***
"PLEASE, Juls? Pahiramin mo muna ako. Babayaran naman kita agad," bulong na usal ni Rayne sa smartphone. Mahigpit ang kaniyang hawak sa smartphone gamit ang kaliwang kamay at halos kagatin niya ang hinlalaki ng kanang kamay.
It was already seven in the evening when her best friend, Juliet, answered her phone from the other side of the world. When she saw the name flash on her screen, she left Exodus outside the bedroom to talk to her best friend.
"Bes, try kong maghanap ng paraan. Masyado lang kasi malaki ang gusto mong hiramin," kalmadong sambit ni Juliet. "You of all people know that I can't just pull almost a million dollars from thin air."
"Alam ko naman na mahirap. Baka nga maghanap pa 'ko ng trabaho nito." Nagkrus na sa isip ni Rayne na kailangan niyang maghanap ng trabaho. Kung maaari, ayaw niya sana sa kompanya ng sariling pamilya dahil nabahiran na ng dumi ang pangalan niya at masasabi lamang na dahil sa nepotismo kaya siya makakukuha ng posisyon sa kompanya.
Maybe she could contact her godmother Samara and see if she would allow her to work in their hotel without her family knowing. Ngunit malakas din ang kutob niya na hindi iyon magtatagumpay dahil malapit si Samara at Blake sa kaniyang mga magulang—partikular na ang Ninong Blake niya at ang daddy niya na matalik na magkaibigan.
Rayne's ideas were running out too fast.
"Paano ba 'to nangyari? Akala ko ba hindi na mauulit . . . "
Rayne cleared the heavy lump in her throat. "Akala ko rin . . . "
Pilit niyang pinigilan ang pagtulo ng luha. She knew Juliet would be disappointed in her . . . again.
Juliet Samaniego was her classmate in high school and college. Sa lahat ng naging kaibigan niya, si Juliet ang pinakaprangka at tahimik. HIndi rin ito nagkagusto sa kaniyang kakambal katulad ng karamihan sa kaniyang mga naging kaklase dahil isa itong tibo, at hindi rin nasilaw sa pera dahil mula rin siya sa isang pamilya na maykaya.
Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ng kaibigan dahil nagtatrabaho ang dalaga sa Amerika. At dahil sa magkaibang timezone, madalas ay sa chat at pagtawag na lang sila nagkakausap.
"Pero 'di ba alam na rin ng pamilya mo? I saw the tabloids with your face on it."
Rayne rolled her eyes. "Yes, si Rhyan ang kumausap kina mom at dad. He's helping me, but he could do just so much. Alam ko naman na kaya nila maayos 'yon agad. Pero masiyado na rin lumalaki ang utang ng loob at interes ko from my past utang. Itatakwil na talaga ako ni dad after this."
This time, she heard Juliet release a heavy sign. It was most likely a sigh of disappointment.
"Don't tell me you're in hiding?"
Rayne could picture Juliet's face with the most scrunched forehead. Pakiwari niya ay siya ang nagbibigay ng maraming marka sa mukha ng kaibigan. "Alright, I won't tell you."
BINABASA MO ANG
Save the Bravest from the Past (R-18)
عاطفيةRunning away from the limelight, Rayne hides with her unlikely ally, but will she end up running away from her feelings, too? *** On a night of celebration, free-spirited heiress Rayne Fuentes gets tangled in a shocking scandal. As she searches for...