PROLOGUE:JIYANNA
"Darating mamaya ang mga kaibigan ko so, remember my number one rule." Ang may pagka-striktong ani kuya na ikinairap ko lang.
"Bawal akong magpakita sa kanila."
"Yes. So you better stay here inside your room. Tsaka ka na lalabas 'pag nakaalis na sila." Huling sabi nito bago tuluyang lumabas ng room ko.
Inis naman akong napa-padyak at sa gigil ko'y pinagbabato ko lahat ng mga unan na makita ko. Argh! I love my kuya, i really do pero sometimes ang sarap niya rin talagang suntukin dahil sa pagiging overprotective.
My kuya Jaycee has five friends. Si kuya Matteo, kuya Dimitri, kuya, Klaus, kuya Yoshi and lastly, my ultimate crush- si kuya Zach.
Bata palang ay magkakaibigan na sila and they sometimes hang around our house. Nakakausap ko lang ang mga ito kapag nandito si Daddy kasi hindi naman siya strict unlike my kuya. Hinahayaan niya ako na makipag-friends sa friends ni kuya simply because my dad trusts them.
"Ito na ang meryenda mo, ganda." The door of my room opened at pumasok mula doon si Yaya Meling, my Yaya since birth.
She put down the tray na may lamang isang slice ng cake at saka yung favorite kong turon na specially made by her.
"Thank you, yaya." Ang walang kagana-ganang wika ko rito at pabagsak na dumapa sa aking kama.
"Malungkot kana naman kasi hindi mo makikita yung crush mo?" Si yaya.
Tumihaya ako ng higa at nakipag titigan sa kisame. "Si kuya kasi, ang kj niya."
"Paano kung sabihin ko sayong puwede kang lumabas dito sa kuwarto mo at puntahan si Zach sa may pool area?"
After hearing that, ay mabilis pa sa kidlat akong napabangon at nanlaki ang mga matang tumingin kay yaya.
"Really po?!"
She chuckled. "Oo. Kakaalis lang ng kuya Jaycee mo, pinasama siya ni Sir Joaquin at mukhang sa kompanya na naman ang punta nila."
My heart filled with much excitement. I couldn't wait to see my crushie cakes!
I immediately went to my closet para kunin ang pinaka paborito kong kulay red na off shoulder dress. I wore it saka nag-ayos ng kaunti.
"Oy, our disney princess is here!" Ang sigaw ni kuya Klaus na siyang unang nakapansin sa akin. Dahil dun ay halos sabay-sabay na napalingon sa akin ang iba pang mga kaibigan ni kuya at kasama na dun ang crushie cakes ko- si kuya Zach.
"Hi there, Jiya."
"Hello po kuya Dimitri. Hello rin po sainyo." I shyly greeted all of them.
"You look pretty. Bagay sa'yo yang suot mong dress." Ang nakangiting papuri ni crush na agad ikinainit ng aking magkabilang pisngi. Parang gusto kong magtatalon sa kilig! Oh my gosh!
"Tch. Anong bagay? Ine-expose niya yung balikat niya kaya paniguradong l lagot yan kay Jaycee." Ang agad na kontrata ng number one enemy ko- si kuya Yoshi!
Panira!
"Oks lang yan, wala naman si Jaycee dito, e. Support ka nalang sa kung saan man komportable si Jiya." Ani kuya Klaus sabay akbay sa akin.
Nagulat nalang kami ng marahas na inalis ni kuya Yoshi ang braso ni kuya Klaus na naka-akbay sa akin.
"Huwag mong dikitan kung ayaw mong balian kita ng buto." Seryoso at walang halong pagbibiro nitong saad habang diretsong nakatingin kay kuya Klaus.
"Hey. What's with that reaction, dude? Dinaig mo pa si Jaycee, ah." Kuya Klaus tried to laugh it off pero nanatili lang na seryoso itong si kuya Yoshi.
"Tara, langoy na nga lang tayo." Pag-aaya ni kuya Dimitri at agad namang nagsi sang-ayunan ang iba bukod rito kay kuya Yoshi.
Halos sabay na nagsitalunan ang mga ito sa pool kaya at naiwan kaming dalawa ni kuya Yoshi dito sa may gilid.
"Ikaw bata ka. Gusto kong tandaan mo itong sasabihin ko."
"Hindi na ako bata!" Inis kong saad rito. Ang pinaka-ayaw ko pa naman ay yung tatawagin akong bata e, hindi na nga ako bata! I'm fourteen years old na kaya!
"Bawal kang makipag-lapit sa kahit na sinong lalaki lalong-lalo na kay Zach."
My forehead creased. "And why?"
Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin atsaka seryosong bumulong sa may tenga.
"Dahil sa akin ka lang. Naiintindihan mo?"