Lea. Bumalik siya sa realidad, tumayo sa harapan niya si Paul—ang taong minsang naging lahat para sa kanya.
"Paul," mahinang tawag ni Lea, pilit na ngumiti kahit alam niyang masakit pa rin. "Kamusta ka na?"
"Okay naman," sagot ni Paul, simple at diretso. "Ikaw? Anong balita?"
Si Lea na matagal nang hindi sigurado kung ano ang isasagot sa tanong na iyon, huminga ng malalim. "Paul, nandito ako kasi… gusto ko lang malaman mo na... I'm sorry."
Napatitig si Paul, tila gulat sa mga salitang narinig mula sa kanya. "Bakit ka humihingi ng tawad?"
Alam ni Lea na matagal na niyang bitbit ang sakit at galit—sa sarili, sa sitwasyon, at minsan, kay Paul. Pero ngayong nasa harap niya ulit ito, hindi na iyon mahalaga. Wala nang dahilan para manisi o magsisi. Matagal nang tapos ang kwento nila, pero gusto niya lang masabi ang nararamdaman niya, kahit sa huling pagkakataon.
"Sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil sumuko ako. At sorry dahil hindi ko nakita kung gaano mo ako kamahal," she said softly, her voice shaking. "Pero ngayon, alam ko na. Alam ko na mas mabuti para sa'yo 'yung nangyari. Kaya… salamat."
Napatingin si Paul sa kanya, may bakas ng pagkalito at lungkot sa mga mata. "Lea, matagal na 'yun. Pareho tayong nagkamali. Hindi mo kailangang mag-sorry."
"I know," Lea smiled, this time with a hint of peace. "Pero kailangan ko. Para na rin sa sarili ko."
Tahimik si Paul saglit, bago tumango at ngumiti. "Salamat, Lea."
Tumayo si Lea, handa nang iwan ang lahat ng sakit, galit, at mga 'paano kung'. Tapos na ang kwento nila, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na siya pwedeng magsimula muli. At sa wakas, natanggap na rin niya iyon.
Bago siya umalis, humarap si Lea kay Paul, at bumulong, "sana, maging masaya ka."
Inspired by Awit ni Ginny by Toni
BINABASA MO ANG
A Playlist of Life
Non-FictionWhich song comes to your mind when you remember your last or the biggest love of your life, the deepest regret, or the fulfilling moment of achievement? "A Playlist of Life" a collection of short stories that demonstrate that there is music in life...