18

80 9 1
                                    

"Sir bawal po kayo sa loob, hintayin nyo nalang po ang paglabas ng doctor" pagharang samin ng isang nurse at isinara ang pinto ng ER

Napaupo ako sa upuang nasa gilid at napahilamos ng kamay sa mukha

"Tita will be ok gab, magagaling ang mga doctor dito she'll be ok" naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko

"Alam mo kasalanan moto eh! Kung di molang sana ako ginulo sa bahay kanina edi sana hindi nangyare lahat ng to! Hindi kopa napapalampas yung ginawa mo sakin kyro pero may dumagdag na naman--- gulong gulo na ako!---" galit kong iyak na sumbat sa kanya

Hindi sya nakaimik dahil sa sinabi ko ngunit kitang kita ng mga mata ko kung panong kumuyom ang kamao nya at bakas na bakas ang mga ugat sa leeg at noo nya

"Isipin mo gab kung bakit ko ginawa yon" tanging nasagot nito at umalis na sa harapan ko

Naiwan akong magisang nakaupo sa labas ng ER, nagdadasal na sana ok lang si mama

Inabot din ng ilang minuto bago lumabas ang doctor galing sa loob, nakaramdam pa ako ng kaunting pagka antok pero nilabanan ko

"Doc kamusta po ang mama ko?" Tanong ko agad ng makatayo ako

"She's in good condition now but... she's in comma due to a heart attack that may caused by an intense stress hindi nakayanan ng heart disease nya na naging dahilan upang ma apektohan ang brain nya at ma stroke sya" sagot nito

Agad akong nanlumo dahil sa nalaman, kailan pa? Bat hindi sinabi sakin ni mama ang kalagayan nya o baka pati sya sa sarili'y di nya alam?

"Doc ano pong pwedeng gawin?" Tanong kopa dito

"we will check on it and for her comma there is no single remedy or actions to be done since comma is a serious condition and can recover itself but sa sakit nya don kami mag fofocus sa mga gamot na ibibigay namin sa kanya through inject to keep her secured and good"

"As for now, i highly recommend to let your mother stay here sa pagpapagaling at paghihintay kong kailan sya magigising. And as to her condition 6-12 months timeframe is how long she will be in comma or before she'll possibly wake up" dagdag pa nito

"Doc--- gawin nyo po ang lahat pakiusap--- gumaling lang po ang mama ko---" humihikbi ko ng pakiusap sa doctor

"Dont worry, i and we will do our best" sagot naman nito at nagpaalam ng umalis

Maya maya pa'y inilipat na ng mga nurse si mama sa isang private room, nagtanong naman ako kung may regular room lang ba sila o yung hindi private room pero mismong hospital nato ay private pala

Nilapit ko ang isang plastic chair sa hinihigaan ni mama at hinawakan ang kamay nya. "Ma sana naman po magpakatatag kayo wag nyo pong hayaang lamunin na kayo ng tuluyan ng mahabang pagkatulog ma. Kasalanan kopo to eh hindi po ako naging maasikasong anak sa inyo kaya hindi kona nalalaman ang kalagayan nyo"

"Sa ngayon po kinakailangan kong makahanap ng bagong hospital na pupwede nyo pong paglipatan" kailangan ko talaga dahil alam ko sa sarili ko na mahal ang bayad sa hospital nato at ewan ko kung anong nasaisip ng kyro nayon at dito nya kami dinala

Maya maya pa'y narinig ko ang pagkatok sa pinto at tatayo na sana ako upang pagbuksan iyon ng kusa na itong bumukas at bumungad si kyro. May dala dala syang maraming supot at paper bag ngunit hindi iyon ang ipinagtataka ko kundi ang mata at mukha nyang pulang pula

LSBD: Taming His Mischievous SideWhere stories live. Discover now